Sa hinaba-haba ng prusisyon, topnotcher din ang tuloy.
Iyan ang naranasan ni Lance Nathan Lim na naging topnotcher hindi lang once, but twice.
Tubong-Davao si Lance, na nakaranas ng anxiety dahil ilang beses napurnada ang pagkuha niya ng licensure exam.
Pakiramdam niya, sa tuwing nakakansela ang schedule, nababalewala rin ang kanyang pagre-review.
Kailangan niyang paulit-ulit na magkaroon ng refresher, pati na rin ang mag-leave sa full-time job ng ilang buwan para lang maka-focus.
Pero hindi napunta sa wala ang paghihirap at pagtitiyaga ni Lance.
Si Lance ay Top 2 sa architecture licensure exam nitong January 2022. Nakakuha siya ng rating na 83.10 percent.
Sa sumunod na buwan (February 2022), nag-Top 1 siya sa master plumber licensure exam with 84.90 average.


Si Lance ay nagtapos ng architecture sa University of the Philippines noong 2019.
Siya ay 24 anyos na ngayon, mensahe niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
LANCE'S SECRET TO SUCCESS
Dahil dalawang beses nag-topnotcher, siguradong tanong ng marami, ano ang sikreto ni Lance?
“My secret is that there is no secret. Succeeding [has] no shortcut,” pahayag ni Lance sa University of the Philippines Alumni website.
“You have to put in the time and develop the discipline to learn as much as you can. Absorb and understand what you are reading because there is no way around it.
“It’s something that everyone has to go through,” diin niya.
Tinanong ng PEP.ph si Lance kung ano ang payo niya sa mga nagre-review para sa licensure exam.
Sagot niya, “My advice is to connect with people who are aiming high and are passionate to learn.
“Study groups help cover your weaknesses and use your strengths to help others also.”
Ano ang susunod niyang hakbang pagkatapos ng kanyang dalawang achievements?
“I’m working to apply what I studied and grow even more,” aniya sa PEP.ph.
“There’s no end to learning if you’re always looking to improve.”
CANCELLED EXAM SCHEDULES DUE TO COVID
Gaya ng marami, dinanas ni Lance ang makailang ulit na ma-delay ang schedule ng licensure exam.
Nang magsimula ang pandemic noong March 2020, nakatakda dapat siyang mag-take ng board exam sa June ng taong iyon.
Na-move ito ng October, pero inisip lang ni Lance na magkakaroon siya ng sapat na oras para makapag-review.
Samantala, nakansela ang October 2020 schedule at nalipat ng January 2021.
Tatlong buwan na nag-leave sa trabaho si Lance para lang makapag-review.
Tatlong linggo bago ang January 2021 exam schedule, muli itong nakansela dahil sa surge.
Inilipat ang exam ng June 2021.
Sa pagtagal ng lockdown at pagkakaantala ng board exam, nakaramdam na ng anxiety si Lance.
“Imagine the mental strain of having prepared for many months then the exam was suddenly canceled or moved.
“What you prepared for may have gone to waste ’cause you have to refresh through those learnings again the two to three months before the actual date,” aniya sa panayam ng UP Alumni Website.

Nawalan ng gana si Lance sa sunod-sunod na kanselasyon, kaya binalak niyang huwag mag-exam sa June 2021 schedule.
Buti na lang dahil muli itong napurnada at ni-reschedule ng August 2021.
Pero nagkaroon ng surge at muli na namang na-cancel ito.
Subalit gusto nang mag-move on ni Lance dahil dalawang taon nang delayed ang kanyang pagkuha ng board exam.
Nagdesisyon siyang kukuha ng exam noong January 2022. And the rest is history.
Kahit limang beses na-postpone ang kanyang licensure exam, topnotcher si Lance.
Read also:
- "Average" student Marianne Kaye Ofianga, Top 1 sa 2022 architecture board exam
- Engineering student na bumagsak sa 10 subjects noong college, topnotcher sa 2022 board exam
- Dating kargador na Top 2 sa 2022 Mechanical Engineering exam, nabigyan ng 170K cash, market stall
- Former kakanin vendor and helper, Top 3 in board exam for teachers
