Tadtad ng "tres" ang grades, Top 5 sa Medical Technologist Licensure Exam

by KC Cordero
Jun 16, 2022
Francis Jacob Paras in casual wear, and in graduation photo.
Naging motivation ni Francis Jacob Paras ang mga bagsak at mababang grades niya sa college para mailabas niya ang kanyang best pagdating sa board exam. “I was just a regular student like everybody else trying to pass and survive every sem, but I wanted to be a better version of myself.”

Karamihan sa mga naging grades ni Francis Jacob Paras noong nag-aaral pa siya sa University of Santo Tomas ay “3.00” o “tres.”

Pasado naman ito—pero ‘ika nga ay pasang awa.

Ang kurso ni Francis ay Bachelor of Science in Medical Technology.

Francis Jacob Paras's grades

Nag-post pa siya ng larawan ng kanyang transcript sa Facebook, at makikita rito ang grades niya sa bawat subject.

Continue reading below ↓

Marami ngang tres.

Pero bawing-bawi naman siya sa March 2021 Medical Technologist Licensure Examination dahil Top 5 siya.

Nakakuha siya ng rating na 87.50 percent.

Francis Jacob Paras's name in the topnotchers' list

Ang mensahe ng kanyang Facebook post noong March 25, 2021 ay tungkol sa determinasyon.

Aniya: “Started from the bottom now [we're] here!

“Di man maayos ang grades ko at puro tres man ako nung college, pero bawing-bawi pala nung nakapag-boards na ako.

Continue reading below ↓

“I’m no laude. I was just a regular student like everybody else trying to pass and survive every sem, but I wanted to be a better version of myself.”

Kaya ang naging goal niya ay makapasa at maging topnotcher sa board exam.

“To pass and top the boards was the flame that ignited my will to study, but my interest in learning and relating everything I learned to real-life situations were what pushed me and motivated me to keep on studying every day.”

Sa panayam sa kanya ng The Varsitarian, ang official organ ng UST na nalathala noong March 31, 2021, sinabi ni Francis ang naging technique niya sa pagre-review.

“Appreciate the lessons and not resort to merely memorizing. I’m happy that kind of mindset made me Top 5.”

Dagdag pa niya, huwag hayaan mas lalo kang hilain pababa ng mga bagsak at mababang grades sa college.

Sa pagpapatuloy niya, “Failures and low grades don’t make you less of a person than those with higher grades. Use that failure to further motivate you to bring out the hidden potential hiding in each and every one of us.”

Continue reading below ↓

Francis Jacob Paras photo

Sa kasalukuyan ay nag-aaral siyang muli sa UST para maging ganap na doktor. Nakatakda siyang magtapos sa 2025.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging motivation ni Francis Jacob Paras ang mga bagsak at mababang grades niya sa college para mailabas niya ang kanyang best pagdating sa board exam. “I was just a regular student like everybody else trying to pass and survive every sem, but I wanted to be a better version of myself.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results