PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LeBron James Surpasses Kareem's 38,387 NBA Points Record

Ticket price sa mga laro ng Lakers, biglang tumaas
by KC Cordero
Published Feb 3, 2023
Split photo of Lebron James and Kareem Abdul-Jabbar
Nakaabang na ang NBA fans sa pagsira ni LeBron James (left) sa NBA's all-time scoring record na 38,387 points ni Kareem Abdul-Jabbar.

Sabik na ang fans ng National Basketball Association (NBA) sa U.S. na masaksihan ang paglampas ni LeBron James sa scoring record ni Kareem Abdul-Jabbar.

Sa laro ngayong February 3, 2023 (Manila time) laban sa Indiana Pacers, umiskor si LeBron ng 26 points.

Kailangan na lang niya ng 63 points para malampasan ang NBA's all-time regular-season scoring record na 38,387 points ni Abdul-Jabbar.

Naitala ni Abdul-Jabbar ang record noong April 1984, walong buwan bago isinilang si LeBron.

Si Abdul-Jabbar, 75, ay dating NBA basketball player na naglaro for 20 seasons. Siya rin ay six-time Most Valuable Player.

Split photo of Lebron James and Kareem Abdul-Jabbar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa sports analysts, posibleng malampasan na ng Los Angeles Lakers superstar ang record ni Abdul-Jabbar sa magiging laban kontra Milwaukee Bucks sa February 8 (Manila time) na gaganapin sa Crypto.com Arena.

Read also: Michael Jordan mas yumaman nang magretiro sa NBA

Sakaling hindi pa rin, posible namang mangyari ito sa laro laban sa Golden State Warriors sa February 10 (Manila time) na gaganapin sa San Francisco.

"RIDICULOUS" TICKET PRICES FOR LAKERS GAMES

Kaugnay nito, tumaas ang presyo ng tickets para sa mga laro ng Los Angeles Lakers, ang team ni LeBron, sa susunod na linggo.

Ayon sa NBA sportswriters, ang ticket prices ay “ridiculous.”

Sa nakuhang data mula sa Vivid Seats, ang tiket sa laban ng Lakers kontra Thunders sa February 6 (Manila time) ay nasa US$326 (PHP17,497.56) ang pinakamababa.

Ang average price naman ay na US$1,152 (PHP61,831.87).

Mula sa season opener, ang mga ticket price na ito ay nagkaroon ng 390 percent increase.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read also: Shaquille O'Neal sinibak dati bilang service crew: “I got caught stealing fries”

Sa laro laban sa Bucks, ang lowest ticket price ay US$357 (PHP19,161.44).

Ang average price ay US$1,302 (PHP69,882.90).

Nagkaroon ang mga ticket price na ito ng 175 percent increase mula sa season opener.

Ang average ticket price para sa laro laban sa Warriors ay mahigit US$850 (PHP45,622.48)—na mababa—bagaman at tiyak na tataas ito kung hindi pa rin makuha ni LeBron ang record laban sa Bucks.

May mga talakayan din kung anong klase ng shot ang gagawin ni LeBron para ma-break ang record: two-pointer, three-pointer, o free throw.

Para umano sa “theatrics,” maganda sana kung magagawa niya ito sa pamamagitan ng dunk.

Hindi pa ipinapanganak si LeBron nang maitala ni Abdul-Jabbar ang 38,387 points sa 21 seasons (1975-1989) nito sa NBA.

Lebron James inside the court

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa kanyang 20th season naman si LeBron.

Nalampasan na rin niya sina Mark Jackson at Steve Nash sa ika-apat na puwesto sa NBA’s all-time assists list.

Thirty-eight years old na si LeBron ngayon, at marami ang namamangha, maging mga kapwa NBA players, sa kanyang longevity na sa kabila ng haba ng panahon ng paglalaro niya ng basketball ay hindi nagbabago ang kanyang husay, bilis, at lakas.

Hindi naman close sina LeBron at Abdul-Jabbar.

Binatikos ng huli ang una nang maraming beses sa harap ng publiko dahil sa COVID-19 pandemic.

Read also: Pinoy food truck sa U.S. na-vandalize; NBA star Jordan Clarkson nag-abot ng tulong

Sinuportahan kasi ni LeBron ang NBA players na tumangging magpabakuna.

Ayon kay Abdul-Jabbar, mali si LeBron, “plain wrong — and his being wrong could be deadly, especially to the Black community.”

Nilait din niya si LeBron nang mag-share ito ng Spiderman meme na inihahalintulad ang COVID-19 sa ordinaryong sipon at trangkaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Interestingly, parehong nagsuot ng Lakers uniform sina Abdul-Jabbar at LeBron.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakaabang na ang NBA fans sa pagsira ni LeBron James (left) sa NBA's all-time scoring record na 38,387 points ni Kareem Abdul-Jabbar.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results