Meet Lucille Taro Dejos, Top 3 sa March 2022 LET na nagsalba sa kanilang kolehiyo

by KC Cordero
May 11, 2022
Lucille Taro Dejos in graduation photo.
Nang dahil kay Lucille Taro Dejos at sa kanyang mga batchmates na pumasa sa 2022 March Licensure Examination for Teachers, posibleng hindi na i-dissolve ang education department ng Talisay City College sa Cebu.

Napakalaking pressure ang nakaatang sa balikat ng 24-year-old na si Lucille Taro Dejos at ng kanyang mga batchmates na kumuha ng Licensure Examination for Teacher (LET) elementary level noong March 2022.

Ayon kay Lucille, na tubong Barangay Linao, Talisay, Cebu, kapag hindi naging maganda ang kanilang performance sa LET, malamang na ma-dissolve na ang education department ng kolehiyo kung saan siya nagtapos.

Lucille Taro Dejos

Continue reading below ↓

Produkto siya ng Talisay City College sa Cebu, at isa siya sa mga graduates na inaasahan para maging “saving grace” ng kanilang departmento.

Aniya, “I was really pressured while reviewing for LET, especially when our dean told me that if we do not pass, the education department of our school might be dissolved.

“I admit that it scared me to take the LET and fail.”

Bukod dito, gusto na rin niyang maging lisensiyadong guro para makahanap ng regular na trabaho at makatulong sa kanyang parents.

Isang welder ang kanyang ama at dressmaker naman ang kanyang ina.

Sa katunayan, dahil kapos sa gastusin ang kanyang pamilya, para makapag-enroll sa review center ay nag-sideline muna siya bilang tutor.

Kaya gayun na lamang ang tuwa ni Lucille nang lumabas ang resulta ng LET noong April 29.

Third placer siya, at may rating na 91.4 percent.

Pagtatapat pa niya, simula pagkabata ay pagiging teacher na ang kanyang ultimate dream.

Continue reading below ↓

“So, I took education in college. I love children, and I want to teach them not just school lessons but life.”

Aminado rin siyang pangarap niyang maging board topnotcher. Pero dahil nabawasan ang kanyang self confidence, at dahil sa takot, hindi na siya umasa.

Kaya laking gulat niya nang maging third placer siya.

Plano niyang magturo sa isa sa mga public schools sa kanilang lungsod.

Pinayuhan naman niya ang mga kukuha ng LET na huwag mapapagod sa paghabol sa kanilang pangarap, at balewalain ang anumang kritisismong matatanggap.

Sambit niya, “Be thankful for those who praise you and be inspired to do more for them.

“And most importantly, be more thankful to those who look down on you and prove them wrong.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nang dahil kay Lucille Taro Dejos at sa kanyang mga batchmates na pumasa sa 2022 March Licensure Examination for Teachers, posibleng hindi na i-dissolve ang education department ng Talisay City College sa Cebu.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results