"Beautiful story.”
Ito ang paglalarawan ni Dr. Carl Balita, may-ari ng Carl Balita Review Center, sa kuwento ni Samantha Rojo.
Ang post ay may petsang August 6, 2022, halos kasunod ng paglabas ng June 2022 Licensure Examination for Professional Teachers.

Nilagyan ni Dr. Balita ng caption ang kanyang post na, published as is: “From 74 to 90.”
Kalakip nito ang Facebook post naman ni Samantha sa nabanggit ding petsa.
Read also: "Gifted child" Shaira Luna, no regrets kahit hindi naging doctor o scientist
Ani Samantha ang kanyang naging journey sa pagkuha ng board exam, “I took my first board exam last September 2019, and unfortunately, I failed and got a rating of 74.60 percent.”
Paliwanag ni Samantha, ang kanyang nakuhang puntos ay, “Point forty [.40] percent na lang, pasado na.”
Sa kasunod na bahagi ng kanyang post na may laughing emoji sa dulo, sinabi niyang, “Ni-comfort ko na lang yung sarili ko.
“Sabi ko, di bale nang bagsak, huwag lang 75 [percent]."
Read also: Board passer, inspirasyon si Sarah Geronimo para makatapos ng college, makapasa sa board exam
Gayunpaman, may pag-amin siya na kahit papaano, “Disappointed talaga ako nun.”
Inilagay rin niya ang screenshot ng kanyang naging scores sa board exam na bumagsak siya.

Read also: Yalany Soliva, duda sa sarili, Top 4 sa nursing board exam
Hindi nagpatalo o nagpaapekto sa naramdamang disappoinment si Samantha dahil sa nangyari.
Aniya, “I decided to enroll again in one of the review centers in Daet [Camarines Sur] for June 2022 board exam.”
This time, mas desidido siyang mas galingan.
“Sinabi ko sa sarili ko na magre-review na ako, hindi para pumasa lang.
“Magre-review ako para magkaroon ng mataas na rating.
"Kasi sobrang pangit ng transcript of records ko, baka makabawi sa board exam.”
Read also: Consuelo Caldosa, hindi akalaing Top 9 sa nursing board exam: “Blessing na po ang makapasa...”
Hindi naman siya nabigo dahil nang lumabas ang resulta, “Luckily, I passed the board exam, and kanina ko lang nalaman na 90 percent ang rating ko.”
Ipinakita rin niya ang naging breakdown ng kanyang matataas na scores.

Read also: Yvonne Olayvar, Top 7 sa Geology board exam: “Mama...pwede ka na pong mag-retire!”
Sambit ni Samantha, “Medyo na-disappoint lang nang very slight kasi may bagong rules daw ang Professional Regulation Commission na hindi na kasama sa topnotcher ang mga repeater.”
Kung wala ang nasabing bagong patakaran, batay sa listahan ng Top 10 successful examinees, Top 9 sana si Samantha.
Gayunpaman, “Sobrang grateful and blessed ko pa rin kasi nakapasa ako.”
Read also: Ang journey ni Javeriel Tillada, civil service & electronics technician licensure exams passer
Karamihan sa mga nagkomento sa post ni Dr. Balita ay nag-congratulate kay Samantha.
Marami rin ang na-inspire sa kanyang kuwento.
May ilan ding nagsabi na pareho sila ng naging karanasan.
Ani Rona Mae Silvano Ponteres, “Same here po. I took my first exam last September 2019, but I only got 74.60. Kailangang positibo lang at lalaban.”
Ayon naman kay Ate Sok Arazola, “Me too. Last 2019 ay line of 6 ang rating ko. Then last January [2022] nag-take ako ulit, line of 8 na.”
Nagpasalamat naman si Samantha sa kanyang pamilya dahil sa suporta, at sa review center na nakatulong nang malaki para siya makapasa sa LEPT at makakuha ng mataas na rating.
