Meet Martin Cirio: Magna cum laude, Top 1 sa mining engineering board exam

by KC Cordero
Sep 25, 2022
Martin Cirio in graduation photo, and the list of Top 10
Bago nagtapos bilang magna cum laude at maging Top 1 sa mining engineering board exam, natuklasan muna ni Martin Cirio na iba talaga ang buhay kolehiyo. “Akala ko, dahil mataas ang ranking ko noong high school ay kaya kong makipagsabayan. Sa UP ay nakapakarami pang mas mahuhusay at magagaling kaysa sa akin.”

Mula sa pamilya ng mga mechanical engineer si John Martin Rivera Cirio, mas kilala bilang Martin, 23, ng Cararayan, Tiwi, Albay.

Kuwento niya nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 22, 2022, “Gusto ko sanang sumunod sa aking tatay bilang isang mechanical engineer.

"Bata pa lamang ay itinuturo na niya sa akin ang ginagawa sa Geothermal Power Plant.”

Consistent honor student si Martin mula elementary.

Young Martin Cirio

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dating nurse ang nanay niya, at ang kanyang kuya ay isang licensed electronics engineer at nagtatrabaho bilang software engineer.

Ang kanyang parents na rin ang nag-encourage sa kanya na umiba ng linya dahil marami na ang mechanical engineers sa kanyang mga tiyuhin at pinsan.

Kumuha siya ng Bachelor of Science in Mining Engineering sa University of the Philippines-Diliman campus.

Ani Martin, “Napili ko ang mining dahil ito ay bago sa akin. Pero nalaman ko rin na isa ito sa oldest courses sa UP College of Engineering.”

Nagtapos siya noong July 2020 bilang magna cum laude.

Siya rin ang Top 1 sa August 2022-September 2022 Mining Engineering Licensure Examination, at may rating na 89.40 percent.

STRUGGLES SA COLLEGE

Kung titingnan ang mga achievements ni Martin, iisiping madali ang kanyang naging college journey.

Pero aminado siyang nahirapan noong unang taon niya s U.P.

“Akala ko, dahil mataas ang ranking ko noong high school ay kaya kong makipagsabayan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Noong nagsimula na ang college, natuklasan kong nakapakarami pa ang mas mahuhusay at magagaling kaysa sa akin.”

Nagkaroon daaw siya ng struggle sa pag-a-aadjust.

“Iyon ang ang pinakamahirap. Masyadong naapektuhan ang aking physical, mental, at emotional health. Sumabay pa ang financial na problema.

“Natutunan kong magtipid nang husto habang pinoproblema ang aking pag-aaral.

"Sa awa ng Diyos, wala namang araw na lumipas na hindi ako kumain.

“Sa pamamagitan ng scholarship, ako'y natulungan nang husto."

Nung mga panahong iyon, wala sa isip niya ang magkaroon ng Latin honors.

Aniya, "Hindi ko rin inasahan na ako'y ga-graduate na magna cum laude kasi hindi ko naman binabantayan nang maige.

“Bawat semester ay goal ko lang na may mataas na grado para maging masaya ang aking mga magulang.”

Sa tulong ng kanyang pamilya, matalik na kaibigan, brods sa UP Epsilon Chi Fraternity, orgmates, at lahat ng nagmamahal sa kanya, nairaos ni Martin ang college.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sambit niya, “Nalampasan ko lahat nang pagsubok na ibinato sa akin.”

BOARD EXAM: “Muntikan akong mag-breakdown!"

Nasa huling semester na si Martin nang pumutok ang pandemya.

“Hindi kami naka-graduate nang maayos. Dalawang taon ding postponed ang board exam sa Manila. Mas lumala ang pangamba.”

Dalawang taon din niyang dala-dala ang anxiety tungkol sa board exam.

“Pinagsabay ko ang pagtatrabaho at pagre-review. Buti na lang at natuloy din ngayong taon ang exam.”

Hindi rin siya nag-expect na magiging topnotcher.

“Gusto ko lang talagang pumasa. Wala na akong pakialam sa lahat ng nag-e-expect sa akin.

“Gusto ko lang talagang magkalisensya kasi parang walang closure ang college ko kung hindi ko siya makukuha.”

Hindi lang si Martin ang nahirapan sa board exam, pati raw ang mga kasabay niya.

Kuwento niya, “Yung karamihang tanong sa exam ay hindi namin naaral gawa ng napakalawak ng coverage.

"Pag-uwi ko, sinabi ko agad sa kuya ko at sa nanay ko na baka bumagsak ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Muntikan akong mag-breakdown! Nilakasan ko na lang loob ko at pilit na hinintay ang announcement.”

REAKSIYON SA RESULTA NG EXAM

Ani Martin, lahat ng exam takers ay nangangarap na mag-top.

“Nangarap din ako, pero ayoko nang nag-e-expect. Usually, I dont want to make my hopes known kasi prone iyon to expectations.

“I always tone it down, saying na I just want to pass. Pero siyempre po, deep inside ay gustung-gusto ko rin po.”

Sa kanilang group chat niya nalaman na siya ang Top 1 nang lumabas na ang resulta.

Kagigising lang umano niya noon, “I had to look twice. Nung nag-sink in sa akin sumigaw ako nang sumigaw!

“Yung nanay ko na nagwawalis, akala niya ay kung napaano ako. Nung sinabi ko, tumalon kami nang tumalon!

“Para sa kanila ito kaya di ko alam kung kanino pa ako makikipag-celebrate sa moment na ito. Thankful ako na nasa bahay ako during announcement.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Martin with his mom

Bilang isang Katoliko, inialay ni Martin ang tagumpay una sa aniya ay “greater forces behind our fates.”

“Sa Maykapal at sa Ina namin sa Bicol, Penafrancia, at Ina namin sa Tiwi, Salvacion.

"Inaalay ko ito sa mga mahal ko sa buhay na walang sawang sumuporta at tumulong sa akin, at sa mga kaibigan kong nagbigay sa akin ng extra push para mag-perform nang mas mahusay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MAS MARAMI PA SANA ANG MAG-ARAL NG MINING ENGINEERING

Sa ngayon ay employed si Martin sa isang minahan sa Agusan Del Sur.

“Plano kong patuloy na paigtingin ang aking experience, at hopefully matanggap ako sa gobyerno para makatulong sa mga tao.

“Kung hindi palarin, saka ko po iko-consider na lumabas ng bansa.”

Hinihikayat naman si Martin ang mga magkokolehiyo na kumuha ng mining engineering.

Aniya, “Sa ilang taon ko sa UP, naintindihan ko nang maige ang essence ng aking kurso.

"May kasabihan kami na, if it can't be planted, it must be mined.

“I-consider ninyo ang course na ito sapagkat ito'y importante para sa nation building at economic progress ng ating bansa.”

Ang kung ibang direksyon naman ang pipiliin ng mga kabataan, ang kanyang payo sa mga ito, “Pagbutihin ninyo ang inyong pag-aaral para sa inyong sarili, pamilya at para sa ating bansa.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago nagtapos bilang magna cum laude at maging Top 1 sa mining engineering board exam, natuklasan muna ni Martin Cirio na iba talaga ang buhay kolehiyo. “Akala ko, dahil mataas ang ranking ko noong high school ay kaya kong makipagsabayan. Sa UP ay nakapakarami pang mas mahuhusay at magagaling kaysa sa akin.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results