PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jaime Baquiran Jr. in Mining Engineering Exam

Malaking bagay na "prepared" siya sa exam na ilang ulit na-postpone.
by KC Cordero
Published Jan 28, 2023
Graduation photo of Jaime Baquiran Jr., and the list of Top 10
Naawa noon si Tatay Jaime sa anak na si Jaime Baquiran Jr. dahil kahit gusto na nitong mag-work ay hindi magawa dahil wala pang license. Tatlong beses kasing postponed ang board exam. “Noon pa siya prepared. Sabi niya sa akin, ‘Dad, I promise na makakapasa ako.’”

Naging emosyunal ang ama ni Jaime Cumigad Baquiran Jr. na si Tatay Jaime nang malaman niya last September 20, 2022 na isa ang kanyang anak sa Top 10 sa August 2022 and September 2022 Mining Engineering Licensure Examination.

Ang nakababatang Jaime ay Top 2, at may rating na 89.30 percent.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Mining Engineering sang University of the Philippines-Diliman noong July 25, 2020 bilang cum laude.

Graduation photo of Jaime Baquiran Jr

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento naman ni Tatay Jaime sa panayam ng Philippine Information Agency ng Region 2, tatlong beses naantala ang pagkuha ng kanyang anak ng board exam simula nang ito ay magtapos.

Kaya kahit gusto nang magtrabaho ay hindi nito magawa dahil kailangan munang magkaroon ng lisensiya.

Empleyado ng City Government of Tuguegarao si Tatay Jaime, habang empleyado naman ng isang pribadong kumpanya ang kanyang misis na si Nanay Carmen.

Aniya, “Noon pa siya [Jaime Jr.] prepared...

“Sabi niya sa akin, ‘Dad, I promise na makakapasa ako.’

“Pero I can see him na deep inside, nasa heart niya na gusto niyang mag-top, lalo nang malaman niya ang pinagdadaanan ko,” kuwento ni Tatay Jaime.

Hindi na niya binanggit kung ano man ang kanyang pinagdaraanan nang mga panahong iyon.

“As a father, parent, gagawin naman natin ang lahat para mag-camouflage para sa ating mga anak,” naiiyak niyang sambit sa naging tagumpay ng kanyang bunsong anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naibahagi rin niya noong August 24, 2022 sa Facebook ang kanyang saloobin sa tatlong beses na postponement ng board exam.

Ang kanyang post: “My son - JAIME JR. - who graduated from an NCR school and was due to take his board examinations in 2020 but was postponed several times because of the pandemic.

“Now, postponed again?

“It's understandable naman pero naaawa na ako sa dinadaanan ng anak ko and other examinees from NCR schools.

“Indeed, affected na career plans nila, not to mention the prolonged mental torture and the economic effects nito sa kanila.”

Nanawagan siya sa Professional Regulation Commission na huwag nang paabutin sa 2023 ang board exam.

Ang exam na dapat sana ay nangyari noong August 24, 25, at 26, 2022 ay na-postpone sa September 12, 13 and 14.

Nang lumabas ang resulta noong September 20, agad tumawag ang kanyang anak upang ibalita na topnotcher ito.

Ani Tatay Jaime, “Nagulat talaga ako nang sinabi niyang Top 2 siya.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi umano niya napigilan ang saya sa nalaman.

“Sumigaw ako nang sumigaw habang nasa trabaho ako. Nagpapasalamat talaga ako sa Panginoon.

Itinuturing na "Pride of Cagayan," ang nakababatang Jaime ay nagtapos ng high school sa Philippine Science High School Cagayan Valley Campus.

Photo of Jaime Baquiran Jr.

Nang magtapos naman sa kolehiyo, nag-post siya sa kanyang Facebook account ng labis na pasasalamat sa pamilya—lalung-lalo na sa kanyang parents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang post: “My academic career path was never a journey alone. I took you along with me all throughout this day.

“Now, we saw the magic of your collective contributions when melted with my hard work to endure, and courage to do things with humbling and purposive consciousness.

“I am glad you are on my team, and I will take you all guys to the stage!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naawa noon si Tatay Jaime sa anak na si Jaime Baquiran Jr. dahil kahit gusto na nitong mag-work ay hindi magawa dahil wala pang license. Tatlong beses kasing postponed ang board exam. “Noon pa siya prepared. Sabi niya sa akin, ‘Dad, I promise na makakapasa ako.’”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results