Top 2 sa May 2022 Chemical Engineering Licensure Examination si Shania Angel Montesa.
Nakakuha siya ng rating na 86.60 percent.
Produkto siya ng Technological Institute of the Philippines, at nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Chemical Engineering noong June 2021.

Tubong San Agustin, Romblon si Shania, at mula sa pamilya ng mga civil engineers.
Sa artikulo tungkol sa kanya ng tip.edu.ph na nalathala noong June 15, 2022, ibinahagi niya na isa siyang “shifter” o nagpalit ng kurso nang magkolehiyo na siya.
Kuwento ni Shania, "I actually started out as a civil engineering student in T.I.P. Quezon City.
“After two years, I transferred to T.I.P. Manila to fulfill my childhood dream of becoming a chemical engineer."
Aminado siyang isang mabigat na desisyon para sa kanya ang mag-shift o magpalit ng kurso.
“I had to give up the job and connections that were waiting for me even before I entered college.”
Nabanggit niya ito dahil mula nga siya sa pamilya ng mga civil engineer, at kung iyon ang kanyang ipu-pursue na propesyon ay sigurado na ang kanyang future.
“There were even people who doubted that I could finish the degree and have a good career."
Aminado rin siyang nangapa at nahirapan noong una dahil wala siyang basic knowledge man lang maski sa pagkakaiba halimbawa ng physical and chemical change.
Hindi rin siya ganun ka-bibo kapag may graded recitation.
Pero isang professor niya ang nag-encourage sa kanya: "Kaya mo iyan!"
Mas na-motivate siya para tuklasin ang kanyang full potential.
Naging aktibo siya sa classroom at sa kanilang activities, at kalaunan ay naging student leader.

Pinatunayan din niyang hindi siya nagkamali sa desisyong mag-shift ng course dahil nagtapos siyang cum laude, naging topnotcher pa.
Malaki ang kanyang pasasalamat sa mga gumabay sa kanya throughout her very challenging college journey.
“To my parents, Papa Carlo and Mama Ana, to my ever-present tita, Karen, and to my college besties, Elaine, Diana, Jane, and Argene, thank you for the constant love, support, and encouragement you gave me all these years.
“I'm beyond grateful for the times you chose to share or carry the load for me when I needed it. I hope I've made you all proud.
“To all my professors and friends, thank you for making this possible. I will forever be grateful for every single contribution you've made in helping me achieve my dream, no matter how small it may be.”
Sa tagumpay ni Shaina, napatunayan niyang basta may determinasyon at pagsisikap, kayang tuparin ng sinuman ang kanyang pangarap.