PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Goal ni Carmel Rose Rolloque, top 1 sa Chemist Licensure Exam

“Nasaksihan ko sa paglaki ko kung gaano kahirap ang magkasakit sa aming lugar.”
by KC Cordero
Published Dec 29, 2022
Graduation photo of Carmel Rose Rolloque
Bukod sa maging “Doctor to the Barrio” ay may isa pang pangarap si Carmel Rose Rolloque para naman sa kapatid na visually impaired. “Sana nga po balang araw, kapag naging doctor na ako, magkaroon ng chance na makita kami ng kapatid ko.”

Pangarap ni Carmel Rose Malones Rolloque, 23, ng Brgy. Pugon, San Francisco, Quezon na maging doctor.

Nang magkokolehiyo, ang plano niya ay kumuha ng Bachelor of Science in Biology.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook Messenger noong December 3, 2022, “Para diretso po sana sa pagdo-doctor.

“Pero sabi po ng aking ama, huwag na akong mag-doctor kasi aside from hindi kaya ng finances, gusto niya agad akong makita na makapagtapos at makapagtrabaho para mapanatag ang loob nila na maayos ang aking kalagayan.”

Nang mag-apply siya sa University of the Philippines College Admission Test (UPCAT), naintriga siya sa double asterisk na nakalagay sa kursong Bachelor of Science in Agricultural Chemistry.

Aniya, “Ang ibig palang sabihin ay five-year course ito.

“Sa totoo lang po, yun ang pinaka-basis ko kung bakit ako nag-AgChem, na-amaze lang ako sa double asterisk!

“Wala po talaga akong personal background sa BS AgChem. In fact, noon ko lamang narinig ang course na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tarpaulin of Carmel Rose Rolloque

Nakapasa si Carmel sa UPCAT, nag-aral sa UP Los Baños, at nagtapos noong August 2021 bilang cum laude.

Siya rin ang 2021 IC Valedictorian, at 2021 Outstanding Gabay Volunteer.

Top 1 naman siya sa October 2022 Chemist Licensure Examination, at may rating na 91.30 percent.

KILALANIN ANG KANYANG PAMILYA

Panganay si Carmel sa tatlong magkakapatid. Ang sumunod sa kanya ay 19 years old na may kapansanan sa paningin. Two years old naman ang kanilang bunso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang Mama ko po ay nakapagtapos ng high school, pero ang Papa ko po ay natigil na sa first year high school

“Magkatulong silang nagpapatakbo ng aming tindahan, copra buy and sell, at kung anu-anong puwedeng pagkakakitaan.”

Pagbabahagi niya, ang pinakamalaking challenge sa kanya, growing up, and, until now, ay ang pagkakaroon ng kapatid na visually impaired.

“Mahirap at masakit para sa akin na nakikita siyang nahihirapan kahit sa simpleng pagtsitsinelas lamang o pagkain.”

Kaya bata pa lang siya, nag-set na siya ng goal.

“Noong elementary ako, ang lagi kong iniisip, gagalingan ko sa pag-aaral para kahit papaano mabawi ko yung lungkot na nararamdaman ng mga magulang ko dahil sa kalagayan ng kapatid ko.

“Iniisip ko rin na dapat sulitin ko yung ibinigay sa akin na opportunity na makapag-aral, kasi kahit gustuhin man ng kapatid ko, hindi siya makapag-aral dahil walang available na SPED sa amin.”

NAHIRAPAN SA REVIEW AT BOARD EXAM

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil nagtrabaho agad pagka-graduate, nahirapan si Carmel na isabay ang kanyang pagre-review para sa board exam.

“Number 1 na challenge po talaga yun. At times, gusto kong i-postpone ang pag-e-exam dahil sa sobrang pagod.”

Nahirapan din siyang isingit ang pagre-review sa dami ng mga kailangang gawin sa trabaho.

“Hindi ako nakakasabay sa mga review classes. One week before board exam, halos di na ako makapag-aral dahil sa anxiety and panic if matatapos ko ba ang coverage ng exam.”

Gayunpaman, itinuloy niya ang pagkuha ng board exam. Aminado siyang nahirapan nang todo.

“Sobra po! Noon ko lang naranasan na kailangan kong maghilamos para lang makapag-isip ako kasi para na akong lumulutang sa hirap ng exam.

“Kaya nung matapos ang second day, tinanggap ko na di ako magta-Top 1.”

Nagkaroon na rin siya ng doubt na baka hindi siya makasama sa Top 10.

“Sobrang lungkot sa pakiramdam kasi alam ko naman hindi ako nagkulang, pero sobrang hirap for me ng exam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NANGARAP TALAGANG MAGING TOP 1

Pagtatapat ni Carmel ay umasa at nangarap siyang maging topnotcher.

“Opo naman, hahaha! Undergrad pa lang po ako, ini-imagine ko nang magde-deliver ako ng speech ko as Top 1.

“Everytime na naiisip ko yun, tumataas ang balahibo ko. Kasi what if mag-Top 1 talaga ako?”

Pero sambit ni Carmel nang lumabas na ang resulta, “Sa totoo lang po, hindi ko na-process nang maayos ang pagiging Top 1 ko.

“Hindi ako nakaiyak, hindi rin ako napatalon kasi gulat na gulat ako.

“Dahil walang signal sa amin, hindi ko matawagan ang mga magulang ko.”

The Top 10

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iisa naman ang kanyang pinag-alayan ng tagumpay.

“Lagi’t lagi, para sa aking mga magulang.

“Ni minsan hindi po ako pinilit ng mga magulang ko na maging honor student, gusto lang nilang makapagtapos ako kasi hindi po sila nabigyan ng pagakataon na makapag-aral.”

Saksi umano siya sa mga hirap at sakripisyo ng mga magulang para lang makapagtapos siya.

Carmel Rose Rolloque's parents

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung kaya naman, isa sa mga constant life goal ko sa buhay ay mapasaya ang mga magulang ko sa pamamagitan ng mga achievements ko.”

CARMEL'S MOTIVATION

Sa kasalukuyan ay chemistry instructor si Carmel sa UPLB.

“I took the NMAT last May, and this coming year, I will try to apply to my dream medical school.

“Ang ultimate goal ko po talaga ay maging ‘Doctor to the Barrio’ at magsilbi sa aming barangay.”

Paliwanag niya sa kanyang dakilang layunin, “Dahil na rin sa kalayuan ng aming lugar, kailangan pang sumakay ng bangka o kaya naman ay maglakad nang ilang kilometro kapag malakas ang alon upang makarating sa kabayanan.

“Nasaksihan ko sa paglaki ko kung gaano kahirap ang magkasakit sa aming lugar. Minsan kapag may emergency or nanganganak, inilalagay ang pasyente sa duyan at pinagtutulungang buhatin ng mga tao sa amin para makarating sa pinakamalapit na ospital.”

At ang isa pa niyang mithiin, “Sana nga po balang araw, kapag naging doctor na ako, magkaroon ng chance na makita kami ng kapatid ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa maging “Doctor to the Barrio” ay may isa pang pangarap si Carmel Rose Rolloque para naman sa kapatid na visually impaired. “Sana nga po balang araw, kapag naging doctor na ako, magkaroon ng chance na makita kami ng kapatid ko.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results