Tumanda na sa kanyang pinagtatrabahuhan ang Brazilian na si Walter Orthmann.
Noong April 19, 2022, nag celebrate si Walter ng kanyang 100th birthday.
Kasunod nito ay kinilala siya ng Guinness World Records bilang may “longest career in the same company for 84 years and 9 days.”
Higit walong dekada nang loyal si Walter sa isang textile and fabric company sa Brazil.
Nagpalit na nga ng pangalan ang kumpanya ay empleyado pa rin doon si Walter hanggang ngayon.
Talaga namang deserve niya ang loyalty award.
Isinilang si Walter noong 1922.
Kuwento ni Walter sa Guinness, bilang panganay na anak, maaga siyang pinagtrabaho ng ina.
Maagang nagbabanat ng buto ang mga tao noon.

Sa edad na 16, nagtrabaho siya sa textile company na Industrias Renaux S.A. simula noong January 17, 1938.
Ang pangalan na ngayon ng company ay RenauxView.
Nagsimula si Walter bilang shipping assistant, at kalaunan ay na-promote sa sales.
Kasunod nito ay naging sales manager siya.
Ang sikreto naman ng centenarian para magtagal sa kumpanya: mahalin ang iyong ginagawa.
Naniniwala siyang hindi ka magtatagal sa kumpanya kung hindi mo gusto ang ginagawa mo.
Kailangan daw humanap ng trabahong mamahalin mo.
At pag gusto mo ang ginagawa mo, hindi mo mapapansin ang paglipas ng panahon.
Obviously, ganito ang nangyari sa sitwasyon ni Walter.

Ang sikreto sa kanyang magandang kalusugan ay diet na walang sugar at pagkaing sobrang alat.
Hindi rin nakakalimutan ni Walter ang pag-eehersisyo.
Sa katunayan, siya rin ang nagmamaneho ng kotse papasok sa trabaho.

Para naman magtagal sa kumpanya, ito ang sikreto ni Walter: adapt to change.
"Throughout his 84 years of work, he has seen many things change in the company, in the country, and in the world," sabi ng Guinness tungkol kay Walter.
"As a result, he has come to understand that one of the most important parts of the business is to always be up-to-date and to adapt to different contexts."
