Kabilang si Mark Kennedy Bantugon sa mga pumasa sa December 2022 Aeronautical Engineer Licensure Examination.
Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Aeronautical Engineering sa Philippine State College of Aeronautics.
Isa rin siyang registered inventor.
Si Mark ang national winner ng James Dyson Award noong 2021 dahil sa kanyang invention na sealant—ang Pili Seal—na mula sa katas ng pili.

Na-feature sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang success story noong August 28, 2021.
Ang James Dyson Award ay isang annual competition na nag-e-encourage at nagbibigay ng inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng design engineers.
Read also: Meet Ponsyana ng Pangasinan: office secretary na naging full-time vlogger
TWICE NI-LET GO ANG BOARD EXAM
Sa Facebook post ni Mark noong March 26, 2023, nagkuwento ito tungkol sa kanyang mahabang board-exam journey.
Taong 2023 ang kanyang oathtaking,
Taong 2020 pa sana siya kumuha licensure exam, pero dahil sa pandemic, hindi natuloy.

Taing 2021, desidido na siyang kumuha ng board exam noong dahil maluwag na ang restrictions.
“Yun nga lang, when I set and conditioned myself for this decision, there were a lot of things happening in my life during that year.”
Bukod sa kanyang master's degree, abala rin siya noon sa kanyang Pili Seal invention.
Natanggap kasi siya sa isang scholarship para maipagpatuloy ang kanyang postgraduate studies sa Mapua University.
“Akala ko nung una, kaya pang pagsabayin ang review sa boards habang nagma-masteral at suma-sideline sa pagsali at paglaban sa mga invention competitions.
“Yun nga lang, when God blessed me with an amazing breakthrough sa invention ko as I won the 2021 James Dyson Award for my Pili Seal invention, I realized na mukhang hindi na naman ako makakapag-take ng board exam especially when this award opened different doors of opportunities to my invention journey.”
Read also: Samantha Rojo’s board-exam journey: From 74 percent na bagsak, to 90 percent
Naging busy siya sa meetings, iba pang competitions, interviews, plano para sa Pili Seal, gaya ng patent and trademark protection and commercialization.
“At idagdag mo pa yung pagiging masteral student ko.”
Nahirapan siyang maglaan ng oras para sa review, pag-a-a-apply sa board exam at mag-take ng board exam.
“Sa madaling salita, ni-let go ko muna ang board exam for the other opportunities that year.”
“NAGTAMPO” KAY LORD
Pagsapit ng 2022, napag-isipan ni Mark huwag na lang mag-take ng board exam.
“Kasi naisip ko, hindi na talaga para sa akin yung journey at dream na ito. Hopeless na rin talaga ako for this kind of dream.”
Naisip din niya, “Siguro tinawag ako ng Panginoon para sa field ng invention and research, but not in the field of engineering.”
Hindi umano niya naiwasang magtampo talaga kay Lord.
“Kasi, I always tried my best in the previous years para ma-manage yung time and i-prioritize ito, pero the Lord God always gives me different directions and calling on that previous seasons.”
Sabi pa niya noon, "Siguro hindi talaga para sa akin ang pangarap na maging engineer. Baka hanggang dito na lang ako sa pagiging inventor at scientist.”
Read also: Summa cum laude Aira Castro "very pressured" maging Top 1 sa Physicians board exam

ISINIKRETO SA PAMILYA ANG PAGKUHA NG EXAM
Kahit discouraged and somehow hopeless sa sitwasyon, alam ni Mark sa puso niya na, “Gusto ko pa ring sumubok to take the board examination.
“To take the risk, and to try this opportunity. So, March 2022, nagkaroon na ako ng plan na mag-exam, pero ang plano na ito ay sikreto sa family ko.”
Ang dahilan niya, “Ayoko kasing na dagdagan pa sa sarili ko lalo ang pressure at isipin while reviewing kaya mas minabuti ko na lang na hindi ipaalam sa kanila na mag-e-exam na ako.
“Ang alam lang nila, kaya ako luluwas at magdo-dorm sa Manila ay para sa masteral ko.”
Pinagplanuhan niya ang mga kailangan sa board exam.
Nag-rent muli siya ng unit sa isang dorm, at nag-pause sa kanyang master's degree for one semester para maglaan ng mahabang time at preparation sa board exam.
Read also: Siargao surfer John Mark Tokong, unang Pinoy na sasabak sa World Surf League Challenger Series
Ngunit ang mahabang oras ng preparation simula May to October 2022 ay hindi rin niya nagamit dahil sa kanyang invention.
“During that time, sobra naman akong na-busy sa Pili Seal invention ko, at hindi ko na namalayan na nawawalan na naman ako ng time management and focus for my review.
“Sa madaling salita, hindi ko na naman nagamit yung naplano kong preparation and time for my board exam review.”
REALIZATION AND REFLECTION
Dumating na naman si Mark sa point na doubtful at nawawalan ng tiwala sa sarili, worried, stressful, at nanghihinayang sa mga nagdaan na oras, araw, at buwan.
“At bigla rin akong nakaramdam ng sudden rush kasi pagtingin ko sa kalendaryo, one month na lang at magbo-board exam na.”
Nang matatapos na ang October 2022, super hesistant at shaky na ang decision niya na tumuloy sa board exam.
“Kasi lagi kong iniisip na hindi pa ako prepared at sobrang konti na lang nung time para makapag-review ako at ma-cover lahat ng topics sa exam.”
Humingi siya ng payo sa kanyang pastor, na ang advice ay: "Kung si Lord nga ay faithful at gracious sa iyong invention, ano pa kaya diyan sa board exam mo?
“Never underestimate the unlimited power of God by your limited expectations."
Nang pauwi na si Mark ay nagkaroon siya ng maraming realization and reflection.
“And through that meaningful conversation, I decided to take the board exam sa taong 2022.
“No more hesitations, doubts, worries and fear.
“Kasi I was reminded again with that powerful message that God is always faithful, good, and most importantly, will always fight for you.”
Kaya kahit isang buwan na lang ang panahon niya sa review, at laging sumasagi sa isip niya na parang imposible siyang pumasa, “God reminded me that He is a God who can turn impossibilities to possible things.
“Yun talaga ang pinaghawakan ko hanggang sa matapos ang exam.”
At maluwalhati siyang nakapasa.

MAGING TAPAT SA SARILI, TANGGAPIN ANG WEAKNESSES
Ani Mark, isa sa mga natutunan niya sa kanyang journey ang maging tapat sa sarili.
“Lalo't higit sa mga bagay na hindi mo talaga alam at hindi mo maintindihan during the review.
“Sa isang buwan na pagre-review na ito, tinanggap ko nang buong-buo ang weaknesses ko especially sa mga subjects na mahina ako at hindi ko masyadong alam.”
Nagpasalamat siya sa lahat ng naging part ng kanyang journey sa board examination.
Ipini-pitch na niya ngayon ang kanyang invention and ideas sa isang technology conglomerate.
Ang payo niya sa mga kapwa estudyante at board examinees, “Always put your full trust in God.
“And as you trust Him, you should also trust his processes and promises.”
Aniya, ang mga kabataan ngayon ay dapat na matutong mangarap.
“Because it is valid. And on your journey, you are never denied, but only redirected.”
