PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ma. 3’shxia topnotcherDisallowing crimina exam

“May number ang name ko, hindi tinanggap sa online appointment o registration.”
by KC Cordero
Published Mar 22, 2023
Photo of Ma. 3’shxia Domingo
Bukod sa nahirapan sa December 2022 Criminologist Licensure Examination, naging problema rin ni Trixia ang spelling ng kanyang pangalan. “Nung board exam, need na mag-register muna online para makapag-appointment. E, yung online, ayaw tanggapin yung ‘3shxia’ at ‘shxia’ lang ang nae-encode.”

Cute at kakaiba ang pangalan ni Ma. 3’shxia V. Domingo, na mas kilala bilang Trixia, ng Lipa City, Batangas.

Pero alam ba ninyo na isa ito sa mga naging struggles niya nang kukuha na siya ng board exam?

Nagtapos ang 23 anyos na dalaga ng Bachelor of Science in Criminology sa Lipa City Colleges noong May 28, 2022 bilang cum laude.

Photo of Ma. 3’shxia Domingo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang din ang consistent scholar sa regional topnotcher sa December 2022 Criminologist Licensure Examination.

Top 5 siya sa Region IV-A, at Top 15 sa Region IV.

Nakakuwentuhan si Trixia ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last March 18, 2023 via Facebook Messenger, at naibahagi niya ang kanyang naging journey.

Read also: Roderick Cajefe, nagpagawa na ng "congrats" tarpaulin bago naging topnotcher

LIKE FATHER, LIKE DAUGHTER

Isang police officer ang kanyang ama,at forensic science sana ang gustong kuning course noon ni Trixia.

Aniya, “Yun yung part sa trabaho ni Papa na talagang interesado ako.”

Dahil walang school sa lugar niya na nag-o-offer ng course na gusto niya, “Ang ginawa ko po, nag-take ako ng exam at scholarship sa iba’t ibang schools–medtech, legal management, human resource management, at criminology.”

Naka-set na si Trixia na mag-enroll sa human resource management nang malaman niyang nakapasa siya sa scholarship ng LCC.

“Nagdalawang-isip pa po ako at nag-soul searching bago ko tuluyang i-pursue ang criminology.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinayuhan din siya ng ama na criminology ang kunin.

“Si Papa ang nag-inspire at nag-push talaga sa akin. Nalaman ko na interesting po yung subjects at marami ring similarities sa forensic science.”

Natuwa ang kanyang ama nang tuluyang mag-enroll siya.

“Kasi finally daw may susunod na sa line of work niya.”

Read also: Mary Grace dela Cruz, “nabudol” para kumuha ng architecture, lisensiyado na ngayon

Photo of Ma. 3’shxia Domingo in criminology uniform

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

COLLEGE JOURNEY

Nagkaroon naman ng malaking adjustment sa buhay ni Trixia nang magtrabaho sa ibang bansa ang kanyang ina.

“Kasi magka-college na rin po yung bunso namin. Eighteen na ako noon pero, yun lang yung time na mapapalayo si Mama.”

Siya na ang naggabay sa kanyang bunsong kapatid at nangasiwa sa kanilang tahanan dahil busy rin sa work ang kanyang ama.

Bukod doon, “Sobrang nanibago din po ako sa college dahil aside sa academics, kailangan ko ding maging physically fit.”

Bahagi iyon ng kanilang training sa criminology.

“Hindi pa po ako fully nakaka-adjust, a year later, sabay pumanaw yung dalawa kong lola. Wala na talagang natirang mother figure sa akin.”

Read also: Kyle Moseños, nasabihang “pogi lang iyan, pero hindi ga-graduate iyan,” twice naging board topnotcher

Ang naging coping mechanism ni Trixia ay mag-aral nang mag-aral, sumama sa mga outreach programs, at mag-attend ng seminars and trainings.

“Naisip ko din yung kapatid ko. Habang busy ako, hindi ko na nabigyang pansin na pareho siguro kami ng pinagdadaanan kaya mas inasikaso ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahil malayo si Mama at busy si Papa, kaming magkapatid ang naging magkakampi at magkatulong sa lahat ng bagay.

“Mas naging close kami at tinulungan ang isa’t isang maka-survive sa academics man o sa personal life.”

NAGKAPROBLEMA SA PANGALAN

Isa naman sa naging challenges ni Trixia sa sa pagkuha ng board exam ay kung paano magpa-file ng application.

Nagdulot daw ng stress ang spelling ng kanyang pangalan.

“May number po kasi yung pangalan ko kaya hindi tinatanggap sa online appointment or registration.

“Nung board exam, need na mag-register muna online para makapag-appointment.

“E, yung online, ayaw po tanggapin yung ‘3shxia’ at ‘shxia’ lang ang nae-encode.”

PRC result containing the name of Photo of Ma. 3’shxia Domingo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi niya ang kuwento sa likod ng kakaiba niyang pangalan.

“Ang nagpangalan po sa akin ay ang papa ko.

“Bago siya nagpulis, civil engineering ang course niya kaya related sa number.

“Gusto raw niya na unique yung pangalan ko kaya nilagyan niya ng number.”

At para lang makapagparehistro siya sa exam, kinailangan niyang magpatulong sa mga taga-Professional Regulation Commission.

“Sila na po yung nagpalit dahil sila lang yung makaka-encode.”

Samantala, sa pagre-review, “maraming pag-aalinlangan at pagdududa ang tumatakbo sa isip ko."

Dugtong ng dalaga, “Every time na magkakaroon kami ng assessment, may mga bagay na hindi ko alam kahit nagbasa na ako nang nagbasa.”

Kaya sa sobrang pagod na ng utak niya, “Ang dinasal ko na lang kay Lord, sana kahit hindi ko nabasa yung lumabas sa exam ay may maintindihan ako.”

Read also: Top 2 sa board exam, Eat Bulaga! scholar na dating nakatira sa ilalim ng tulay

Aminado rin siyang nahirapan sa mismong exam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mahirap po talaga. May mga lumabas na hindi ko talaga naaral o nabasa man lang.”

First batch kasi sila ng new curriculum under Republic Aact 11131.

“Kaya nangangapa po kami kung ano yung magiging laman, at kung ano yung mangyayari.”

Para hindi ma-pressure, pinayuhan sila ng proctor na huwag nang magtanungan kada matatapos ang isang day ng exam.

“Kaya uuwi kami sa hotel at magtatawanan na lang po kami sa nangyari.”

MAY PRESSURE NA MAGING TOPNOTCHER

Pressured si Trixia na maging topnotcher dahil maraming nag-e-xpect lalo pa't nagtapos siyang cum laude.

Pero handa naman umano siya dahil ang payo sa kanilang review center, “Ang gawin naming goal ay not just to pass but to top the board exam.

“Kasi kapag ang naging goal lang ay to pass, kapag nag-fail kang abutin iyon, bagsak ka sa board.

“Pero kapag ang goal mo ay to top the board exam, kahit mag-fail ka na mag-top, may possibility pa rin na pumasa ka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang lumabas ang resulta, isang kaibigan ang nag-congratulate sa kanya na kasama siya sa regional topnotchers

“Ako naman po ay walang alam, akala ko ay joke lang.”

Kaya nang matiyak niyang totoo, “Nagtatalon po ako sa tuwa!

“Sobrang saya ko po na sinabi ko agad kina Mama at Papa, na tumatalon din sa tuwa.

“Alam kong ang nasa isip nila ay worth it ang paghihirap nila at proud na proud sila sa akin.”

Read also: Loi Canino: Nag-shift, ligwak sa scholarship, Top 9 sa board exam at may PHP300K cash gift

Inialay ni Trixia ang tagumpay sa kanyang parents at kapatid.

“Malaki po ang naging hirap at sakripisyo nila para mapagtapos kaming magkapatid at hinding-hindi nawawala ang suporta nila sa akin simula noon hanggang ngayon, kaya para po ito sa kanila.

“Ang kapatid ko, dinamayan ako at laging tagapakinig ng problema ko.”

Pinasalamatan din niya ang mga kaibigan at mga kasama sa review na naging support system niya, mga propesor at lecturers na gumabay sa kanyang board exam journey at nagtayo ng pundasyon ng kaalaman—especially sa kanyang Sir Muria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Higit sa lahat, hindi ito magiging possible kung hindi ako ginabayan ni Lord.”

Last March 7 ay nanumpa na si Trixia bilang registered criminologist.

Photo of Ma. 3’shxia Domingo during oathtaking

“Stepping stone ito kung gusto kong maging pulis, bumbero, jail officer or iba pa kasi maraming career opportunities sa isang registered criminologist.”

Payo niya sa mga gustong sumunod sa kanyang mga yapak, “Hindi madali ang BS Criminology.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami kang kailangang i-memorize na articles at circumstances sa law. Maduduling ka sa kabibilang ng ridges sa fingerprint.

“Marami kang babasahin para mag-digest ng kaso at sasakit ang katawan mo sa exercise—pero it’s going to be worth it dahil sabi nga nila, nothing worth having comes easy.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa nahirapan sa December 2022 Criminologist Licensure Examination, naging problema rin ni Trixia ang spelling ng kanyang pangalan. “Nung board exam, need na mag-register muna online para makapag-appointment. E, yung online, ayaw tanggapin yung ‘3shxia’ at ‘shxia’ lang ang nae-encode.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results