Nakopo ng University of the Philippines (UP) ang lahat ng puwesto mula Top 1 hanggang Top 10 sa July 2022 Environmental Planner Licensure Examination.
Siyam sa Top 10 ay mula sa UP-Diliman Campus, habang ang isa ay mula naman sa UP-Los Baños Campus.

Lumabas ang resulta ng pagsusulit noong August 11.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), mula sa 178 na kumuha ng EPLE, 108 sa mga ito ang nakapasa.
Sa Facebook fan page na PRC Board kung saan naka-post ang listahan ng Top 10, karamihan sa mga netizens na nag-react ay nagpatutsada sa hilig ng mga UP students na mag-rally.

Sa mga nakalipas na dekada kasi ay madalas na nagiging laman ng balita ang UP community, lalo na ang organisasyon ng mga artista, dahil sa pagiging vocal sa mga isyung panlipunan.

Marami ring nag-congratulate sa mga topnotchers.
May iba namang nagpahiwatig na baka puro taga-UP lang ang kumuha ng nasabing licensure examination.
Pero batay sa tala ng PRC, mga estudyante mula sa 53 colleges and universities ang kumuha ng pagsusulit.
Top performing school ang UP Diliman Campus na 36 mula sa 43 examinees, o 83.72 percent nito ang nakapasa.
Ayon sa inilabas na pahayag ng UP Diliman noong August 16, “To be a top performing school, the higher educational institution must have 40 or more examinees and at least an 80 percent passing rate.
“UPD was the only institution to achieve both feats.”