Parang isang teleserye ang naging buhay ni Vernon Kwek, 49, isang Singaporean.
Siya ang Chief Executive Officer ng Primech Services & Engineering.
Kabilang sa mga kliyente ng Primech ang Changi Airport Group, United Overseas Bank, at mga luxury hotels.
Bago nagtagumpay si Vernon, napakarami niyang pinagdaanang hirap.

Thirteen years old pa lang si Vernon nang mawalan ng trabaho ang kanyang ama.
Tinulungan niya itong makahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pagtingin sa ads sa mga diyaryo.
Nakakita si Vernon ng vacancy para sa cleaning supervisor. Nag-apply sa posisyon ang kanyang ama at natanggap.
Kapag weekends, tinutulungan ni Vernon ang ama sa paglilinis ng mga toilets at opisina.
Nang sumapit siya sa edad na 14, huminto na siya sa pag-aaral at naging full-time cleaner.
Ayaw ng kanyang ama na huminto siya sa pag-aaral, pero determinado si Vernon na kumita na ng pera para makatulong sa kanilang pamilya.
Pagbabahagi ni Vernon sa isang interview, “It was good money to me and I enjoyed the job.
“I was even more interested in it when I found out that managers of cleaning companies could earn about SGD$1,700 (PHP69,419.94) a month.
“It’s SG$200 more than an engineer fresh out of university in the 1980s.”
NAKIPAG-BREAK ANG DYOWA DAHIL “CLEANER” LANG SIYA
Dahil sa kanyang kasipagan, si Vernon ay na-promote na bilang cleaning supervisor kahit 14 years old lang siya.
“I asked the manager if he was sure.
“My dad became a supervisor only when he was 40. I was only 14.
“But he said, ‘Don’t worry. You have your dad’s genes. He has leadership qualities, you should have the same too.’”
Makalipas pa ang ilang taon, naging senior supervisor na siya—at nagkaroon ng love life.
Pero nakipag-break sa kanya ang girl dahil ayon dito, si Vernon ay “just a cleaner.”
Inisip ng girl na wala itong future sa piling ni Vernon, kaya ipinagpalit siya nito sa isang suitor na nag-aaral sa isang university.
Dahil sa masasakit na salitang natanggap sa babaeng kanyang minahal, lalong nagsikap si Vernon mula noon.
Hindi nagtagal, binigyan siya ng kumpanya ng chance na makapagsimula at makapagpatakbo ng sariling subsidiary cleaning company.
Nag-hire siya ng mga sariling empleyado at pinangasiwaan ang mga proyektong ibinibigay sa kanya ng mother company.
NALASING SA TAGUMPAY
Dahil sa dami ng kanyang naging projects, nagsimula siyang kumita ng SGD25,000 (PHP1,020,881.46) kada buwan.
Malaking pera na ito para sa sinumang nasa kanyang mid-twenties noong 1990s.
Pero hindi rin naman lahat ay tagumpay ang natamasa ni Vernon.
Dahil sa malaking kita, nag-enjoy siya sa pagbiyahe sa iba-ibang bansa at napabayaan ang negosyo.
“My bosses eventually found out about it and withdrew all the contracts. I was left with debts of SG$200,000 (PHP8,167,051.71).”
Sa edad na 26, nag-file siya ng bankruptcy nang singilin na siya ng mga pinagkakautangan.
Naranasan din niyang mabilanggo ng ilang beses dahil sa utang at panggagantso nang sumapit siya sa edad na 30.
Noong 2010 hanggang 2012, nanirahan siya sa Johor Bahru para makatipid sa gastusin. Sa panahong ito natanggap si Vernon sa WIS Holdings bilang operations manager.
PANIBAGONG TAGUMPAY
Nabili ng WIS Holdings ang Primech, at si Vernon ang nangasiwa sa operasyon nito. Mayroon itong 200 na empleyado, at kumikita ng SGD$500,000 a month.
Kabilang sa mga kliyente nito ang Changi Airport Group, United Overseas Bank, at mga luxury hotels.
Makalipas ang pitong taong pamamalakad ni Vernon, umabot sa 1,500 ang empleyado nito, at kumikita na ng SGD$3 million a month ang kumpanya.
Noong 2017, nagpatulong kay Vernon ang WIS Holdings na ibenta ang Primech.
Sa sumunod na taon ay nabenta ang kumpanya sa Hong Kong-led consortium Sapphire Universe.

Kasama sa terms ng bentahan ang patuloy na pamamahala ni Vernon sa Primech, at ang pagkakaroon niya ng 30 percent stake sa kumpanya at maging sa apat na kumpanyang nabili rin ng Sapphire Universe.
Kabilang sa na-acquire ang A&P Maintenance Services, ang unang cleaning company na pinagtrabahuhan nilang mag-ama noong katorse anyos pa lang siya.
Sa ilalim ni Vernon bilang CEO ng Primech, ngayon ay may mahigit 3,000 na empleyado na ang kumpanya.
Si Vernon naman ay may asawa na at apat na anak.
Wala na siyang naging balita sa kanyang ex-girlfriend na sinaktan ang kanyang puso maraming taon na ang nakalilipas.
Gayunpaman, iniisip niyang naging bahagi ito sa kanyang success.