Biro ni Lino Tamor Adrales, mapapagod din ang pagiging bagsak niya sa board exam hanggang sa makapasa siya.
Inabot kasi ng 28 beses bago makapasa sa licensure exam for teachers o LET si Lino, 41, tubong Samar.
Isa si Lino sa 8,737 elementary teachers na pumasa mula sa 15, 696 na nag-take ng board noong January 30, 2022.

Graduate si Lino ng BS Agricultural Education Major in Crop Science mula sa Northwest Samar State University San Jorge Campus, dating Samar National Agricultural School.
Sa ngayon ay Grade I teacher siya sa Tizon Elementary School sa Tarangnan, Samar.
HUGE PRESSURE
Pag-amin ni Lino sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), mataas ang expectation na agad siyang papasa sa board.
Consistent class president siya sa kolehiyo kaya umasa ang kanyang professors, kaibigan, kaklase, at nagpa-aral sa kanya na papasa siya sa first take ng board exam.
“Parang sinakluban ako ng langit sa hiya sa mga tao,” pagbabalik-tanaw ni Lino sa kanyang unang pagbagsak sa LET.
Hindi rito nagtapos ang kanyang pagkabigo.
“Here comes second take. Review again, but failed. The third time, failed again, and so on and so forth…
“That time, parang hinayaan ko na na di na ako nakakapasa. At parang wala na lang sa akin,” pag-amin ni Lino.
“Ang nasa isip ko, ‘Sige, this time, take na lang ng take ng exam.’”
Also Read:
- Magkasintahan, parehong Top 1 sa licensure exam for teachers
- Crisiolo Langamen Jr., pasang-awa ang grades noon, Top 8 sa 2022 board exam
- Elizabert Lamoste: raketera, magna cum laude, at Top 10 sa nurse licensure exam
WORKING AND REVIEWING
Pagka-graduate, ang mas prayoridad ni Lino ay makahanap agad ng trabaho para makatulong na sa pamilya.
Nakuha siyang municipal paid teacher noong una, pero umalis din dahil laging late dumarating ang sahod.
Nagtungo siya sa Cebu noong 2005 at pinagsabay ang pagtatrabaho bilang canvasser sa isang retail store at pagre-review para sa board exam.
Hindi rin naging madali kay Lino na habang nagtatrabaho at nagre-review, naghigpit siya ng sinturon para makapagpadala sa pamilya sa Samar.

DETERMINED TO PASS THE BOARD
Sa 27 beses na bumagsak siya, sumagi sa isip ni Lino na sumuko na. Pero nangingibabaw pa rin sa kanya ang hangad niyang maging licensed teacher.
“Ayaw ko po matulad sa mga circle of friends ko na tumanda na lang pero di nakapasa.”
Hindi raw sapat sa kanya na nakapagtapos siya ng college. Gusto niyang masabi sa sarili na lisensiyado siya.
Kahit nga raw hindi siya makapagturo basta maipasa lang niya ang licensure exam.
“Sabi ko nga pasasaan at mapapagod din si PRC [Professional Regulation Commission] at ipapasa ako,” biro pa ni Lino.
Mantra raw ni Lino: “To quit is not my option.”
Ang dami raw niyang narinig na nakakababa ng kumpiyansa, pero deadma siya rito.
“Alam ko sa sarili ko di ako matalino, di rin ako bobo. Dahil sa lahat ng may nakakaalam sa sarili mo, ay ikaw iyon.”
Marami na raw siyang pinagdaanan sa buhay, katulad ng pagpapa-ampon sa kanya para makapag-aral simula Grade I.
Bulag din kasi ang nanay niya. Hindi nga raw inakala ni Lino na makakapag-aral pa siya.
Pero may nagpa-aral sa kanya kaya naniwala si Lino na may laan ang Diyos sa kanya.
FAILING 27 TIMES
Marami siyang pangungutyang narinig dahil sa pagbagsak niya nang paulit-ulit sa board exam.
“Pero di po ako nahiya. sabi ko nga, ‘Why should I mind them, where in fact, they are not helping me?'
“So ang term ko diyan, ay dedma.”
Ikinuwento pa ni Lino ang naging biruan nila noon ng kanyang co-teacher.
Biniro niya ang isang co-teacher na umalis sa pinagtuturuan nilang school.
Sinagot daw siya ng kanyang co-teacher na regular ito at lisensiyadong guro.
Si Lino raw ang dapat umalis dahil hindi pasado sa board at contractual teacher lamang.
“Tinamaan ako doon,” ani Lino. “Sabi ko, ‘Pag nakapasa talaga ako sa LET ay babalikan ko siya...’”
Nang pumasa sa LET si Lino, binalikan niya ang co-teacher at sinabing lisensiyado na siya.
Tinawanan daw nila ang karanasang ito.
Nang i-post ni Lino ang success story niya noong March 2022, marami raw ang nagtaas ng kilay sa kanya.
“Pero kilala ko sarili ko. Bakit matitinag ako sa kanila?” aniya.
MESSAGE TO THOSE WHO FAILED
Perfect example si Lino na try and try till you succeed.
Ehemplo siya na hindi dapat panghinaan ng loob kapag bumagsak sa board exam sa una, pangalawa, o pangatlong beses.
May nais siyang iparating sa mga kagaya niyang kailangang pagsabayin ang pag-aaral at pagtulong sa pamilya.
“Do the part of helping your family but make sure na di mo nakakalimutan ang LET dahil nga sa ayaw kong tumanda nang walang license.”

Sinabi ni Lino na nung nag-review siya sa Caloocan, naging inspirasyon niya ang isang Aeta woman na pumasa sa LET sa kanyang ika-25 board exam.
Ang tinutukoy ni Lino ay si Teacher Gennie Panguelo na nag-viral noong 2019.
Sinamahan ito ng dasal at tiwala ni Lino.
“Sabi ko, ‘Lord, please answer my prayer. Ayaw ko po tumanda nang di nakakapasa.”
Dininig ang dalangin niya at nang lumabas ang resulta noong March 2022, nakapasa na sa wakas si Lino.
Sa pagsisimula ng school year bilang teacher sa Tizon Elementary School sa Tarangnan, Samar, naghahanap ng tulong si Lino dahil ang classroom nila ay kailangang gawan ng C.R. at iba pang gamit.
Naghahanap siya ng tulong, pero gaya ng kuwento ng kanyang buhay, tiyak si Lino na malalampasan din niya ito.
