PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Normando Macalinao, world-class Pinoy magician in Dubai

Would you believe nagsimula siya sa pagiging dishwasher?
by Rose Garcia
Published Nov 12, 2022
Normando Macalinao magician paris hilton ne yo
Si Normando Macalinao (left) ay nagsimula bilang dishwasher sa Dubai. Pero itinuloy ang hilig sa paggawa ng magic tricks hanggang sa makilala sa Dubai. Hinahangaan din ang kanyang magic tricks ng international celebrities gaya nina Paris Hilton (right photo, top) at American singer na si Ne-Yo (right photo, bottom).
PHOTO/S: @normandothemagician on Instagram

Bagong graduate noon si Normando Macalinao na taga-Aliaga, Nueva Ecija, nang pumunta siya sa United Arab Emirates para magtrabaho sa isang hotel sa Dubai.

Nineteen years old si Normando nang magtapos sa kursong Hotel & Restaurant Management.

Wala pang isang buwan pagka-graduate, lumipad na siya papuntang Dubai para magtrabaho.

Kuwento niya, “Sa isang international hotel po ako na-hire, pero ang problema, hindi raw po ako puwede sa front or sa restaurant, so nilagay po nila ko sa back.

"Dishwasher po ako. Sabi po ng manager ko, hindi raw kasi ako magaling sa English. Hindi raw po ako marunong makipag-connect.”

Nagsumikap si Normando na matutong makipag-communicate lalo na sa English.

Mula sa pagiging dishwater, kalaunan ay na-promote siyang waiter.

Pero ayon kay Normando, halos pareho rin lang ang suweldong natatanggap ng waiter doon at waiter sa Pilipinas.

IT'S IN THE CARDS

Gumawa siya ng paraan para kahit paano, makatanggap siya ng tips.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dito pumasok ang matagal na niyang hilig sa pagma-magic nang makita raw niya ang kanyang baraha.

Kuwento niya, “Sa Pilipinas po, nagma-magic lang ako sa mga kaibigan, family ko po.

“Kaya ang ginawa ko po, nag-aral po ako ng magic ulit, and then nag-magic po ako sa mga guest.”

Noong nasa Pilipinas pa siya, hindi matatawag na professional magician si Normando. Hilig lang talaga niya ito.

Pero sino nga ba ang mag-aakalang ang hilig na ito ang magbibigay-daan sa kanya para makilala sa Dubai, kung saan nagkaroon siya ng sariling billboard at na-feature sa series na Dubai Bling, na mapapanood sa Netflix.

At kabilang sa mga humahanga sa kanya ay ang mga bigating celebrities, gaya ni Paris Hilton.

Namamangha ang mga taong nakakakita sa magic tricks ni Normando.

Aniya, “‘Yung mga guest po, bini-video po nila ako. Pino-post nila sa Facebook, Instagram. Biglang marami na po ang nakakakita sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At yung mga guest, nagpupunta na po sa hotel para po makita ako, para po makita ang magic.”

FROM WAITER TO MAGICIAN

Malaki rin daw ang kaibahan ng pananaw ng mga Pinoy sa magician kumpara sa mga taga-Dubai.

Ani Normando, “Sa atin po kasi, kapag sinabi mong magician, parang kid’s magician lang. Parang hindi po nila sineseryoso ang mga magician.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero dito po sa Dubai, sobrang taas po ng tingin nila sa mga magician. Parang pang-international… parang David Blaine, Criss Angel.”

Sina Blaine at Angel ay mga tanyag na American magicians at illusionists.

Matapos ng apat na taon bilang waiter, nag-risk si Normando at sumabak bilang salamangkero.

Halos limang buwan din daw siyang walang stable na trabaho habang ipinagpapatuloy ang pagmamahika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero isang araw, habang nagpe-perform ng magic tricks sa street, nakatanggap siya ng isang imbitasyon sa isang party.

Walang kamalay-malay si Normando na malaking event pala ito at ang taong nag-imbita sa kanya ay may business ng mga luxury cars.

Dito na nagsimula ang matagumpay na karera niya bilang isang magician.

Sabi ni Normando, “So may mga celebrities po, mga sheiks. Naka-coat, naka-amerikana… ako po, naka-black shirt lang.

“Hindi ko alam na malaking party pala siya. Nag-magic po ako and may nag-video po sa akin.

"Ang video po na iyon, umabot po kay Paris Hilton.”

Nag-follow raw sa kanya ang American socialite at nagkapalitan din sila ng messages.

Hanggang sa mag-launch daw ito ng perfume sa Dubai, at doon sila nagkita nang i-request ni Paris Hilton ng mag-perform siya ng magic sa event.

“Nang magkita po kami, sabi niya, ‘I followed you in Instagram. Your magic is amazing. It blew my mind.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“After that po, naka-receive na ako ng mga interviews, TV shows, print interview. Hanggang sa lahat ng mga kilalang restaurants, ini-invite na po ako.

“Nakapag-magic na rin po ako kina Ne-Yo [American singer-songwriter], kay Manny Pacquiao din po, pati po sa mga malalaking events sa Dubai tulad ng Formula 1, Gucci, Hermes events.

“Hanggang sa ngayon po, yung sahod po na kinikita ko before sa pagwe-waiter ng isang buwan, nakakaya ko na pong kitain sa isang araw ng pagma-magic ko po.”

BIG-TIME MAGICIAN IN DUBAI

Bukod sa mga ito, makikita rin ang billboards ni Normando sa buong Dubai dahil siya ang ginawang endorser ng My Dubai, isang brand ng tubig na ang may-ari raw ay ang pamilya ng hari ng Dubai.

“One day po, minessage po nila ako, and they said, we really like your talents and we want to put you in our billboard as an ambassador of My Dubai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tuluy-tuloy na po iyon, and recently po, napunta po ako sa Netflix. Top 1 show po ito sa Dubai ngayon, ang Dubai Bling.”

Siyam na taon na sa Dubai si Normando at halos walang kamalay-malay ang mga Pinoy na sa naturang bansa, maituturing na siyang isang superstar

Yun nga lang, sa sarili niyang bansa ay hindi pa siya kilala.

Sa ngayon, gusto raw ni Normando na magkaroon ng ibang pananaw ang mga kapwa niya Pinoy sa mga tulad niyang magician.

“Gusto ko rin pong imulat ang pagkakakilala ng mga Filipino sa mga magician,” sabi niya.

“Kasi kapag magician ka, parang sinasabi nila, birthday party.

“Hindi po nila alam na maraming magician like, sa Pilipinas, sobrang dami pong magician na magagaling pa sa akin, pero nagse-settle na lang po sila diyan.

"Ayaw nilang mag-take ng risk. Gusto ko lang po ipakilala sa lahat na may mga talent din tayong puwedeng ipakita sa buong mundo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Plano rin ni Normando na manirahan sa United Kingdom, kunsaan, magpapakasal sila ng kanyang British girlfriend na naka-base rin ngayon sa Dubai.

At ang kanyang magic, pangarap niyang maipakita rin hanggang sa sikat na reality show roon na British Got Talent.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Normando Macalinao (left) ay nagsimula bilang dishwasher sa Dubai. Pero itinuloy ang hilig sa paggawa ng magic tricks hanggang sa makilala sa Dubai. Hinahangaan din ang kanyang magic tricks ng international celebrities gaya nina Paris Hilton (right photo, top) at American singer na si Ne-Yo (right photo, bottom).
PHOTO/S: @normandothemagician on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results