PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Marianne Kaye Ofianga, Top 1 sa 2022 architecture board exam

"Sa totoo lang po maraming pa po diyan na mas magagaling kesa sa akin."
by Bernie V. Franco
Published Jun 24, 2022
marianne kaye ofianga
Marianne Kaye Ofianga, Top 1 in the 2022 architecture licensure examination: “Dahil po sa nangyari ngayon sa akin na ito, with the guidance na meron ang Diyos sa akin, isa-isa ko pong tutuparin yung mga pangarap ko.”
PHOTO/S: Marianne Kaye Ofianga

Sino ang mag-aakalang ang isang "average" student at nagkaroon pa noon ng bagsak na ratings sa projects ay magiging Top 1 sa architecture licensure exam (ALE) ngayong 2022?

Ang gusto lang ni Marianne Kaye Ofianga, 24, ay makapasa. Laking gulat niya na siya pa ang naging overall topnotcher sa ALE.

Si Marianne na BS Architecture graduate mula sa Iloilo Science and Technology University ay nakakuha ng 82.40 percent.

Aniya sa kanyang post sa Facebook nitong June 23, 2022, “Out of 4,766 ALE takers, why did the Lord choose me?

"I’m just an average person, with average capacity, and definitely not aiming for that ‘topnotcher’ title.

“I just want to pass the board exam...”

Tinanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Marianne kung bakit nasabi niyang “average” lang siya.

“First of all po, I did not graduate with flying colors," bungad ni Marianne sa message ng writer na ito ngayong Biyernes, June 24.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa totoo lang po maraming pa po diyan na mas magagaling kesa sa akin."

Pero ang mga mahuhusay raw na estudyanteng ito ang ginawa niyang role model at inspirasyon.

“Ginawa ko lang talaga yung best ko para pumasa sa board exam, pero hindi ko inaasahan na magiging Top 1 talaga.”

FAILED RATINGS IN PROJECTS

Balik sa FB post ni Marianne, palaisipan nga raw ito sa ibang tao, "how we managed to pull through this 5-year course nga kulang sa tulog para makahingagaw sa mga deadlines. Then mapuli ka nga may RIP mark or bagsak ang plates.”

Translation ni Marianne, “Yung kahit kulang yung tulog mo, pero kailangan mo maghabol para sa deadlines. 'Tapos uuwi mo rin yung ginawa mo na may RIP [Repeat It Properly] mark or bagsak ang rating ng plates mo.”

marianne kaye ofianga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puno ng reviewers ang kuwarto kung saan nag-review si Marianne Kaye Ofianga sa loob ng limang buwan.

Ang secret formula para kay Marianne: walang imposible pagdating sa Diyos.

“He washed my personal uncertainties and anxieties away during my 5 month-long review and told me to TRUST IN HIM FOR HE IS GREATER THAN MY FEARS!”

May mga taong naniniwala raw sa kanyang kakayahan—pamilya, boyfriend, mga kaibigan, at mga guro.

“And through them, I was able to gain confidence and trust in myself and my capabilities that I will make it and become a licensed architect this year!”

Sana raw ay maging inspirasyon ang kanyang success story sa iba pang nagre-review para sa kanilang board exams.

“I am a walking testament that there’s no such thing as IMPOSSIBLE when it comes to our God,” hayag ng dalaga.

Tinapos ni Marianne ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng isang Bible verse, “as an inspiration to the future generation who’ll be taking the board exam.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Marianne, “James 1: 2-3 Consider it all joy when you encounter various trials, for you know that the testing of your faith produces perseverance.”

WHAT'S NEXT FOR MARIANNE

Samantala, ibinahagi rin ni Marianne sa PEP.ph ang mga susunod niyang plano.

“I'll be taking master plumber licensure examination next,” aniya.

“Then I'm also considering a master's degree in landscape architecture.

“For now po, ipa-practice ko muna yung profession ko dito sa Philippines, pero yung dream ko po talaga is yung mag-work sa abroad. It is one of my goals talaga.

“Dahil po sa nangyari ngayon sa akin na ito, with the guidance na meron ang Diyos sa akin, isa-isa ko pong tutuparin yung mga pangarap ko.”

Congratulations, Marianne!

Read also:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marianne Kaye Ofianga, Top 1 in the 2022 architecture licensure examination: “Dahil po sa nangyari ngayon sa akin na ito, with the guidance na meron ang Diyos sa akin, isa-isa ko pong tutuparin yung mga pangarap ko.”
PHOTO/S: Marianne Kaye Ofianga
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results