PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Jhon Rey Tayam: swimming prodigy ng Apayao

Naka-six medals!
by KC Cordero
Published Mar 24, 2023
Jhon Rey Tayam during the competition
Sa mga sapa at ilog lumalangoy, kahit walang formal training sa swimming, humakot si Jhon Rey Tayam ng tatlong gold at tatlong silver medals sa ginanap na Provincial Sports Selection Meet. (Photos courtesy of PIO Apayao, JC Marquez)

Ipinagmamalaki ngayon ng Apayao si Jhon Rey Tayam, ang 13-year-old swimming sensation mula sa Marag, Luna.

Gumawa ng pangalan si Jhon matapos makasungkit ng tatlong gold at tatlong silver medals sa ginanap na Provincial Sports Selection Meet from March 18 until 19, 2023.

Estudyante siya ng Marag Elementary School.

Jhon Rey Tayam at the center

Kahit ito ang unang salang niya sa kumpetisyon, naging crowd favorite agad siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Todo ang sigawan ng mga manonood tuwing may laro si Jhon.

Kinakitaan din siya ng disiplina kahit wala siyang formal training sa paglalangoy, at limitado lang ang naging oras sa pag-eensayo.

Pagbabahagi ng kanyang coach na si Randy Agpuldo sa PIO Apayao, hindi lang ang pisikal na lakas ni Jhon ang lamang niya sa mga nakatunggali.

Read also: Claire Lumbes, inakalang bagsak sa board exam; 'napaluhod sa saya' dahil Top 9 pala siya

Ayon sa kanyang coach, "He is a student of the sport. I can always see his eagerness to learn and improve during our practice sessions.

“His level of maturity, sportsmanship, and decision-making, aside from his talent and skills, are also unmatched."

Jhon Rey Tayam swimming

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento naman ni Jhon, “Dapat ammon iti aglangoy.”

Roughly translated, ang ibig niyang sabihin ay importanteng bahagi ng kanyang pang-araw-araw na buhay sa Marag Valley ang paglangoy.

Naglalaan siya ng mahabang oras sa paglalangoy sa mga kalapit na ilog at sapa.

Dito niya nahasa ang kanyang magandang pundasyon sa swimming.

Read also: Ma. 3’shxia Domingo, regional topnotcher, naaberya sa criminology board exam dahil sa name

Inialay niya ang tagumpay sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga guro, at coach dahil sa patuloy na suporta ng mga ito sa kanyang journey.

Bukod naman sa swimming, active din siya sa kanilang school.

Member si Jhon ng Supreme Pupil Government (SPG), at lider ng iba’t ibang academic organizations.

Isa rin siyang proud member ng Aeta community.

Muling masusubukan ang galing ni Jhon sa pagsalang niya sa Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) na gaganapin ngayong April 29 to May 1, 2023.

Dahil naman sa paghanga sa husay ni Jhon, sinabi ni Meynard Domingo, isang farm supervisor at residente ng Apayao, na mag-i-sponsor ito para sa swimming cap, goggles, at swimming trunks ng binatilyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa mga sapa at ilog lumalangoy, kahit walang formal training sa swimming, humakot si Jhon Rey Tayam ng tatlong gold at tatlong silver medals sa ginanap na Provincial Sports Selection Meet. (Photos courtesy of PIO Apayao, JC Marquez)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results