Felipe Jimenez Jr., Top 1 sa electrical engineering exam; may 50K cash incentive

by KC Cordero
Sep 14, 2022
Felipe Jimenez, Jr. holding the check together with the City Mayor
Tinanggap ni Felipe Jimenez Jr., (L) Top 1 sa September 2022 Electrical Engineering Licensure Examination, ang tsekeng nagkakahalaga ng PHP50K mula sa kanilang local government unit. Nakatanggap din siya ng PHP15K mula naman sa university kung saan siya nagtapos. (Photo courtesy of Borongan City Information Office)

Pinagkalooban ng City Government of Borongan si Felipe Jimenez, Jr. ng PHP50,000 cash incentive dahil siya ang nag-Top 1 sa September 2022 Electrical Engineering Licensure Examination.

Nakakuha siya ng 94.10% rating.

Art card congratulating Felipe Jimenez, Jr.

Produkto si Felipe ng Eastern Samar State University Borongan Campus, at nag-graduate noong 2021.

Si Borongan City Mayor Jose Ivan Dayan Agda ang mismong nag-abot ng tseke sa topnotcher noong September 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam sa kanya ng DYES-Radyo ng Bayan-Borongan, sinabi ni Felipe na, “Since day one, ipinaubaya ko na ang lahat kay Lord.”

Hindi umano niya hinangad na maging Top 1.

“Actually ang aking prayers, I never ask the Lord na mag-top 1 ako. Ang akin lang hiniling ay makapasa ako, at handa akong i-accept kung ano ang ipagkaloob sa akin.”

Ibinahagi rin niya na ang tanging sikreto niya sa pag-aaral ay consistency.

“Consistency talaga since day one. Kung ano ang schedule ko sa pag-aaral today, ganoon din bukas and the following days.

“Kung mag-breaktime man ako ng 30 minutes, may timer ako, then balik uli sa pag-aaral. Kailangang focus at maraming matutunan.

“There’s no secret po talaga. Consistency is the key.”

Aniya, proudest moment niya ang makitang masaya ang kanyang parents dahil sa sa kanyang tagumpay.

“Nag-sorry nga ako sa kanila noon after ng exam dahil sabi ko, di ko talaga kayang mag-top.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero nang lumabas ang resulta, niyakap ko sila. There’s nothing like seeing your parents happy talaga.”

The list of topnotchers

Noong September 12 ay binigyang parangal din si Felipe ng ESSU at pinagkalooban ng medals, certificates, tokens, plaque of recognition, at PHP15,000 cash incentives.

Felipe Jimenez, Jr. and the check from his university

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa pamunuan ng ESSU, isang makahulugang okasyon iyon dahil inilagay ni Felipe sa kasaysayan ng unibersidad ang pagkakaroon ito ng estudyante na naging Top 1 sa licensure examination.

Sa ngayon, inamin niyang may mga kumpanya nang nag-aalok sa kanya ng trabaho.

“May mga tumatawag na po.”

Ang plano ni Felipe ay magpahinga muna sandali, at pansamantalang magtrabaho bilang instructor sa review center kung saan din siya nag-review.

“Happy po ako na makapagturo muna then who knows?”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinanggap ni Felipe Jimenez Jr., (L) Top 1 sa September 2022 Electrical Engineering Licensure Examination, ang tsekeng nagkakahalaga ng PHP50K mula sa kanilang local government unit. Nakatanggap din siya ng PHP15K mula naman sa university kung saan siya nagtapos. (Photo courtesy of Borongan City Information Office)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results