PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yvonne Olayvar: Top 7 Geology Tips

Irregular student na naging topnotcher!
by KC Cordero
Published Feb 17, 2023
Graduation photo of Yvonne Olayvar, and the list of Top 8
Ayaw pa raw mag-retire ng nanay ni Yvonne Olayvar dahil gusto muna nitong maging lisensyado ang anak. Pero hindi lang basta lisensyado si Yvonne kundi topnotcher pa.

Sa isang pamilya, mayroong pressure sa panganay na maka-graduate agad para makatulong sa nakababatang kapatid.

Ito ang nasa mindset ni Yvonne Olayvar, ang eldest sa tatlong magkakapatid.

Si Yvonne ay 23 years old, at tubong Butuan City, Agusan del Norte.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Geology sa University of Southeastern Philippines-Davao City (USeP) noong July 1, 2022.

Nakakuwentuhan si Yvonne ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last February 14, 2023 via Facebook Messenger.

Photo of Yvonne Olayvar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi niya, “Geology was not my first choice. I just went along with my barkada kung ano gusto nilang kunin, pero ang ending, ako lang ang nag-enroll!”

Ang gusto sana ng parents niya ay kumuha siya ng medical-related na courses o magpulis.

“Kasi yun ang usually na kinukuha ng mga anak ng mga kakilala nila.

“Ayaw ko sa dugo—at iyan po ang reason na hindi po nila ako napilit sa gusto nila.”

READ ALSO: Ang journey ni Javeriel Tillada, civil service & electronics technician licensure exams passer

NAGING IRREGULAR STUDENT

Pag-amin ni Yvonne, naging irregular student siya.

“Kasi nabagsak sa first year.”

Muntik na rin siyang mag-shift ng course.

“Kasi muntik na namang mabagsak sa second year. Buti na lang may removals, tapos ako pa yung may pinakamababang score sa removals.”

Pero nakaya niyang mag-overload sa kanyang fourth year kaya naka-graduate pa rin on time, kasabay ng kanyang batchmates.

Graduation photo of Yvonne Olayvar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakahiya nga lang na may PE subject pa sa last semester ko sa college.”

Ayon kay Yvonne, hindi siya masyadong seryoso sa pag-aaral during college.

“May mga gala or nightouts pa rin with barkada, pero sinisigurado ko rin na okey pa ang performance ko sa school.

“Hindi rin flat one ang mga grades ko, not a dean’s lister, kontento na ako sa dos at tres. Basta pasa lang ang grades, okey na ako.”

READ ALSO: Aeta teacher na 25 beses bagsak sa board exam, pasado na, may master’s degree at PhD pa

MAGASTOS ANG NAGING REVIEW

Nang kukuha na si Yvonne ng board exam, may pakiramdam siyang kinulang siya ng panahon sa pagre-review.

“Muntik na nga akong mag-decide na hindi muna mag-take kasi konti lang yung months para mag-prepare.”

Bukod doon, “Medyo natakot din kami sa feedback sa previous board exam kasi ang baba talaga ng passing rate.”

Ang ilan pa sa mga naging hassles sa kanyang pagre-review, “Online lang mostly ang review lectures kaya medyo mahirap maging ganado or motivated all the time.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sa Manila lang din ang venue ng boards namin kaya medyo magastos talaga sa mga taga-Mindanao and Visayas na takers.”

READ ALSO: New teacher loses mom the day before oathtaking: 'Nauna pang isabit ang tarpaulin mo sa funeral'

NAHIRAPAN, INAKALANG BAGSAK SA BOARD EXAM

Gayunpaman, itinuloy pa rin ni Yvonne ang pagkuha ng exam.

At dahil tatlong araw ang exam, “Nagrenta kami ng condo sa Sampaloc [Manila] kasi akala namin sa loob ng U-Belt lang ang venue katulad sa previous boards.

“Pero days before the exam, nag-announce na sa Parañaque City pala ang venue, so, we had to be extra early para maiwasan ang Manila traffic.”

Computer-based na rin ang kanilang naging exam.

“Multiple choice pa rin pero nasa laptop na po kami, so medyo draining sa mata.

“We were given the whole day, 8:00 a.m. to 4:00 p.m. answer the exam naman. Nasa iyo na lang kung kaya mo na morning lang tapusin, or kung uubusin mo talaga yung whole day.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi naman ni Yvonne ang kanyang naging diskarte.

Aniya, “Natutulog po ako every 5-10 items para makapahinga ang mata at ulo. Half-day lang din ako nagte-take, mga 12:00 p.m. to 1:00 p.m., submit na po ako.

“Baka kasi mapalitan ko ng mga mali yung mga tamang answers na dahil sa kaka-overthink ko.”

Matapat pa niyang sambit, “Akala ko po ay hindi ako makakapasa!

“Binibilang ko po kasi ang mga sure answers ko from day 1-3. Sa day 3, instead na mag-solve sa problem ng last items, ang sure answers ko po ang sino-solve ko.”

At sa pagtataya niya, “Napaiyak na lang po ako kasi bagsak talaga ang na-compute kong score based sa sure answers ko.”

READ ALSO: Lanvin De Los Santos told "sayang" after losing La Salle scholarship; bags top 1 in board exam

Mayroon pang nakadagdag sa kaba niya.

“May mga narinig po akong mga nag-walkout or yung hindi na pumasok sa day 2 or 3. Tapos nakita ko rin po yung ibang takers na nag-breakdown na po sa kanilang mga cubicle.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya paglabas ng testing venue ay tinawagan agad niya ang kanyang ina.

“Umiyak po ako at sinabihan ko si Mama na sorry kasi parang hindi aabot sa passing yung na-compute kong score.

“Napaiyak at napatawa na lang ako sa reply niya, kasi sabi niya second take naman daw siya na board exam, so, okey lang.”

WHY AIM FOR BEING TOPNOTCHER?

Pagbabahagi pa ni Yvonne, hindi siya nag-expect na magiging topnotcher.

“Pero may mindset kasi kami ng reviewmates [at] roommates ko po na aim na mag-topnotcher para ang resulta, pasado lang.

“Bale bababa ka lang na passer instead na mag-top. Imbes naman na ang aim mo lang ay passer, tapos ang resulta ay bagsak.”

Inilabas din ang resulta ng board exam nina Yvonne gabi ng day 3.

Alas sais ng hapon ay nag-inuman na sila habang naghihintay ng resulta. Fourteen sila sa condo unit na pawang kumuha ng board.

“Kasi nga ang sabi po ng Board of Examiners na sa gabi lang ng day 3 ire-release ang results. Mabilis lang kasi computer-based ang exam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bandang alas nuwebe ng gabi, sumigaw ang isa niyang kaklase na may results na.

“Siya kasi yung every minute ay nire-refresh yung PRC na website kahit lasing na.”

Kanya-kanya silang open ng kanilang cellphone.

“Nakakatawa lang po kasi instead na ang masterlist or yung full list of passers na PDF, ang topnotchers link ang na-open ko.

“Lilipat na sana ako sa masterlist na link nung nakita ko yung pangalan ko.”

Art card congratulating Yvonne Olayvar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Top 7 si Yvonne sa November 2022 Geologist Licensure Examination, at may rating na 80.10 percent.

“Nanginginig na din po kasi ako nun sa kaba, tapos medyo lasing na rin po, ha-ha!”

Inakala ni Yvonne na namamalikmata lang siya na nakita niya ang pangalan sa list of topnotchers.

“Ipinabasa ko pa nga sa katabi ko kasi nanginginig na talaga ang mga kamay ko. Sobrang ingay namin dahil nag-iyakan at nagsitalunan na sa saya ang ibang kasama ko sa unit na pasado.”

READ ALSO: Lindy Zalan Aviles, Top 1 in board exam; believes in determination not superstition

“AYAN NA, MAMA, PWEDE KA NA PONG MAG-RETIRE!”

Inialay ni Yvonne ang tagumpay sa mga magulang at mga kapatid.

“Sa mama ko na pwede na sanang mag-retire pero sabi niya, hihintayin niya lang daw ako na magka-lisensya.

“Ayan na, Mama, pwede ka na pong mag-retire, ha-ha!”

Bahagi rin ng success niya ang mga reviewmates at roommates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasama at kasabay ko po sila sa iisang kuwarto for four months na nagre-review. Sila kasi yung nagbibigay ng pressure sa akin na mag-review. May mga discussion and Q&A sessions din po kami, tapos nag-e-exchange kami ng mga notes.”

Pinasalamatan naman niya ang Society of USeP Geologists (SUG) board review, mga instructors niya sa USeP, especially sa hardworking na geology program head nila.

Kasama sa pinag-alayan niya ang kanyang boyfriend.

“Same course din kasi kami, pero senior ko siya. Sabay din kasi kaming nag-take ng board exam. Sa awa ng Dios, sabay din po kaming nagka-lisensya.”

Ayon kay Yvonne ay malawak ang scope of careers sa kurso niyang geology.

Yvonne Olayvar at work

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Medyo lost pa po ako sa two months after sa boards. I can't decide kung anong field ang papasukan po.

“Pero for now, I've decided to try and start my first job sa isang Engineering Geology Consultancy.”

Payo niya sa mga kabataang gusto ring maging geologist, “May math ang geology, huwag kayong maniwala sa sabi ng iba na mag-geology para iwas math, iwas sakit sa ulo.

“Sa mga kagaya kong ayaw sa math pero gusto ang geology, laban lang, iyak... then laban ulit!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayaw pa raw mag-retire ng nanay ni Yvonne Olayvar dahil gusto muna nitong maging lisensyado ang anak. Pero hindi lang basta lisensyado si Yvonne kundi topnotcher pa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results