Tila nagdilang-anghel si Ma. Catherine Cauba nang mag-post siya sa kanyang Facebook account na magiging Top 1 sya sa Licensure Examinations for Teachers (LET), bago pa man ito kumuha ng exam noong October 2, 2022.
Nagbahagi si Catherine ng isang quote sa kanyang Facebook account na may pangalang Shine Bright noong September 28.
Ang nakalagay sa quote: “Turn your worries into worship and God will turn your battles into blessings.”
Kalakip nito ang tila ba pagpapalakas niya ng loob sa kakaharaping pagsusulit.
Special mention din ang kanyang anak at partner na mga inspirasyon niya.
Bahagi ng post, published as is: “Why worry when I have my best support and lucky charm with me?”
“Daddiii Franclil Gabutan and Baby Uzzi”
“I am smart. I am capable. I am blessed and loved. I will top the BLEPT [Board Licensure Examination for Professional Teachers October 2022!”
Nakasaad sa dulo na may privacy setting na “only me” ito, pero ginawa niyang “public” matapos makumpirma ang magandang balita.
LET TOPNOTCHERS
Nang lumabas ang resulta nito lamang December 16, 2022, isa si Catherine sa nakakuha ng pinakamataas na average na 94.60 sa LET-Elementary.
Siya at ang isa pang topnotcher na si Baby Patricia Bensi ay parehong produkto ng Cebu Normal University, Cebu City.
Bukod sa kanilang dalawa ay may limang graduate pa ng nasabing unibersidad ang nakakuha ng puwesto sa Top 10 list.
Ito ay sina Diandra Bolo Trasona (#5), Rogelio Sotto Dilao Jr. (#8), Jenelyn Sulayao Cordero (#9), Adielyn Caitor (#10), at Janine Pilapil (#10).
LET RESULTS OCTOBER 2022
Sa kabuuan, in-announce ng Professional Regulation Commission (PRC) na 54.43%. ang passing rate, with 49,783 passers out of 91,468 takers sa elementary.
Ang passing rate naman sa high school ay 50.94%, with 71,080 passers out of 139,534 takers.
Ang exam ay ginanap sa 34 testing centers sa buong Pilipinas at sa Bangkok, Thailand.
PARA KAY BABY UZZI
Sa isa pang Facebook account ni Catherine na may pangalang Maria Catherine, nag-post siya ng open letter para sa kanyang baby, na nasa sinapupunan niya noong siya ay nagre-review.
Narito ang nilalaman:
"Dear Uzzi,
"All throughout my LET journey, you were with me, kicking and turning inside my tummy. Thank you for staying strong and healthy while we, your parents, were chasing our dreams.
"Just like your name, Uzziah, may you always remind us that we should remain humble whatever achievements we'll have.
"LPTs na imong mama and papa [LPTs na ang iyong mama at papa]. But, di jud ma-pressure baby ha. Be free and enjoy being our child."