PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ming Ramos, 95, retires from International School Manila job

She is 95 years old.
by KC Cordero
Published Nov 22, 2022
Ming Ramos during the ISM formal tribute, ang with her late husband former president Fidel Ramos.
Sa isang panayam noon ay natanong si former first lady Ming Ramos kung bakit nagtatrabaho pa rin siya kahit pangulo na ang kanyang mister. Aniya, “Somebody has to earn in the family. Who will pay for the bills? I must help Eddie.”

Nagretiro na si former first lady Amelita “Ming” Ramos matapos ang 67 taon ng pagtatrabaho sa International School Manila.

Ang biyuda ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ay binigyan ng formal tribute ng ISM noong November 17, 2022.

Ming Ramos being honored by ISM

Sa edad na 95, siya ang pinakamatagal na naging empleyado ng ISM, kung saan nagsimula siyang magtrabaho rito noong 1955.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masigla pa rin at matalas ang isip, binalikan ni Ming sa kanyang maikling talumpati ang pitong dekadang pagtatrabaho sa institusyon kung saan nagsimula siya bilang secretary ng assistant headmaster.

Tumaas ang kanyang posisyon at naging physical education teacher, director of testing, director of admissions, hanggang maging school registrar.

Consultant siya bago nagretiro.

Hindi binitawan ni Ming ang pagtatrabaho sa ISM kahit naging pangulo ng bansa ang kanyang mister mula 1992-1998.

Sa isang panayam noon ay naitanong sa kanya kung bakit nagtatrabaho pa rin siya kahit pangulo na ang kanyang mister.

Ming Ramos with her late husband

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Ming, “Somebody has to earn in the family. Who will pay for the bills?

“I must help Eddie. E, kadalasan noon, ang suweldo niya hindi pa natatanggap, naka-pledge na kagaya sa mga cooperatives o grupo ng mga golf caddies and workers.”

Nagtapos siya ng Bachelor of Science degree in Physical Education sa Boston University's Sargent School, at nakumpleto ang kanyang Master of Science in Physical Education and Recreation sa University of California, Los Angeles.

Mahilig siya sa swimming at sa paglalaro ng badminton.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa isang panayam noon ay natanong si former first lady Ming Ramos kung bakit nagtatrabaho pa rin siya kahit pangulo na ang kanyang mister. Aniya, “Somebody has to earn in the family. Who will pay for the bills? I must help Eddie.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results