Isa ang Austrian na si Dietrich Mateschitz sa nagtatag sa Red Bull GmbH noong 1980s. Isa na ito ngayong multibillion-dollar empire.
Pumanaw si Dietrich noong October 22, 2022 sa edad na 78.

Namana ng kanyang anak na si Mark ang 49 percent stake ng Red Bull.
Thirty years old pa lang si Mark na ngayon ay itinuturing na richest millennial sa Europe.
Ayon sa Bloomberg Billionaires Index, ang namana ni Mark na bahagi ng world’s biggest energy drinks firm, kasama na ang dalawang Formula 1 racing teams, ay umaabot sa US$15.7 billion.
Ikaapat naman siya sa wealthiest millennial in the world, kasunod nina Zhang Yiming, ang 39-year-old founder ng TikTok parent company na ByteDance; Mark Zuckerberg, ang 38-year-old founder ng conglomerate na nagsimula sa Facebook); 36-year-old Lukas Walton, na nagmana ng Walmart.
Si Mark ang 93rd wealthiest person in the world as of November 11.

Lumaki si Mark sa Austria, at nag-aral sa Salzburg’s University of Applied Sciences.
Shareholder na siya sa Red Bull bago pa man namatay ang kanyang ama.
Noong 2018 ay naglunsad siya ng sariling beer at lemonade sa Red Bull gamit ang tubig na dumadaloy sa pinakamatandang springs ng Austria.

Dahil nag-iisang anak, solo niyang namana ang stake ng ama sa Red Bull.
Ang isa pang nagmamay-ari ng kumpanya ay ang pamilya ng co-founder ni Dietrich, ang Thai entrepreneur na si Chaleo Yoovidhya, na pumanaw na rin.
Kamakailan ay ipinarating ni Mark sa Red Bull employees na ang board of directors na ang mamamahala sa pagpapatakbo ng negosyo.
Nag-resign na rin siya sa Red Bull bilang head ng organics.
Paliwanag niya sa inilabas na memo, “But I do not believe one should be both an employee and a shareholder of the same company.
“I will concentrate on my role as a shareholder, and I will interpret this and express myself in a way that makes sense to me.”
Ang Red Bull ay globally recognized brand at visible sa gaming, sports, and entertainment industries. Ibinibenta ang mga produkto nito sa 165 countries.
Batay sa ulat ng kumpanya, ang annual revenues nito ay 7.8 billion euros (US$8 billion) noong 2021. Nakapagbenta ito ng halos 10 billion cans ng flagship beverage nito.
Noong nabubuhay pa si Dietrich ay napakarami nitong nabiling luxury assets, kabilang ang Laucala Island sa Fiji, at mga kastilyo sa Austria.
At siyempre, si Mark na rin ang owner ng mga iyon ngayon.
Walang nababanggit ang Europe media sa kanyang relationship status kahit lagi siyang laman ngayon ng mga balita.