Nagiging mas rewarding para sa isang college graduate kung makakuha ng Latin honors.
Ganito ang pakiramdamni Maria Clarizza Masangkay, 22, na nagtapos bilang magna cum laude sa Emilio Aguinaldo College sa Cavite.
Kinaya niyang pagsabayin ang pagiging part-time online instructor ng English as Secondary Language (ESL) at estudyante ng Bachelor of Science in Psychology.

MAKING ENDS MEET
Ang mga mag-aaral ay may kanya-kanyang “estudyante blues” na kuwento.
Sa kaso ni Clarizza, dahil sa hirap na pinagdaanan at pinansiyal na pangangailangan, nagdesisyon siyang magtrabaho bilang online ESL teacher.
Ang ama niya ay on-call factory worker at ang ina niya ay isang barangay worker.
Hindi sapat ang kita ng mga magulang sa gastusin ng kanilang pamilya.
Kaya bukod sa kanyang Ate Mary, na pangunahing support system ng pamilya, naging working student si Clarizza para siya na ang magbayad ng Internet na kailangan sa kanyang online classes at makatulong na rin sa pagbabayad ng bills.
ROUGH ROAD FOR A TOUGH LADY
Desidido, masipag, at hindi basta-basta sumusuko si Clarizza kaya napabilang siya sa unang batch ng senior high school program na gumradweyt mula sa kolehiyo.
Sabi niya, hindi madali ang naging daan kaya kinailangan niyang mag-part-time job.
Ayon ulat ng pna.gov.ph, pinakamahirap para kay Clarizza ang biglaang pagbabago ng mode of learning nitong pandemya. Wala kasing wi-fi sa kanilang bahay.
Sa simula, data ang ginamit ni Clarizza para sa Internet connection, at umaabot daw sa puntong bumibigay ang kanyang cellphone.
Sarado rin ang mga computer shops dahil sa lockdown at quarantine restrictions.
Kaya noong panahong pirmi sa bahay ang mga estudyante, at ang ilan pa nga ay nagrereklamong bored na bored sila, nagtatrabaho si Clarizza.
At ginawa niya talaga ang makakaya para hindi makaapekto sa kanyang grado ang pagtatrabaho.

Ngayong psychology graduate na siya, gustong mag-focus ni Clarizza ang mga serbisyo at programa ukol sa mental health.
Nais din niyang maging aktibo sa adbokasiya para malabanan ang stigma ng mga taong may mental disorders.
Ang layuning ito ni Clarizza ay tugma sa sinabi ni Senate Health Committee Chairperson Christopher Lawrence “Bong” Go na hinihikayat ang PhilHealth (Philippine Health Insurance Corporation) “to develop a possible comprehensive mental health package.”
Kasama na rito ang konsultasyon at serbisyong pang-outpatient.
Kamakailan lang, nanawagan ang World Health Organization para sa agarang aksiyon upang matugunan ang sinasabing “enormous suffering” ng mga tao dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso ng depression at anxiety.
Ito rin ay dala ng epekto ng pandemya.
Sa pagkakaroon ng isang Clarizza Masangkay sa larangan na gusto niyang tahakin, nawa’y magbunga ang layunin niya at dumami pa ang mga taong matutulungan ng kanyang chosen field.