PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coast Guard officers to teach students at Pag-asa Island

Blended face-to-face classes nationwide will start tomorrow, August 22, 2022.
by Arniel C. Serato
Published Aug 21, 2022
PCG personnel to serve as teachers in Pag-asa Island
Coast Guard Ensigns Arnel Gomora (left) and Jev Latic (right) will also serve as teachers in Pag-asa Island as nationwide face-to-face classes start tomorrow, August 22, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: Philippine Coast Guard on Facebook

Dalawang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang magsisilbing guro sa mga kabataang estudyante ng Pag-asa Island.

Ang Pag-asa Island ang pangalawa sa pinakamalaking isla sa buong Kalayaan Island Group—na dating tinatawag na Spratly Islands—sa may West Philippine Sea.

Ayon sa Facebook post ng PCG ngayong araw, August 21, magtuturo ang dalawa nilang miyembro, na mga lisensiyadong guro rin, sa Grades 1 to 6 sa isla, simula bukas, August 22.

Sina CG Ensign Jev Latic, 27, at CG Ensign Arnel Gomora, 24, na nakatalaga sa PCG Station Kalayaan, ay tutulong sa nag-iisang guro sa isla na si Realyn Limbo.

Sabi ni CG Commodore Rommel Supangan, Commander ng PCG District Palawan, nag-iisa lang ang guro sa isla na humahawak sa lahat ng estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 6.

“Nakita natin yung pangangailangan ng karagdagang guro sa Isla. Dito nga sa mainland, damang-dama natin yung pinagdadaanang hirap ng mga guro para sa pagbubukas ng klase, papaano pa kaya sa Isla na si Teacher Realyn Limbo lang ang nag-aasikaso ng lahat.

“Kaya nakipag-ugnayan tayo kaya Mayor Roberto Del Mundo ng Kalayaan, Palawan para makatulong sa pangangailangan ng paaralan, ni Teacher Realyn, at ng mga estudyante.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong nagtapos sina CG Ensign Latic at CG Ensign Gomora ng kursong Bachelor of Elementary Education at ngayon ay nagsisilbi bilang Station Commander (Latic) at Deputy Station Commander (Gomora) ng PCG Station Kalayaan.

Dagdag pa sa post, noong ika-17 ng Agosto 2022, pinangunahan nina National Security Adviser, Dr. Clarita Carlos at Auxiliary Commodore Sara Soliven-De Guzman ng PCG Auxiliary (PCGA) Executive Squadron ang paglulunsad ng “PCG-OB COMMUNITY CENTER” sa Pag-asa Island.

Pangunahing layunin ng nasabing inisiyatibo na lalo pang palawakin ang kaalaman ng mga kabataan at hikayatin silang makibahagi sa pangangalaga sa likas na yaman ng isla.

Sa tulong ng Operation Brotherhood (OB) Community Foundation Inc., itinayo ang PCG-OB Community Center na puno ng samu’t saring learning materials at iba pang kagamitan para makatulong sa edukasyon ng mga kabataan.

Dagdag pa ni Commodore Supangan, “Simula pa lang ito. Marami pa tayong gagawin para mapagbuti ang pag-aaral ng mga kabataan sa Isla. Sa tulong ng PCG Auxiliary, magagawa natin lahat ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit malayo, kahit mahirap, patuloy tayong makikiisa sa pagbibigay ng kapaki-pakinabang na edukasyon sa mga kabataan ng Pag-asa Island dahil naniniwala tayo na malaking bagay ang edukasyon sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan.”

Pagkatapos ng dalawang taong online classes ng mga estudyante dahil sa COVID-19, magsisibalikan na sila bukas sa paaralan para sa blended face-to-face at online classes hanggang October 31.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Simula November 2 naman, lahat ng public at private schools sa bansa ay magpapatupad na ng full five days, in-person classes.

Halos lagpas na sa 27 milyong estudyante ang nakapag-enroll sa pagsisimula ng unang bugso ng face-to-face classes simula bukas August 22, ayon sa Department of Education (DepEd).

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coast Guard Ensigns Arnel Gomora (left) and Jev Latic (right) will also serve as teachers in Pag-asa Island as nationwide face-to-face classes start tomorrow, August 22, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: Philippine Coast Guard on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results