PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aira Castro: Pressure to Top Physicians Exam

Achieved naman.
by Bernie V. Franco
Published Mar 31, 2023
Aira Castro
Mula elementary hanggang college ay honor student si Aira Castro. Sa katunayan, summa cum laude siya sa kursong B.S. Biology. Kaya naman inasahan siyang magiging topnotcher sa board exam. “Nagre-review pa lamang po kami inaabangan na po yung pangalan ko talaga," aniya.
PHOTO/S: Facebook (Aira Castro)

Dahil achiever simula noong pagkabata, may mabigat na pressure para kay Aira Cassandra Castro na mag-Top 1 sa March 2023 Physician Licensure Examination.

Si Aira kasi ay summa cum laude sa kurso niyang B.S. Biology sa Mariano Marcos State University (MMSU) sa Batac, Ilocos Norte.

Siya rin ay consistent valedictorian sa elementary at secondary education

Nakadagdag pa sa pressure na dalawa sa kanyang seniors sa MMSU College of Medicine ay topnotchers sa Physician board exam noong 2021.

Hindi naman nabigo si Aira at ang mga umasang magiging topnotcher siya.

Sa resulta na inilabas ngayong March 2023, si Aira ang Top 1, at may 89.67 average.

board topnotchers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CONTINUE THE WINNING STREAK

Kung madalas ngang magkaroon ng 100-percent passing rate ang kanilang kolehiyo at may topnotchers pa, normal na ma-pressure si Aira.

“Yung pressure po talaga ay yung mag-top sa board exam kasi yung mga naunang batches, each sa kanila, may mga topnotchers,” aniya sa interview ng Balitang Ilocos TV.

“Pinaka-una po ako sa may Latin honor sa College of Medicine, so ine-expect po ng marami na kung kaya ng mas naunang batches na may mag-top, parang mas kakayanin ko dapat.”

Parehong Top 9 sa Physician board exam ang dalawang MMSU students noong March 2021 at October 2021.

“Nagre-review pa lamang po kami, inaabangan na po yung pangalan ko talaga. So very, very pressured,” sabi ng dalaga.

Dagdag pa rito na sa magkakasunod-sunod na taon ay 100 percent ang passing rate ng board takers sa MMSU College of Medicine.

“Sila po yung mga naging inspirasyon ko. Grabe, talagang nagsa-sana all lang po ako noon, pero andito na po ako ngayon,” sabi ni Aira sa isang FB Live ng MMSU.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Aira ang ikatlong topnotcher ng MMSU sa nasabing board exam.

Aira Castro Top 1

NOT EXPECTING TO BE TOP 1

Kuwento pa ni Aira, nawalan daw siya ng pag-asang maging Top 1 bago lumabas ang resulta.

Sabi niya sa Balitang Ilocos, “In-aim ko po talaga na mag-topnotcher, pero nung after po ng exam parang nawalan na po ako ng pag-asa kasi talagang super hirap po ng exam namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So yung pagiging Top 1 po hindi ko po in-expect.”

Naibahagi rin ni Aira na hindi naman talaga pagdo-doktor ang first choice niyang kurso sa kolehiyo.

“Yung gusto ko pong kunin noon is Business Administration or Accountancy.”

Gayunpaman, Biology ang inilagay niyang kurso sa isang entrance exam form niya for University of the Philippines (UP).

Nabasa ito ng isang MMSU professor at hinikayat siya na sa MMSU na mag-college.

“Nakausap ko po yung isang professor sa Mariano Marcos State University, sabi niya, ‘Oy, Biology pala ang kinuha mo sa UPCAT [UP College Admission Test]. Bakit hindi ka na lang mag-Biology sa Batac? Kasi maganda naman yung program doon. Maraming foreign teachers na ini-invite doon, foreign experts sa Biology.’”

Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa bagong College of Medicine sa kanilang unibersidad.

Plano ni Aira na mag-specialize sa internal medicine pero magtuturo raw muna siya para ibahagi ang kanyang nalalaman sa mga estudyante at magsilbing doctor to the barrio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito naman ang payo niya sa mga nais mag-doktor: “Always believe in yourself.

“Dapat magpursige po. Hindi na po hadlang ang pagiging mahirap para maging isang doktor. Marami na po tayong scholarships na puwedeng i-avail.

“Maniwala po lang tayo sa ating kakayahan at sa kung ano po ang puwedeng ibigay ng Diyos sa atin.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula elementary hanggang college ay honor student si Aira Castro. Sa katunayan, summa cum laude siya sa kursong B.S. Biology. Kaya naman inasahan siyang magiging topnotcher sa board exam. “Nagre-review pa lamang po kami inaabangan na po yung pangalan ko talaga," aniya.
PHOTO/S: Facebook (Aira Castro)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results