Engineering student na bumagsak sa 10 subjects noong college, topnotcher sa 2022 board exam

Yurice Pesigan, nag-fail sa 10 subjects sa college bago naging topnotcher.
by Chan-Chan Torres
Jun 10, 2022
topnotcher
Congratulations, Engineer Yurice Winaya Pesagan! Nagkaroon ng 10 failed subjects noong college, pero hindi sumuko. Sa Sanitary Engineer Licensure Exams 2022, topnotcher si Yurice.
PHOTO/S: Facebook (Yurice Pesagan)

Para kay Engineer Yurice Winaya Pesigan, 23, naniniwala siyang sa likod ng tagumpay ng isang tao ay marami munang kabiguan.

Ganito ang pinagdaanan sa buhay ni Yurice, tubong Calapan City, Oriental Mindoro, na nagsikap at hindi nagpatalo sa mga balakid at kabiguan.

Naniniwala siya na may tagumpay na naghihintay sa kanya, ‘wag lang susuko.

Nagkaroon ng 10 failed subjects si Yurice sa kolehiyo. Pero hindi siya napanghinaan ng loob para maipasa pa rin ang mga ito.

Nang kumuha siya ng kanyang board exam ngayong 2022, naging topnotcher pa si Yurice.

Ito ang kanyang success story.

BUILDING HER DREAMS

Pangarap na ni Yurice ang maging Civil Engineer (C.E.) at bumuo ng sariling construction firm.

Kaya nang nakapasa siya sa admission exam sa Mapua University, hindi na siya nagdalawang- isip na lisanin ang kanilang probinsiya.

Kumilos siya para subukan ang buhay na naghihintay sa kanya sa Maynila bilang isang engineering student, ulat ng www.gineersnow.com.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang inaasikaso ni Yurice ang kanyang enrollment para sa kursong Civil Engineering, iminungkahi ng kanyang ama na i-consider na mag-enroll din sa Sanitary and Environmental Engineering.

Sabi ng kanyang ama, malapit ito sa kurso niyang C.E., at malaki rin ang maitutulong nito sa career niya balang araw.

Sinunod ni Yurice ang payo ng ama at kumuha siya ng ng double degree: Bachelor of Science in Civil Engineering at Bachelor of Science in Environmental and Sanitary Engineering.

Nakakabilib dahil kahit parehong challenging at kahit alam niyang hindi madali ang pagdadaanan, handa niyang gawin lahat para sa kanyang pangarap.

FAILED IN CALCULUS

Totoo ngang sa pangarap at pag-akyat sa rurok ng tagumpay, makakatikim ng kabiguan at pagkadismaya.

Ganito malamang ang naramdaman ni Yurice nang bumagsak siya sa napakahirap na Calculus.

Unang niyang naisip ang kanyang mga magulang. Naisip din ni Yurice na baka dahil sa nangyari, magbigay sila ng ultimatum sa kanya para sa susunod ay mas lalo niyang pagbutihan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero laking gulat ni Yurice na sinalubong siya ng pagmamahal at buong pang-unawa ng kanyang pamilya.

Ito ang naging baon ng dalaga sa sumunod niyang pagkuha ng exam at masaya niya itong naipasa!

Sa tulong ng kanyang mga kaklase, guro, at pamilya, naipasa ni Yurice ang exam sa ikalawang pagkakataon na talaga namang nakaka-proud.

Pero hindi rito nagtatapos ang hirap at sakripisyo sa buhay estudyante ni Yurice.

Dahil sa limang taon niya sa Mapua, siyam (9) na iba pang subjects ang hindi niya naipasa.

May mga pagkakataong nadidismaya na si Yurice dahil sa sunod-sunod na problema niya.

DOUBLE-DEGREE HOLDER

Sa kabila ng lahat, hindi sumuko si Yurice. Hanggang naipasa niya at natapos ang mga ito naging double-degree holder noong Setyembre 2020.

“It was a long and tough journey, but it was worth the wait. I will forever be thankful to my parents for giving me this priceless yet most valuable gift, EDUCATION,” post niya sa Facebook noong August 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, dahil kasagsagan ito ng pandemya, nag-review si Yurice via online.

Nagkaroon lang ng kaba ang dalaga dahil habang nagre-review siya ay nagkasakit ito.

Salamat sa Diyos na kahit kasagsagan ng COVID-19 noong mga panahong iyon, sintomas lang ng trangkaso ang tumama kay Yurice.

Kaya kahit mabigat ang pakiramdam, laban lang.

Hanggang sa dumating na ang araw ng exam ng Sanitary Engineering board exam.

Bago niya sinagutan ang kanyang papel, inalay ni Yurice ang mga pangarap sa Panginoon.

TOP 3 IN SANITARY ENGINEER LICENSURE EXAM

Ito na ang big event sa buhay ni Yurice, ang ma-deklara siyang isa sa mga topnotchers sa January-February 2022 Sanitary Engineer Licensure Exams (SELE/LESE).

Si Yurice Winaya Dugan Pesigan ng Mapua University Manila ay Top 3 sa Sanitary Engineering Board Exam. Nakakuha siya ng 83.30 average.

topnotchers board exam

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinaghahandaan naman niya ngayon ang Civil Engineering board exam.

"Hopefully po November this year, makapag-exam," message ni Yurice sa PEP.ph.

Congratulations, and good luck!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Congratulations, Engineer Yurice Winaya Pesagan! Nagkaroon ng 10 failed subjects noong college, pero hindi sumuko. Sa Sanitary Engineer Licensure Exams 2022, topnotcher si Yurice.
PHOTO/S: Facebook (Yurice Pesagan)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results