Meet Nenita Liis, Top 1 sa isa sa pinakamahirap ipasang exam

by KC Cordero
Sep 16, 2022
Nenita Liis in blue dress, and an art card congratulating her
Mula sa pamilya ng government employees, pangarap ni Nenita Liis na magtrabaho rin sa gobyerno. Hindi pa siya tapos sa college, pero ngayon pa lang ay eligible na siya sa public service.

Top 1 si Nenita Padua Liis, 20, ng Bauko, Mountain Province sa March 2022 Civil Service Examination-Sub Professional level.

Nakakuha siya ng rating na 86.05 percent.

Second-year college siya ngayon sa kursong Bachelor of Science in Accountancy sa Saint Louis University.

Nagpahayag ng paghanga kay Nenita si Dr. Carl Balita, may-ari ng isang review center, dahil isa umano sa pinakamahirap ipasang exam ang civil service sub-professional level.

Art card congratulating Nenita Liis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam si Nenita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 15, 2022.

Aniya, parehong government employee ang kanyang parents. Bunso siya sa limang magkakapatid.

“Growing up, isinasama po ako ng Mama ko sa office nila kapag wala akong pasok sa school, and doon ko nawi-witness yung mga clerical works.

“Ginusto kong magtrabaho rin sa gobyerno balang araw.”

Pinayuhan siya ng kanyang parents na kumuha ng accounting course para may board exam.

Nagplano naman siyang kumuha muna ng civil service exam.

“Pagtuntong ko po ng 18, biglang nagka-pandemic, so, hindi po ako nakapag-take.

"Noong kumuha ako ng exam last March na ini-open ulit nila yung exam, I was 19 na po that time.”

MALIIT KAYA NA-BULLY

Ani Nenita ay payapa ang kanyang buhay-college.

At kung mayroon man siyang pinagdaraanang challenges, “Hindi po kasi ako katangkaran.

"Lagi po akong binu-bully ng mga taong nakapaligid sa akin na kesyo ang liit ko raw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun po kasi yung insecurity ko sa buhay.”

Pinilit umano niyang huwag magpaapekto sa mga namimintas, “kahit na deep inside ay nasasaktan pa rin."

Pero nasanay rin siya.

"...dumating na ako sa point ng buhay ko ngayong college na na-immune na ako sa mga ganung remarks ng iba. Hindi na po ako nasasaktan masyado.”

MENTAL BLOCK SA EXAM

Samantala, nahirapan daw si Nenita sa time management nang kumuha siya ng civil service exam dahil pinagsabay nito ang "pag-aaral, pagre-review, at pag-o-online selling.”

Medyo nalito raw siya during the actual exam.

Aniya, “Nung unang buklat ko pa lang ng test booklet, medyo na-mental block po ako dahil sa kaba kaya sa likod po ako nagsimulang magsagot.

“Lahat ng hindi ko alam ay na-skip ko, then saka ko na lang binalikan nung natapos ko nang sagutan lahat ng alam kong tanong.”

Nagpapasalamat naman siya review center kung saan siya nag-enroll.

“Ang dami nilang techniques na itinuro para maka-survive sa exam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NA-INSPIRE MAGING TOPNOTCHER

Aminado si Nenita na umasa at nangarap siya na maging topnotcher.

“Yes po! I was inspired by Sir Baltazar Dela Trinidad na Top 5 ng LET nung September 2021. Actually, na-feature niyo na rin po siya sa PEP.ph.

“He’s one of our lecturers in CBRC during his talk. He shared the privileges he is enjoying now as a topnotcher. Kaya sabi ko sa sarili ko na magta-top din ako.”

Gayunpaman, gulat na gulat pa rin siya nang lumabas ang resulta.

The list of Top 10

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Nenita, “Nung nakita ko yung rating ko last June, 86.05. Hindi siya pang-topnotcher na average, sabi ko pa po noon.

“Tanggap ko na that time na hindi ako magta-top, pero nung September 9, nakita ko na may pangalan ako sa ipinalabas na announcement ng CSC.”

Agad niyang ipinaalam sa kanyang ina ang good news.

“Sabi ni Mama, napanaginipan daw niya na magiging topnotcher ako before kami mag-take ng Ate ko ng exam.

“Si Ate, professional na yung kinuhang exam, at nakapasa rin siya.”

Inialay ni Nenita ang tagumpay kanyang pamilya at mga naging guro.

“Sila po kasi ang bumuo at pumanday sa kung ano ako ngayon. Nararapat lang na sila ay alayan ng tagumpay.”

Sambit pa niya, “Isa po akong proud Igorot, at gusto kong itaas ang bandera ng mga Igorot.”

Sa ngayon, kahit eligible na siyang magtabaho sa gobyerno,tatapusin muna ni Nenita ang pagkokolehiyo.

“After graduation, depende po sa sitwasyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa rin sa plano niya ang ipagpatuloy ang clothing business na nasimulan niya nung pandemic.

“Itinigil ko po kasi nung nag-face-to-face na yung mga klase namin.

“Nagpapasalamat po ako kay Ma’am Melanie Baniwas, isa rin siya sa mga naging inspirations ko to top the exam. Lecturer din siya ng CBRC. Siya yung unang nagtiwala sa akin na makaka-top sa exam.

“Nag-offer po siya sa akin na maging national lecturer nung nalaman niyang Top 1 ako. Pero I declined muna kasi nag-aaral pa ako.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula sa pamilya ng government employees, pangarap ni Nenita Liis na magtrabaho rin sa gobyerno. Hindi pa siya tapos sa college, pero ngayon pa lang ay eligible na siya sa public service.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results