PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Registered nurse cheers on mom who passes nursing board exam at 55

She is now 55, and a mother of a registered nurse and a nursing student.
by Bernie V. Franco
Published Jun 16, 2022
nursing licensure exam
Meet Jean Corillo, 55. She graduated nursing in 1992. After taking the nursing licensure exam six times, she finally passed this 2022, or 30 years after she graduated.
PHOTO/S: Facebook (Anne Franceine Jean Carillo)

Inabot ng 30 years bago natupad ni Jean Billones Corillo ang kanyang pangarap na maging isang registered nurse.

Ang 55-year-old na nanay at tindera ay nagtapos ng nursing noong 1992, pero nitong Mayo 2022 lang pumasa sa nursing licensure examination.

Matapos kasi niyang bumagsak sa kanyang fifth take noong 2006, isinuko na ni Jean ang pangarap niyang maging nurse.

Naisip niyang baka hindi talaga ito laan para sa kanya.

Itinuon niya ang atensiyon sa pamilya at nagtayo ng sari-sari store sa Iloilo.

Pero this 2022, o 16 years mula nang sumuko na siya, muli niyang sinubukang kumuha ng board exam sa ika-anim na pagkakataon.

Pumasa na siya sa wakas.

“There is something daw na kulang sa kanya that’s why pinush niya this time,” paliwanag ng anak ni Jean na si Anne Franceine Corillo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Si Anne ay isang registered nurse at two years nang nagtatrabaho sa United Kingdom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon, may dalawa nang registered nurses sa pamilya.

Sabi ni Anne tungkol sa ina, “Matagal niya na actually gusto mag-take again. Kaso nga lang medyo financially unstable pa kami, because my younger sister has to start college.”

Ang nag-iisang kapatid ni Anne ay first-year college nursing student sa ngayon.

Nitong 2022 ay tinanong ni Anne ang ina kung gusto niyang subukan uling kumuha ng board exam for nursing.

“She said yes, so I supported her by paying for her review and review materials," sabi ni Anne.

NEVER SAY NEVER

Nitong June 11, 2022, isang Facebook post ang ginawa ni Anne para ibahagi ang bittersweet success story ng kanyang nanay.

“I grew up seeing my nanay fail several times,” simula ni Anne.

Ito raw ang naging motivation ni Anne para galingan ang pag-aaral.

“Excellence means I get line of 9s,” sabi niya.

Noong bata raw si Anne, natanong niya sa sarili kung puwedeng ipasa ang grades niya sa ina para makapasa ito sa board.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“My nanay stopped on her 5th try— putting an end to her RN [registered nurse] dream last 2006.

“She believed it wasn’t for her.”

Bukod pa rito, malaki raw ang gastos sa pagre-review noon.

Siyam na taon si Anne nang masaksihan niyang bumagsak ang ina sa board sa ika-limang pagkakataon.

Pero hindi man pasado ang ina, “she never stopped acting like one.”

Sabi ni Anne, “I’ve been taught to use a sphygmomanometer and a stethoscope since I was six.

“I knew systolic and diastolic since I was in grade school.”

Nakita rin ni Anne kung paano natulungan ng kanyang nanay ang isang babaeng manganganak na magkaroon ng safe delivery dahil matagal dumating ang tulong.

Kaya naman ngayong taon, sinuportahan niya ang ina nang magdesisyong kumuha uli ng licensure exam.

Sabi ni Anne ukol sa ina, “She believes that there’s no age limit for our dreams and aspirations, so we supported her.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkaroon ng agam-agam si Jean dahil inisip niyang kailangan pa niya nang mas maraming oras sa pagre-review.

Payo nina Anne, kung hindi man makapasa ang ina ay susuportahan pa rin niyang kumuha uli.

Pinalad na sa pagkakataong ito si Jean.

Sabi ni Anne, “My nanay will soon be taking her oath as a registered nurse at the age of 55.

“It took her 30 looooooong years to get that RN after her name.

“It’s been long overdue, yes. It’s even older than me.

“She earned her bachelor’s degree in 1992 and qualified in 2022.

“Finally, she’ll soon get rid of our sari-sari store and retire as a tindera.”

Tinanong ng PEP.ph si Anne kung ano ang susunod na plano ng kanyang ina.

Sagot nito: “Not really sure at the moment pa haha when I VC-ed [video-called] her 2 days ago, overwhelmed pa daw siya sa results.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Jean Corillo, 55. She graduated nursing in 1992. After taking the nursing licensure exam six times, she finally passed this 2022, or 30 years after she graduated.
PHOTO/S: Facebook (Anne Franceine Jean Carillo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results