PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Valedictorian na pasado sa 5 U.S. universities, matuloy kaya?

Valedictorian na pasado sa 5 U.S. universities, nahaharap sa panibagong hamon.
by Bernie V. Franco
Published Jun 30, 2022
jerome bustarga
Ang senior high school valedictorian na si Jerome Bustarga, nakakuha ng admission sa limang U.S. universities. Pero kailangan niya ng malaking halaga para matupad ang pangarap na maka-enroll. Patuloy si Jerome sa paghahanap ng paraan.
PHOTO/S: jerome bustarga

Hanggang saan aabot ang pangarap ng senior high school valedictorian na nakapasa sa limang U.S. universities?

Para matupad ang pangarap ni Jerome Bustarga na maging astraunaut, kailangan niya ng mahigit PHP1 milyon para sa admission at enrollment.

Maraming napahanga si Jerome dahil valedictorian siya sa senior high school graduation ng Arellano University – Jose Abad Santos ngayong 2022.

Ito ay sa kabila ng mga hamong hinarap niya. Isa na rito ay ang pagtigil niya sa pag-aaral para makatapos ang nakatatandang kapatid.

Kapos kasi ang pamilya niya sa pera kaya nagparaya siya.

jerome bustarga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Jerome at ang kanyang butihing ina.

At ngayong tutuntong na siya sa college, isa na namang hamon ang hinaharap ni Jerome, tubong-Camarines Sur.

Patuloy ang paghahanap niya ng paraan na makalikom ng pondo at makapag-aral sa Amerika.

Pasado siya sa limang US universities: Clarkson University sa New York, Creighton University sa Nebraska, Bowling Green State University sa Ohio, University of Memphis sa Tennessee, at Carthage College sa Wisconsin.

Ang first choice ni Jerome ay ang Clarkson University, na unang U.S. university rin na ipinaalam na nakapasa siya rito.

Doon kasi available ang aerospace engineering, ang kursong gustong kunin ni Jerome.

Pero dahil 50 percent lamang ang scholarship na makukuha niya sa Clarkson University, nangangailangan si Jerome ng malaking halaga para masimulan ang pagtupad sa kanyang pangarap.

“This opportunity po talaga is once in a blue moon para sa katulad ko...” aniya sa ulat ng ABS-CBN News noong June 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman kumakatok siya sa mga nais magpaabot ng financial assistance.

JEROME LOOKING FOR WAYS

Nakapalitan ng mensahe ng PEP.ph si Jerome nitong June 26 at 27, 2022, para hingan ng update.

Naibahagi rin niyang sumisilip ang pag-asa sa kanya.

“Regarding status po, may nag-contact po sa akin na willing tumulong. And I’m meeting him on July 1,” aniya tungkol sa isang pulitiko mula sa kanyang hometown.

“I’m also sending letters to other possible benefactor through the help of a local radio station here in Naga.”

Wala pa raw katiyakan kung mabubuo ni Jerome ang kinakailangang halaga.

Pero aniya, “I have strong faith na matutuloy po ito.”

Sundot ng PEP.ph, hindi pa ba siya aabutan ng deadline para as admission ng university?

“Actually, May 1 po yung deadline, pero I had a meeting with the admission officer of those schools last week.

“They are willing to accept my enrollment past the deadline po,” sagot niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Update naman niya pagdating sa kinakailangang pondo, “I still need so much, not close, pero I’m getting there.”

Follow-up question ng writer na ito: kaya ba niyang i-sustain ang pag-aaral sa U.S. kung kalahati lang scholarship na ibinibigay ng unibersidad?

“No, I can't sustain, given that the university only offered me scholarship that covers 50% of the total cost,” pag-amin niya.

“That is why I’m on the lookout for sponsors and also started a fundraiser.”

Sinimulan ni Jerome ang isang funding campaign para sa kanyang pag-aaral via GoFundMe, isang online crowd-funding platform.

Titulo niya rito: “A journey to college, a journey to space., organized by Jerome Hade Bustarga.”

Mayroon din siyang GCash 09471850291 na mas convenient para sa mga nais magbigay ng tulong.

Read also:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang senior high school valedictorian na si Jerome Bustarga, nakakuha ng admission sa limang U.S. universities. Pero kailangan niya ng malaking halaga para matupad ang pangarap na maka-enroll. Patuloy si Jerome sa paghahanap ng paraan.
PHOTO/S: jerome bustarga
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results