Top 1 si Archigine Agleham Labrador ng University of Saint Louis-Tuguegarao sa May 2022 Civil Engineering Licensure Examination.
Mas kilala siya bilang si Archi.


Nakakuha siya ng rating na 93.95 percent.
Sa kanyang Facebook post noong May 15, nagbigay ng trivia ang topnotcher tungkol sa kanyang kakaibang pangalan.
Ang kanyang post (published as is): “ARCHIGINE-a very unique name na binigay sa akin ng parents ko na mahirap bigkasin if first time babasahin.
“Archigine stands for ARCHItect and enGINEer, na profession ng father and mother ko respectively. O diba, pati pangalan ko may derivation. HAHAHAHA.
“Kidding aside, maliit palang ako gusto ko na talaga maging Civil Engineer dahil nga na introduce eto ni mama sa akin at an early age. So after 6 years in Elementary, 4 years in High School, 5 years in College, and approximately 1.5 years of Review...
“REGISTERED CIVIL ENGINEER NA AKO!”
PASASALAMAT SA MGA SUMUPORTA SA KANYA
Sa kanyang tagumpay ay pinasalamatan ni Archi ang mga taong naging bahagi ng kanyang success.
“Sa family ko na ang laki ng tiwala sa akin na kaya kong abutin lahat ng gusto kong abutin as long as ito ay mabuti at pinaghihirapan ko.
“Sila ang nagturo sa akin na laging magtiwala sa sarili, and always lumapit kay God.
“I never felt that I was alone sa naging laban ko dahil since day one nararamdaman ko na ang kanilang suporta, most especially kay Mama Ling Labrador, na full support sa kung ano mang desisyon ko sa buhay.
“I love you, ‘Ma. And like what I've said noong graduation ko, ‘This is just the start of greatness, on to the next one!"
Inalala rin niya ang ama na sumakabilang buhay na.
“And kay Papa na nasa heaven na, alam po namin ni Mama na nakabantay ka lang sa amin palagi and gina-guide kami sa tamang landas. I love you and I will continue making you proud.”
At hindi niya nakalimutan ang mga kaibigang malaki ang paniniwalang kaya niyang makapasok sa Top 10.
“For reminding me everyday kung ano ba talaga yung purpose ko at kung bakit tayo lahat nagsimula. The journey was rough pero dahil sa inyo, na-enjoy ko kahit gaano man yun kahirap.”
Very thankful din siya sa kanyang university, review center, at mga sinalihang student organizations.
AVERAGE STUDENT PERO KINARIR ANG PAGRE-REVIEW
Ayon kay Archi ay malaking tulong sa kanyang pagiging topnotcher ang kanyang tamang mindset at ang pag-e-enroll sa review center.
Pagbabahagi niya, “Nasabi ko ito because never ako naging valedictorian, hindi ako cum laude, at hindi ako quizzer.
“Sa buong college life ko, halos tatlong beses lang akong naging Dean's Lister, and hindi ko ide-deny na nagkaroon ako ng 75 [or tres] na final grade sa ibang semesters.
“Pasayaw-sayaw lang kung may dance competition sa loob at labas ng campus, hahaha!”
Mahilig kasi siyang sumayaw.

Pero nang mag-enroll siya sa isang review center ay naging malinaw sa kanya ang mga lectures, at madali niyang na-absorb lahat ng topics na ibinato ng mga instructors.
Humugot naman siya ng lakas ng loob sa Diyos sa kanyang pagkuha ng board exam.
“A few days before the exam, I was scared that my preparation was not enough.
“I started to doubt if I can really reach my goal, but He spoke to me. He spoke to me through my friends, my family, and through the priest who delivered the homily from the mass that I'm listening to a few days before the exam.”
Heto ang sinabi ng pari sa kanyang homily: "May kasabihan tayong to see is to believe, but for God it is to believe is to see.
"Huwag niyong ipagdasal na, ‘Lord, sana makapasa ako sa exam ko.’ Ang ipagdasal niyo, ‘Lord, makakapasa ako dahil alam kong nandiyan ka, dahil alam kong hindi mo ako iiwang mag-isa.’"
Dahil sa narinig niyang ito, nabawasan ang kanyang pangamba,
“Because I know that that was Him. He was telling me to believe in myself, and in Him and I shall see the greatness of His works.”