Ibinahagi ni Elizabert Derama Lamoste ng Davao City ang kanyang naging journey kung paano siya nakapagtapos sa kolehiyo.
Aniya, “I would like not to brag, but to give credits to where credit’s due.”
Nagtapos si Elizabert bilang magna cum laude sa kursong Bachelor of Science in Nursing sa Ateneo de Davao University noong April 23, 2022.
Top 10 naman siya sa May 2022 Nursing Licensure Examination, at may rating na 87.40 percent.

Pagbabahagi niya sa Facebook noong June 12, 2022, “You might think that I was a genius of some kind but I beg to differ.
"As you see, the only thing any graduate would want to do after graduation was to relax.
“But in my case, I worked and did errands until I only had two weeks left and it was weeks full of anxiety, setbacks, second thoughts and self-doubts and every day it just gets worse.”
Pakiramdam daw niya ay napag-iwanan na siya ng ibang kukuha ng board exam.
“They already had manila papers posted on the wall and had intensive notes, while I only had scribbles of notes.
"To compensate, I did print out handouts but never did I read them until I had two weeks left.”
MGA RAKET PARA MASUPORTAHAN ANG PAG-AARAL
Sa panayam sa kanya ng SunStar Davao noong July 15 ay nabanggit niyang isang taxi driver ang kanyang ama.
Nakapagkolehiyo siya sa pamamagitan ng scholarship grants.
Pero dahil magastos ang medical programs, kinailangan din niyang magtrabaho.
Kuwento niya, “There are still other fees along the journey, like yung living expenses, medical supplies na kailangan namin if mag-hospital duty na.
“To compensate, nag-work ako sa BPO [Business Process Outsourcing] industry full time, kasi nung third year and fourth year ay online class kami dahil sa pandemic.”
At habang naka-lockdown, lumawak naman ang network ng nursing student at suinunggaban niya ang mga opportunity para rumaket.
“I am very grateful sa BPO industry and everyone na aking na-meet like my teammates and my TL [team leader] na they really inspired me.
“Kasi sa BPO, iba-iba ang experiences ng mga tao. Mao-open talaga ang eyes mo sa reality na hindi lahat ay may same opportunity gaya ng sa iyo.
“Parang you get to reflect, and then if I were in that position, ano’ng gagawin ko?”
Namassukan din siya bilang bookkeeper sa ilang negosyo sa kanilang city, at nagbenta pa ng medical supplies sa kanyang batchmates.
“Yung little rakets, naka-help sa akin na ma-sustain ang mga needs ko all throughout my college journey."
MGA ARAL NA DULOT NG PAGSISIKAP
Dahil sa dami ng kanyang pinagkakaabalahan, naging mas disiplinado siya sa kanyang oras.
“Minsan po pag may break ako, doon ko gagawin ang mga videos na kailangang i-pass or mga requirements."
Hindi na rin niya ipinagpapabukas ang mga assignments nila at nagpapasa siya nang mas maaga.
Pero aminado si Elizabert na may mga puntong napapagod siya lalo na kung nagkakasabay-sabay ang requirements ng kolehiyo at trabaho.
“Exhausted ka masyado sa lahat. Kahit gaano pa kakapoy ang ginagawa mo, kahit over exert mo na ang effort, but you’re still at the same place, wala pa ring nag-move forward."
Paano niya nilalabanan ang mga panahong napanghihinaan siya ng loob?
Aniya, “...iniisip ko na lang na at least may improvement sa sarili ko na mas nagiging independent ako dahil doon sa mga experiences ko.
“Napatunayan ko yung self worth ko at mas naging confident po ako sa sarili ko.”
FULL SUPPORT ANG FAMILY
Todo-suporta naman ang pamilya ni Elizabert sa kanyang pagre-review.
“Wala po talaga akong ginawa sa bahay noon. Siyempre nakaka-guilty kasi nasa room ka lang at nag-study.
“Thankful ako sa kapatid kong lalaki na siyang nagsalo sa lahat ng gawaing bahay at lahat ng utos nina Mama at Papa, kasi nagkulong po talaga ako sa kuwarto.”

Malaki naman ang pasasalamat niya sa isa niyang tita na sumuporta sa kanya simula noong nasa elementary siya.
“Yung tita ko na yun ang unang nagbigay ng trust sa akin na kaya ko sa Ateneo.
“Ngayon na nag-top na po ako sa board exam, sobrang laking pasasalamat ko po kay Tita.”
Inialay niya ang kanyang tagumpay sa kanyang pamilya.
Thankful din siya sa mga taong naniwala sa kanyang kakayahan, sa Ateneo de Davao University, mga clinical instructor, administrator at staff ng Nursing department, at sa pinasukan niyang review center.
Kasama sa career plan ngayon ni Elizabert ang maging doktor.
Ang mensahe niya sa mga gaya niyang kailangang magsikap para matupad ang pangarap, “We are one step closer when we believe we can.”