“Padaan muna minsan lang eh,” ito ang status (published as is) ni Johnlern Dagala Paden sa kanyang Facebook noong May 12, 2022.
Second placer si Johnlern sa May 2022 Civil Engineering Licensure Examination.

Nakakuha siya ng rating na 93.60 percent.
Estudyante si Johnlern ng Far Eastern University Institute of Technology.

Ang kanyang tagumpay ay isang patunay sa kasabihang, "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa."
Sa kanyang naging achievement ay unang pinasalamatan ni Johnlern ang Dakilang Lumikha.
Pagbabahagi niya, “Kasi lagi kong sinasabi sa prayers ko na, ‘Lord, hindi ko po hinihiling na gawin niyo akong topnotcher. Ang hiling ko lang po is, set me at my best condition and set my mind at peace and let me do the rest.’”
Mayroon kasi siyang mindset na gusto niyang patunayan sa sarili na kaya niyang maging topnotcher on his own.
Pero hindi ibig sabihing binabalewala niya ang Dakilang Lumikha. Gusto lang niyang maging worthy siya sa pagiging topnotcher.
“Pero kahit ganoon pa man, ramdam ko yung pag guide Mo [Lord] sa akin all throughout the exam, and You never fail to provide.”
SUPORTA MULA SA PAMILYA, ORGS, AT MGA KATROPA
Napakalaki rin ng pasasalamat niya sa kanyang mga kapamilya, na ayon kay JohnLern, ay hindi napagod sa pagsuporta at pag-aalaga sa kanya habang naghahanda siya sa board exam.
“Ma, Pa, Ate, at Kuyas, hindi ko makakalimutan yung mga sakripisyo niyo para sa akin. Simula sa pagsalo sa mga gawaing bahay para lang makapag-focus ako sa pagre-review, up to the point na you’re providing my financial need and allowing me to relocate my review and trusting me.
“Also, thank you kay Mommy Norie Banares, Ate Cj Costales at Ate Jen Costales Briones for welcoming us in your home. Sa loob po ng four months, eh, hindi niyo po kami pinabayaan, laging busog.”
Thankful din siya sa mga organisasyon sa kanyang university, review center, mga katropa na nakasama niya sa kanyang journey, at mga taong nag-push sa kanyang limit.
“For all the knowledge you have given me. You are all a big part of this achievement.
“Habang buhay kong magiging utang na loob yung kaalaman ko dahil sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko magagawa ito. Sobrang solid niyo.”
INUNAWA NG KANYANG “BEAUTIFUL LADY”
Binanggit din ni Johnlerm ang kanyang “beautiful lady” na sobra umanong inunawa siya noong busy siya sa pagre-review.”
“For giving me the motivation when I am doubting myself na kung kaya ko bang ganito, ganyan. You’re always there to cheer me up, and you never fail.”
Ang mas nakatutuwa, pasado rin ang kanyang beautiful lady sa board exam.
“I am always grateful to you, and I am proud of you for passing this exam. You never really fail to amaze me.”
Nag-congratulate din si Johnlern sa kanyang mga kapwa-board passers.
“I am proud of us, guys. Go celebrate and relax yourself. You deserve it!”