Isang 13-anyos na batang lalaki ang nagmartsa sa entablado at tinanggap ang kanyang college diploma nito lamang second week ng May 2022.
Siya si Elliott Tanner, taga-Minneapolis, USA, at nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Physics minor in Math sa University of Minnesota.
Nakatakda rin si Elliott na kumuha ng kanyang PhD sa susunod na pasukan.
Laman ng mga lehitimong media outlets ang achievement ng young teen na si Elliott dahil sa kanyang pambihirang achievement.
Read also: Meet Joys David: college student at 11, double-degree holder at 16

Elliott Tanner, 13, finishes BS Physics
Nine years old lang si Elliott nang magsimula siyang magkolehiyo.
“I am extremely thrilled to announce that I will pursue my PhD in Theoretical Physics at the University of Minnesota!” caption ni Elliott sa kanyang Instagram post noong April 6, 2022.
Sisimulan niya ang pagkuha ng kanyang post-graduate studies sa third o fourth quarter ng 2022.
“As you can imagine, starting college at 9 and receiving my B.S. degree in Physics at 13, my journey has been challenging at times, but incredibly rewarding!”
Balak tapusin ni Elliott ang kanyag PhD sa susunod na lima o anim na taon o bago siya tumuntong ng 20 anyos.
Plano niyang magturo sa unibersidad after ng kanyang PhD, ulat ng people.com nitong May 5.
Base sa National Science Foundation sa U.S., ang average age sa Amerika ng nakatatapos ng doctorate degree ay 31.5 years old.
LIKE A REGULAR KID
Sa kabila ng pagiging isang genius, pakiramdam daw ni Elliott ay isa lang siyang ordinaryong bata.
“I just go to a different school,” paliwanag niya.
Halimbawa, may report sa class si Elliott tungkol sa kanyang research ngayong araw, 'tapos sa susunod na araw ay makikita siyang naglalaro video games at mga board games.
Sa murang edad ay napansin na ng mga magulang ni Elliott ang talino ng kanilang anak.
Nakakabasa na si Elliott sa edad na 2-3 years old.
Pagsapit ng limang taong gulang, memoryado na niya ang periodic table, kabilang na ang weights at atomic masses ng lahat ng 118 elements.
Sabi ng ina ni Elliott na si Michelle Tanner, sa edad na anim na taon ay nadiskubreng “profoundly gifted” ang bata base sa kanyang IQ test.
Sinimulang i-home school si Elliott ng kanyang mga magulang.
Sa edad na siyam, ipinasok si Elliott sa Normandale Community College, ang local community college sa kanilang lugar.
Nag-graduate siya na may associate’s degree sa edad na 11 years old, at tumuloy sa University of Minnesota.

Elliott is expected to take his doctorate degree in Theoretical Physics later this year.
Naniniwala naman ang mga magulang ni Elliott na nasa dugo niya ang pagiging gifted.
Ang kanyang inang si Michelle, 45, ay isang freelance photographer at social media manager.
Si Michelle ay may two-year associate’s degree in graphic design.
Naniniwala raw si Michelle na gifted siya, pero mayroon siyang “undiagnosed dyslexia,” ulat ng people.com.
Ang kanyang asawa na si Patrick, 56, ay high-school graduate lang, pero mahusay sa music at isang music producer.
Dagdag ni Michelle, ang kanyang father-in-law ay isang “super smart” civil engineer at self-taught multilingual. Fluent ito sa anim na lenggwahe.
