PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alli Claravall's Inspiring Vet Exam Journey

“Animal welfare talaga ang passion ko.”
by KC Cordero
Published Mar 28, 2023
Photos of Alli Claravall
Aminado si Alli Claravall na nakakuha ng markang "singko" at halos pumasa lang siya sa unang course na statistics. “Noong mga panahon na yun, napapag-isip-isip ko nang lumipat sa kurso na may kinalaman sa animal welfare. Dahil yun yung passion ko. It was something I could see myself doing in the future for so many years.”

Mahilig sa pets si Maria Adrianna Isabella Claravall, mas kilala bilang Alli, ng Antipolo City, Rizal.

Pagbabahagi niya nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last March 13, 2023 via Facebook Messenger, “Ang aking tatay ay mahilig din sa aso at pusa.

“As I was growing up, marami kaming mga alagang aso, at pusa na talaga namang hands-on si Dad sa pag-aalaga.”

Art card for Alli Claravall

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtapos si Alli ng Doctor of Veterinary Medicine sa University of the Philippines-Los Baños Laguna noong August 6, 2022 bilang cum laude at class valedictorian.

Top 1 naman siya sa March 2023 Veterinarian Licensure Examination, at may rating na 83.58 percent.

Read also: Jezriel James Jacob, pinagsabay ang pag-aaral at pag-aalaga sa ama, summa cum laude at Top 5 sa board exam

May BAGSAK SA UNANG COURSE NA KINUHA

Kahit pet lover, hindi veterinary medicine ang unang kinuhang course ni Alli.

Aniya, “Wala akong kapamilya o kaibigan na beterinaryo, kaya wala akong masyadong exposure or idea sa profession.

“Dumiretso ako sa BS Statistics sa UP Diliman pagka-graduate ng high school noong 2015.”

Ang pagkuha raw ni Alli ng Statistics ay desisyon mula sa impluwensiya ng mga kamag-anak niya at guro.

“Akala ko rin ay maa-appreciate ko yun just as I did in high school, pero hindi pala.”

Malungkot niyang kuwento, “Halos ipasa ko lang po yung mga subjects ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“On my first year, second semester, nagkaroon ako ng 5.00 o bagsak na grade sa isang subject.”

Sobra umano siyang na-burnout, “Nawalan talaga ako ng passion sa ginagawa ko.

“Noong mga panahon na yun, napapag-isip-isip ko nang lumipat sa kurso na may kinalaman sa mga hayop, something related to animal welfare.”

Na-realize niya na gusto niyang maging mapagkalinga sa animals.

“Dahil yun yung passion ko. It was something I could see myself doing in the future for so many years.”

Alli Claravall nursing a puppy

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong una ay ayaw daw payagan si Alli ng kanyang parents, at isa sa mga rason ay solong anak kasi siya.

“Eventually, pumayag naman sila.

“Nung nagsimula na ako sa pre-vet and vet subjects ko, it felt right. Panatag yung loob ko.

“Na-realize ko na nasa tama akong landas, at alam ko nung time na yun na kahit gaano kahirap ay gagawin kong lahat para makatapos."

Read also: Claire Lumbes, inakalang bagsak sa board exam; 'napaluhod sa saya' dahil Top 9 pala siya

MAGASTOS ANG VETERINARY MEDICINE

Pero kahit gusto niya ang course, hindi naging madali ang kanyang college journey.

“Una sa lahat, mahirap ang veterinary medicine. Hindi biro ang mga subjects, sunud-sunod and mga exam, puyat kami palagi.

“Malaking bagay ang support system.”

Alli Claravall with a goat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakipagkaibigan siya sa mas senior na veterinary medicine students, at sumali sa isang academic organization.

Nahirapan din siyang mag-adjust dahil ito ang first time niyang mapalayo sa parents.

“Nasanay kasi ako na ang aking nanay ang nag-aalaga sa akin, kaya kinailangan kong matutong maging responsable at tumayo sa sarili kong mga paa.”

Magastos din ang kanyang course, at dito siya nabigatan. Nagmula kasi siya sa pamilyang payak ang pamumuhay.

“Dagdag pa ang mga bayarin sa dorm, pagkain, at marami pang iba.

“Pareho na ring senior citizens ang aking parents. Hindi kami mayaman.

"Itinataguyod lang kami ng aking ama sa maliit na negosyo. Sa dami ng gastusin sa kolehiyo, madalas na hindi sapat ang aking allowance.”

Read also: Ma. 3’shxia Domingo, regional topnotcher, naaberya sa criminology board exam dahil sa name

Dahil ayaw niyang maging pabigat sa parents, nag-apply siya sa National Grid Corporation of the Philippines scholarship, at nakapasa.

Naging scholar siya mula 2018 hanggang 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang din siya sa nahirapang mag-adjust sa remote learning noong pandemya. Eksaktong natapos pa noong 2021 ang kanyang scholarship grant kung kailan huling taon na niya sa kolehiyo.

“Naapektuhan din ang maliit na negosyo ng aking ama, kaya talagang hirap kami noon. Alam kong kailangan nang makahanap ng panibagong scholarship.”

Pagpasok ng 2022, napagkalooban siya ng kauna-unahang Adopt-a-Student-Program-Dr. Teodulo M. Topacio Jr. Scholarship.

Si Dr. Teodulo M. Topacio Jr., isang national scientist at authoritative figure sa veterinary medicine

Aniya, “Dahil sa pamilya Topacio ay naka-graduate ako. Isa ito sa mga patunay na ang Diyos talaga, hinding-hindi ka pababayaan.”

Read also: Roderick Cajefe, nagpagawa na ng "congrats" tarpaulin bago naging topnotcher

HALOS SUMUKO, SUMUKA SA BOARD EXAM

Kung mahirap ang college journey ni Alli, mas mahirap ang kanyang board-exam journey.

“Pakiramdam ko kasi, mas malaki ang nakataya. Kaya mula December 2022 hanggang February 2023 ay halos nakakulong lang ako sa kuwarto ko, nag-aaral.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit naiinggit sa iba, isinakripisyo niya ang mga Christmas party para makapag-review.

“Ang nasa isip ko noon ay kailangan kong mag-focus at magsakripisyo dahil mahirap mawala sa momentum ng pag-aaral kung ako ay madi-distract.”

Sobra rin siyang nahirapan sa mismong board exam.

“Walong subjects po kasi kami over three days. May subject na kinaya naman, pero meron ring subjects na akala ko ibabagsak ko talaga.

“Isa ako sa laging huling magpasa ng papel. Napi-pressure nga ako kasi pakiramdam ko, naiinip na yung proctors sa akin.”

Paliwanag ni Alli, sa kanilang board exam ay weighted average ang kinukuhang grade.

“At siyempre, bawal ang may bagsak na grade sa kahit isang subject.”

Read also: Mary Grace dela Cruz, “nabudol” para kumuha ng architecture, lisensiyado na ngayon

Umabot din siya sa puntong inisip niya na kapag di siya pumasa ay magre-retake na lang.

“Sa sobrang stressed ko habang kasagsagan ng exams, wala na talaga akong gana noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lagi akong nasusuka at hirap huminga dahil sa anxiety. Hindi na rin ako makausap nang maayos.”

Para ma-relax, bago ang second day ng exam ay natulog na lang siya sa halip na mag-review.

Nahikayat naman siya ng roommate na lumaban, ituloy ang exam, at sinabayan siyang mag-review.

Read also: Kyle Moseños, nasabihang “pogi lang iyan, pero hindi ga-graduate iyan,” twice naging board topnotcher

“HINDI AKO MAKAPANIWALA!”

Dahil sa hirap ng board exam, ang naging goal na lang ni Alli ay ang pumasa.

“Mas mabigat rin kasi yung pressure para sa akin kung ita-target ko pa na maging topnotcher. Ang nasa isip ko lang noon ay mag-aral talaga nang mabuti, sa abot ng makakakaya ko.”

Nang matapos ang board exam, sa mga sumunod na araw ay hindi mapakali si Alli.

“Lagi akong nasa labas, para lang mawala sa isip ko yung paghihintay ng resulta.”

March 7, 3:00 p.m., ang labas ng resulta, hindi nagbukas ng social media si Alli noong umaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagpatak ng alas tres, abot-langit na talaga yung kaba ko.

“Biglang may lumabas na message sa Messenger ko na nagko-congratulate sa akin.”

Naisip niya na baka nag-congratulate lang dahil natapos na ang board exams.

“Pero pagsilip ko sa Professional Regulation Commission page, nakita ko yung pangalan ko, nasa pinakaunahan ng listahan ng Top 10 Veterinary Licensure Exam passers.

“Hindi ako makapaniwala! Napasigaw, napahagulgol, at napaluhod na lang ako.”

Top 10 list

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat ang kanyang parents sa pagsigaw niya kaya pinuntahan siya ng mga ito.

“Doon na nila nalaman na nag-Top 1 ako sa board exams. Nag-iyakan kami sa tuwa!”

Read also: Loi Canino: Nag-shift, ligwak sa scholarship, Top 9 sa board exam at may PHP300K cash gift

Maraming tumawag sa kanya, pero para talaga siyang nakalutang at iyak lang nang iyak.

Nagsimba silang mag-anak, nagdasal, nagpasalamat, at nagkaroon ng munting salu-salo sa bahay.

Ani Alli, marami siyang pinasalamatan sa kanyang tagumpay, pero, “Pinakamahalaga sa lahat, ito ay para sa aking mga magulang.”

Alli Claravall with her parents

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay nagpapahinga muna si Alli at ini-enjoy ang free time sa piling ng kanyang parents, friends, at very supportive na boyfriend; at ng kanyang pets na sina Charley at Cleo.

“Ilang buwan din kasi akong nakakulong lang sa kuwarto, nag-aaral para sa board exams.

“Pero definitely, I plan on going into Small Animal practice. Hopefully, makatanggap po ako ng magagandang offers. We’ll see where the road leads me.”

Payo niya sa mga kabataang gustong kumuha ng veterinary medicine, “Mahirap na course ito.

“But if your passion is to be able to heal, save and improve the lives of countless animals—and if you want to make the world a better place in your own little way—then go follow your dreams.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aminado si Alli Claravall na nakakuha ng markang "singko" at halos pumasa lang siya sa unang course na statistics. “Noong mga panahon na yun, napapag-isip-isip ko nang lumipat sa kurso na may kinalaman sa animal welfare. Dahil yun yung passion ko. It was something I could see myself doing in the future for so many years.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results