Yanna Jillianne Cruz, na-judge, napag-iwanan ng batch; nag-Top 2 sa CPA board exam

by KC Cordero
Jun 28, 2022
Yanna Jillianne Beriarmente Cruz in casual wear, and an art card congratulating her for her fete.
Yanna Jillianne Cruz on finishing Top 2 in Certified Public Accountant Licensure Examination: “The pressure of graduating with flying colors is no joke. Muntik na nga ako mabaliw, eh, cheret!”

Top 2 si Yanna Jillianne Beriarmente Cruz sa May 2022 Certified Public Accountant Licensure Examination.

Produkto siya ng Polytechnic University of the Philippines Manila Campus. Nakakuha siya ng rating na 88. 17 percent.

Ayon sa kanyang Facebook post noong June 2, 2022, sinabi ni Yanna na inabot siya ng tatlong taon bago kumuha ng board exam.

Nagtapos siya noong May 2019.

Art card congratulating Yanna Jillianne Beriarmente Cruz

Continue reading below ↓

Ayon sa kanyang Facebook post (published as is): “This is it!! After sooooo many attempts to take the board exam, CPA na ako & may bonus pa!

“Sabi ko sa sarili ko after I graduated last May 2019, na I will only write a long caption after I passed my board exam. Who would have known I'd only be doing this after three long years?”

WHY THE DELAY?

Ayon kay Yanna, natagalan siya bago kumuha ng board exam dahil sa takot. Malaki kasi ang expectation ng mga nakakakilala sa kanya.

Noong nag-aaral pa ang dalaga, member siya ng PUP Junior Philippine Institute of Accountants (JPIA) Manila's Finests. Napakarami niyang napanalunang awards sa interschool, regional, and national competitions.

Yanna Jillianne Beriarmente Cruz showing her college awards

Continue reading below ↓

Aniya, “The pressure of graduating with flying colors is no joke. Sobrang bigat. The expectations surrounding me affect me so, so much.

“Muntik na nga ako mabaliw, eh, cheret!”

FEELING NAPAG-IWANAN NG MGA KA-BATCH

Hindi muna kumuha si Yanna ng exam noong October 2019.

“I always wonder, why does it have to be this way? Why do I have to be delayed for so so long?

“I really thought it was a big mistake na I skipped that exam.”

Dahil sa kanyang naging desisyon, pakiramdam niya ay napag-iwanan siya ng mga ka-batch.

“I was so lost. I had to endure all the judgments. It's so painful to think that I am such a failure. I was definitely unmotivated because of the uncertainties.”

Noong 2020 at 2021 naman ay hindi rin siya nagtangkang kumuha dahil sa pandemya.

Pagtatapat pa ni Yanna, “Hindi ko rin ipinaalam na mag-e-exam ako this May 2022 because I don't want to disappoint anyone.”

Continue reading below ↓

HINDI INASAHANG MAGIGING TOP 2

Sa artikulong inilabas ng PUPwebsite noong June 14 tungkol sa journey ni Yanna, sinabi niyang may mga worries din siya habang nagre-review.

“Hindi ko kasi alam if yung pinaghahandaan ko is matutuloy ba or maka-cancel na naman...

“Ang hirap po kasi, parang instead na nag-aral ako, sana nagtrabaho na lang po ako.

"Parang pakiramdam ko, ang daming oras, pera at efforts ang nasasayang kung hindi na naman matutuloy ang exam.”

Hindi rin niya inaasahan na makakasama siya sa Top 10.

“Hindi ko po talaga ine-expect. Sa totoo lang po, akala ko po talaga nung una ay babagsak ako.

"Sobrang nahirapan po ako sa isang subject namin. Sobrang worried po ako dahil sa subject na yun.

“I can’t contain my happiness. Pinuntahan ko po agad ang sister ko 'tapos umiyak ako [nang] umiyak sa sobrang saya!”

TRUST THE PROCESS

Kahit naman delayed ang kanyang pagiging CPA, sinabi ni Yanna na wala siyang regrets na hindi agad siya kumuha ng board exam pagka-graduate.

Continue reading below ↓

“I never gave up. I am so proud of myself for never giving up on my dream. Sabi nga ng isa kong kaibigan, ako ang perfect definition ng patience and perfect timing.

“Lahat tayo merong pinagdadaanan. Pero true, trust the process. We may not see it now, pero it will make sense soon. Basta huwag susuko.”

Ang payo naman niya sa mga gustong kumuha ng accountancy, “Hindi magiging efficient and effective ang performance natin at hindi rin po tayo magiging productive if our body and mind are not in a good condition.”

Sa ngayon, plano ni Yanna na palawakin ang kanyang professional skills sa auditing. Kasalukuyan siyang employed bilang audit associate sa isang auditing firm.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yanna Jillianne Cruz on finishing Top 2 in Certified Public Accountant Licensure Examination: “The pressure of graduating with flying colors is no joke. Muntik na nga ako mabaliw, eh, cheret!”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results