Solong anak si Consuelo Faller Caldosa, mas kilala bilang Cons, 26, at tubong Alangalang sa probinsiya ng Leyte.
Kuwento niya nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last February 14, 2023 via Facebook Messenger, “Ang tatay ko po ay driver sa simbahan at ang nanay ko naman po ay nagtitinda ng puto at cakes na sarili niyang gawa.
“Ito ang main source of income ng aming pamilya, mula nung bata pa po ako.”

Nagtapos si Cons ng Bachelor of Science in Nursing sa University of the Philippines Manila-School of Health Sciences last January 28, 2022.
Top 9 naman siya sa May 2022 Nurse Licensure Examination.
May rating siya na 87.60 percent.
Read also: Yvonne Olayvar, Top 7 sa Geology board exam: “Mama...pwede ka na pong mag-retire!”
DREAM TALAGANG MAGING NURSE
Pagbabahagi ni Cons, “Elementary pa lamang ako, pangarap ko na talaga ang maging nurse.
“Noong nag-high school ako, nagkaroon ako ng ibang gustong course—ang psychology, sa UP Tacloban, Visayas Campus.
“Pero mas pinili ko ang nursing sa UPMSHS dahil full scholar ako dito.”
Tulad ng ibang college students, may mga pinagdaanan din si Cons.
“Nagkaroon kami ng maraming extension sa college, dahil sa pandemic at super typhoon Yolanda.
“Ladderized curriculum po kami, kaya lahat po ng nakakapag-aral ng nursing ay nakapagtapos na ng Diploma in Midwifery.
“Noong panahon ng midwifery, matagal nagbukas ang eskuwelahan namin dulot ng pinsala ng bagyo.”
At kung paano niya na-survive ang challenges ng buhay-college, “Inire-remind ko lamang ang aking sarili kung bakit nga ba ako nagsimulang mangarap.
“Iniisip ko rin ang mga tao na nagsilbing inspirasyon ko kung bakit ko pinili ang course na ito.”
Read also: Ang journey ni Javeriel Tillada, civil service & electronics technician licensure exams passer
WALA SA HINAGAP NA MAGIGING TOPNOTCHER
Sa awa ng Diyos, wala namang masyadong naging problema si Cons sa pagkuha ng board exam.
Aminado naman siya may mga part ng exam na nahirapan siya.
“Hindi ko inaasahang ganoon ka-specific at technical ang mga tanong.
“But I have learned to remain calm and think that the right answer is just there at the options. I just need to rationalize my answer.”
Aniya, hindi siya umasang magiging topnotcher.
“Napakalaking blessing na po ang makapasa sa board exam.
“In fact, weeks after the board exam, I was having doubts if I’m gonna pass because there are many difficult questions in the examination.
“So, it never slipped my mind that I will be part of the list of topnotchers.”

June 11, 2022 bandang alas onse ng gabi nang malaman ni Cons ang resulta.
“I was a bit tired because I waited for the result on the PRC [Professional Regulation Commission] site the whole day, and was about to go sleep when someone messaged me saying: ‘Ate, nakakaproud kamo ni Kuya Gudo. Congratulations!!!’”
Ang ibig sabihin ng nag-message sa kanya: “Ate, nakaka-proud kayo ni Kuya Gudo.”
Si Kuya Gudo ay classmate ni Cons, na Top 10 sa board exam.
Hindi siya makapaniwala sa nabasang message.
“I immediately opened Google and found myself staring at the list of the May 2022 NLE topnotchers, and poof, I was one of them.
“I cried really hard... All my worries and doubts finally went away.”
Read also: Casey Angelique Ty, Top 9: “Goodbye, baon... see you, suweldo.”
“PARANG SI NANAY NA PO ANG TOPNOTCHER”
Para kay Cons ay lagi’t lagi siyang magpapasalamat sa Almighty God.
“It was Him who gave me courage and wisdom to answer calmly during the board exam.”
Para kanino niya inialay ang tagumpay?
“This huge blessing is for my loved ones, mainly to my mother—who sacrificed so much just for me to have everything that I needed.
“She was always there, in all my ups and downs. Parang siya na po ang topnotcher, kasi di ko po magagawa iyon kung wala siya.”

Nagtrabaho si Cons sa Department of Health, pero natapos na ang kanyang kontrata.
“Now, I am about to proceed to study medicine at the same school.”
Ang payo niya sa mga kabataan na gusto ring maging nurse, “Nursing is a noble job. It is centered in caring for the patient.
“Isa sa mga natutunan ko ay masaya ang pagiging nurse, lalung-lalo na sa mga taong malalayo sa urban setting.
“Kaya kung balak ninyong kumuha ng kursong ito, at sa darating na panahon ay maging isang ganap na nurse, nawa'y matagpuan ninyo ang kasiyahan sa paglilingkod sa sariling bayan.”
