PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ina Buted, magna cum laude na takot sa board exam pero nag-Top 5!

To think na wala sa plano niyang kunin ang criminology bilang course
by KC Cordero
Published Nov 9, 2022
Ina Buted and her awards
Natakot si Ina Buted na kumuha ng board exam noong 2019, at bagsak sa pre-test noong 2020. Nasabihan pa siya ng, “Umuwi ka na sa Batangas, kuhanin mo yung magna cum laude certificate mo tapos pilasin mo! Wala kang kwenta! Bagsak ka!”

Mula sa pamilya ng public servants at achievers si Karolina Erika A. Buted, mas kilala bilang Ina, 23, ng Pallocan Silangan, Batangas City.

Top 5 siya sa December 2021 Criminologist Licensure Examination, at may rating na 89.35 percent.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Criminology sa Lyceum of the Philippines University (LPU)–Batangas noong May 2019 bilang magna cum laude.

Graduation photo of Ina Buted

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya rin ang hinirang bilang Top 1 Sotero H. Laurel LPU-Batangas Outstanding Student 2019, at pinarangalan bilang Sotero H. Laurel Outstanding Student.

Finalist din siya sa National Search for the Ten Outstanding Students of the Philippines.

Pero alam ba ninyo na sa kabila ng kanyang tagumpay ay napakaraming beses siyang pinanghinaan ng loob?

Nakakuwentuhan si Ina ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last October 17, 2022 via Facebook Messenger.

Aniya, “Wala po akong plano na kuhanin ang kursong criminology. Ang gusto ko sana ay ang Lex Honors na ini-o-offer ng University of Asia and the Pacific.

“Ito ay seven-year course na kasama ang three-year pre-law at four-year Juris Doctor.”

Hindi siya nakakuha ng entrance exam dahil nagkaroon sila ng deal ng tatay niya na mag-take din siya ng entrance exam sa Ateneo De Manila University (ADMU) at sa University of the Philippines (UP).

“Natakot at na-pressure ako dahil ang aking ate ay nagtapos sa ADMU na may academic award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko sa aking sarili ay baka kahit sa entrance exam ay hindi ako pumasa.”

HINDI NIYA GUSTO ANG BS CRIMINOLOGY

Nag-decide si Ina na sa Batangas City na magkolehiyo.

“Noong enrollment ay sinamahan ako ng aking tatay na sa LPU-Batangas at wala akong kurso na nais pasukan.

“Accidentally, nakasalubong namin ang isang babaeng dean ng isang college.

"Nakipagkuwentuhan siya sa aking tatay dahil sila ay dating magkasama sa LPU.

“Noong paalis na siya, tinanong niya ako kung anong kurso ang aking papasukan.

"Nang malaman niya na wala pa akong kurso na pinapasukan, sabi niya, ‘Halika, sama ka sa akin sa taas, mag-e-enroll tayo.’

“At doon ko lang nalaman na College of Criminology pala ang aking napasukan.”

Ayon kay Ina ay wala siyang idea kung ano ang mga pag-aaralan sa criminology.

At dahil hindi niya masyadong gusto ang kinuhang course, “Naging mahirap sa akin ang pag-aaral noong una.

“Hindi ako naging masaya sa aking mga ginagawa at pakiramdam ko ay hindi ako nag-go-grow bilang isang estudyante.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Honestly, I was about to shift my course noong second semester ng first year, Paralegal sana.”

Ina Buted when still a student

Pero aniya, parang ayaw talaga ni Lord na lumipat siya ng course. Na-dissolve ang paralegal course.

Para malibang, sumali si Ina sa iba’t ibang school orgs, lumaban sa mga kumpetisyon, at naging active sa extra-curricular activities at maging sa community extension activities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahalal din siya bilang president ng supreme student council for two consecutive years.

PRESSURED SA BOARD EXAM

Matapos malampasan ang mga hamon sa kolehiyo, ang sumunod na hinarap ni Ina ay ang takot niya sa board exam. Umatras siya sa pagkuha nito noong December 2019.

“Actually, nakapag-online appointment na ako, nakapagbayad, at kumpleto na yung requirements.

“Ten days before the scheduled application for filing, we were taking a pre-test sa aming review center.

"Habang nagte-take ako ng pre-test, literal na humahagulgol ako.”

Hindi umano niya alam kung bakit hindi niya masagutan ang mga questions. Kinuha niya ang mga gamit at umuwi na.

“I messaged my parents kung puwede ba akong sa June 2020 na lang mag-take ng exam.

“Sabi nila, kung hindi pa ako handa, okey lang at wala naman akong dapat madaliin o habulin.”

Aminado si Ina na pressured siya dahil malaki ang expectations sa kanya ng ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I realized na mahirap din palang maging achiever. Parang kapag nag-fail ka, nagpabaya ka talaga at hindi mo inayos.

"But in reality, nakakapagod, nakakaiyak madalas, nakaka-drain.

“I felt I owed everyone an explanation tuwing hindi ko name-meet yung expectations nila.”

May isa pang dagdag na pressure sa kanya. Ang kapatid niyang lalaki na kasabay niyang nag-aral at nagtapos sa kolehiyo ay naging Top 9 sa November 2019 Customs Broker Licensure Examination.

“Nadoble yung pressure na naramdaman ko at mas tumaas yung naging expectations ng tao sa akin.”

TURNING POINT PARA MAWALA ANG PRESSURE

Para makapag-focus, noong January 2020 ay nag-decide si Ina na sa Tagum, Davao mag-review.

“I vividly remember noong first day ko sa review center sa Tagum at pinag-take ako ng pre-test examination.”

Bumagsak siya sa pre-test. Hindi niya inakala ang sunod na mangyayari.

“Sinugod ako sa dorm nung kapatid ng may-ari, and he told me, ‘Umuwi ka na sa Batangas, kuhanin mo yung magna cum laude certificate mo tapos pilasin mo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“’Wala kang kuwenta! Bagsak ka!”

Ang masakit pa, “He even called me ‘magna scammer!’

“I was hurt. Naisip ko, ‘Bakit ako nandito sa Tagum at parang ipinapahiya ko lang yung sarili ko?’”

Pero ayon kay Ina, iyon na rin ang naging turning point.

“I promised myself na I would not hear those kinds of words anymore. I studied and read a lot.”

Ginamit din niya ang nararamdamang pressure bilang motivation. “I started to believe na kaya kong magtagumpay... at magtatagumpay ako.”

HINDI NA UMASANG PAPASA O MAGIGING TOPNOTCHER

Napakahirap ng board exam dahil sila ang first batch na may dalawang bagong examiners.

“Sa katunayan po ay napapailing na lang ako because there were subjects that I really found difficult.”

Tinanggap na niya sa sariling hindi siya magiging topnotcher.

“I was also afraid that I won’t see my name in the list of passers.”

Nang araw na lalabas ang resulta ay nilibang ni Ina ang sarili sa panonood ng K-Drama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bandang 4:30 ng hapon, biglang nag-message sa akin ang aking kaibigan. Like sign lang yung una niyang chat. So, kinabahan na ako!

“Ang sunod na message ay screenshot ng topnotchers ng CLE 2021."

The Top 10 list

Nagulat si Ina sa ipinadalang screenshot, “Nangatal na ako! Nangingiyak-ngiyak pero hindi agad ako naniwala. Akala ko prank lang niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakumpirma niyang Top 5 nga siya nang i-check niya sa website ng PRC.

“Nakita ko nga ang aking pangalan! Umiyak na ako nang sobrang lakas at una kong pinuntahan ang aking nanay.

"Niyakap ko siya at nagpasalamat nang sobra sa lahat ng suporta na kanilang ibinigay.”

“ADD SPICE TO YOUR LIFE”

Maraming pinag-alayan si Ina ng kanyang tagumpay, pero special mention ang kanyang nanay, tatay, at apat na kapatid.

“Sila yung walang sawang sumuporta at umunawa. Sila rin ang unang naniwala at nagtiwala.”

Sa ngayon, si Ina ay part-time faculty member ng LPU-Batangas College of Criminal Justice Education at national review lecturer sa 10 review centers around the Philippines.

Nasa bucket list pa rin niya ang pagpasok sa law school, “Since pangarap ko po talagang maging magaling na abogado.”

May words of wisdom si Ina sa lahat ng estudyante: “If life doesn’t give you thrill anymore, do not change your life. Rather, add spice to your life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At sa lahat ng uncertainties and challenges na kanyang pinagdaanan, ang paniniwala niya, “Lord brought me here. From estudyanteng hindi sigurado sa kurso, muntik nang mag-shift, to magna cum laude, and a board topnotcher.

“Ang pagiging isang criminology student ko ay hindi isang aksidente lang, ito ay plano lahat ni Lord. God wanted me here. He prepared me to be here.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natakot si Ina Buted na kumuha ng board exam noong 2019, at bagsak sa pre-test noong 2020. Nasabihan pa siya ng, “Umuwi ka na sa Batangas, kuhanin mo yung magna cum laude certificate mo tapos pilasin mo! Wala kang kwenta! Bagsak ka!”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results