Magkapatid na Pinay weightlifting champions, coach, tumanggap ng PHP1.5M cash incentives

by KC Cordero
Sep 20, 2022
Zamboanga City mayor handing the checks to Ramos sisters.
Pinagkalooban ng City Government of Zamboanga ng cash incentives ang magkapatid na Rose Jean (C) at Rosegie Ramos (R), at kanilang coach na si Allen Diaz (not in picture) matapos nilang humakot ng medalya sa ginanap na Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan noong July 2022.

Nagpamalas ng husay at galing ang magkapatid na Rose Jean at Rosegie Ramos sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships na naganap mula July 15-25, 2022 sa Tashkent, Uzbekistan.

Nag-uwi si Rose Jean, 16, ng apat na medalyang ginto, isang silver, at isang bronze sa 45-kilogram category-women’s division.

Ang kanyang ate na si Rosegie, 18, ay nasungkit naman ang tatlong medalyang ginto sa 49-kilogram category-women’s division.

Kaya naman pinagkalooban ng City Government of Zamboanga ng PHP1.5 million cash incentives ang magkapatid na Zamboangueña weightlifters at ang kanilang coach na si Allen Diaz.

Si Rose Jean ay tumanggap ng PHP650,000 , habang si Rosegie naman ay nakakuha ng PHP375,000.

Pinagkalooban naman si Allen ng PHP512,500.

Photo of Zamboanga City Mayor, the Ramos sisters and their coach

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mismong si Zamboanga City Mayor John Dalipe (L) ang nag-abot sa magkapatid na Rose Jean (2nd from L) at Rosegie Ramos (2nd from R) at sa coach nilang si Allen Diaz ng kanilang mga tseke pagkatapos ng ginanap na flag-raising ceremony sa harapan ng city hall noong September 19, 2022.

Ang pagkakaloob ng cash incentives sa mga taga-Zamboanga na makapag-uuwi ng medalya mula sa national and international competitions ay batay sa City Ordinance 565 ng lungsod.

Matatandaang taga-Zamboanga City rin si Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang Filipino weightlifter na Olympic gold medalist.

Pinsan ni Hidilyn si Allen na coach ng magkapatid na Ramos.

Si Allen din ang unang nagturo kay Hidilyn ng basics ng weightlifting.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinagkalooban ng City Government of Zamboanga ng cash incentives ang magkapatid na Rose Jean (C) at Rosegie Ramos (R), at kanilang coach na si Allen Diaz (not in picture) matapos nilang humakot ng medalya sa ginanap na Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan noong July 2022.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results