Hindi nasayang ang pagod sa pagre-review ni Naomi Grace Lancita dahil nag-Top 1 siya sa 2022 Agriculturist Licensure Examination.
Nakakuha si Naomi ng 86.83 percent average, at ka-tie sa unang puwesto si Rio Antion ng UP- Los Baños.
Nagtapos si Naomi bilang magna cum laude sa Visayas State University (VSU) noong 2018 sa kursong BSA Major in Plant Breeding & Genetics.
At dahil nagawa niyang maging Top 1, ginawaran siya ng PHP150,000 incentive ng kanyang alma mater.
Suwerte si Naomi dahil ang nakuha niyang cash incentive ay triple ang itinaas noong 2022 para sa VSU topnotchers.

Inaprubahan din ng VSU Board of Regents ang pagbibigay ng funding grant sa proposal ng department kung saan nagmula ang student na naging topnotcher.
Si Naomi ang pangatlong VSU alumnus na naging Top 1; una ay noong 2007 at sumunod ay noong 2021, ayon sa VSU website nitong January 14, 2023.
Tulad ng ibang topnotchers, hindi inasahan ni Naomi na makukuha niya ang pinakamataas na average.
Kuwento pa niya, nakaramdam pa nga siya ng pressure nang sumakay sa bus pauwi matapos ang board exam.
Narinig kasi niya ang kapwa board takers na nag-uusap sa bus at sinabing siguradong may topnotchers ang VSU sa board exam na iyon.
Nagdilang-anghel naman ang mga ito.
Kasalukuyang kumukuha si Naomi ng kanyang Master’s degree sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology at magtatapos siya ngayong taon.
Plano niyang humanap ng trabaho at saka itutuloy ang pagkuha ng doctoral studies.
NAOMI'S TIPS FOR REVIEWING FOR BOARD EXAMS
Sa kabilang banda, ibinahagi ni Naomi sa interview ng VSU ang ilang tips sa mga nagre-review para sa board.
1. Magkaroon ng sapat na oras para mag-review at maging masipag sa pagbabasa.
Isinisingit noon ni Naomi ang pagbabasa para sa review kasabay ng kanyang thesis.
“I actually enrolled in a review center in September as soon as I finished my coursework.
“I did my heavy studying for almost three months. I devoted most of my days to studying.
“ In between preparing for my proposal defense, I would find time to study in a day,” sabi ni Naomi.
Sundot niya, “You must know a little bit of everything.”
2. Alamin ang iyong kahinaan sa iba-ibang areas.
Ito ang paliwanag ni Naomi: “If you feel that your foundation in a certain subject is weak, there you must exert more effort. You must identify what topics you feel your understanding is a bit shaky.
And after acknowledging them, you must do something about it.”
3. Consistency sa lahat ng area
Ang agriculture board exam ay mayroong anim na sub-fields. Ani Naomi, para maipasa ang anim na ito, dapat ay aralin lahat ang anim na subjects.
“Bear in mind that what you learn from those six subjects will be useful to you as a future agriculturist.”
5. ANG PAGre-review ay hindi lang pagme-memorize
Payo ni Naomi, sa pagre-review, kailangang mag-aral mabuti pagdating sa problem-solving at hindi lamang pagme-memorize ang tutukan.
“When you are given a situational question and are asked to solve it, you should at least know how to find the solution to the problem,” sabi ng topnotcher.
