Top 6 si Angelo Hinayas Sigue sa ginanap na May 2022 Civil Engineering Licensure Examination. Nakakuha siya ng rating na 92.60 percent.
Tubong Lapu-Lapu City, ang 23 years old na si Angelo ay produkto ng Cebu Technological University (CTU).
Sa panayam sa kanya ng SunStar Cebu noong May 14, aminado si Angelo na hindi niya pangarap noon na maging engineer.
Takot kasi siya sa mga subjects na may mathematics.
Pero nang maging Top 9 ang kanyang nakatatandang kapatid na si Ramel sa 2015 Civil Engineering Licensure Examination, naging idolo niya ito at inspirasyon.
Nagdesisyon siyang sundan ang mga yapak nito—bagaman hindi naging madali.
Pagbabahagi ni Angelo, “Engineering was never my field of choice. There was even a time that I felt so down during my first year in college when I got a low grade in math.
“But knowing my brother also topped the exam, he inspired me and gave me a wake-up call to study harder.”
Inalis din niya ang takot sa mga math subjects.
Ang ginawa niya, sumali siya iba’t ibang math constest at quiz bees.
Nakadagdag aniya ang mga nilahukang kumpetisyon para maging matalas siya sa problem-solving sa math at mag-improve ang kanyang analytical skills—na naging factors para maging ready siya sa board exam.
Nang lumabas naman ang resulta ng board exam ay ang kanyang kuya pa mismo ang nagbalita sa kanya.
Kuwento ni Angelo, “My brother woke me up to tell me the news. I was so happy, for I know God never left me throughout my journey.”
Ngayong isa na siyang licensed civil engineer, bukod sa paghahanap ng trabaho ay plano rin niyang kumuha ng master’s degree sa engineering para mas lumawak pa ang kanyang kaalaman.
Payo niya sa mga nangangarap maging engineer, “Keep the fire burning and always hit the nail on its head. When the time is right, it will be given to you. Just keep praying and always do your best.”
Huwag din aniyang susuko kahit kung minsan ay makakaramdam ng pagod.
“If you are tired, just rest and never give up. I keep on repeating that in my mind every time frustration starts to consume me. It works every time as I really want to top the test.”