PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judge James Fernandez' Success Story / Ice Candy Entrepreneur

Sa isandaang ice candy na nabenta, PHP10.00 ang kita.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Apr 11, 2023
Judge James Fernandez photos
Lumaki man sa kahirapan, malayo ang narating ni Judge James Fernandez, na aminadong mataas ang pangarap at masikap kaya malayo ang narating sa buhay.
PHOTO/S: James Fernandez

Ang tindero ng ice candy, palamig, banana cue, hotcake, lumpia, at iba pa, ay isa nang hukom ngayon.

Mula sa lansangan, sa korte na namamalagi si Judge James Abalos Fernandez, na na-appoint bilang judge ng 2nd Municipal Circuit Trial Court (MCTC) Tublay-Atok Benguet nito lamang March 20, 2023.

Ang tagumpay ni Judge Fernandez ay inilahad niya sa isang Facebook post noong March 21.

Pormal nang nanumpa si Fernandez sa harap ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa Supreme Court of the Philippines Session Hall noong March 27, 2023.

Read: Justin Beligolo: mango float, cheese sticks vendor, isa nang ganap na doktor

JUDGE JAMES FERNANDEZ: GROWING UP AND STRUGGLING YEARS

“I am an ordinary person full of ambitions,” paglalarawan ni Judge Fernandez sa sarili nang makapanayam siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong March 26, 2023.

Siya ay ipinanganak at lumaki sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga Province, kung saan niya naranasang mamuhay nang walang kuryente. Lampara lang noon ang gamit niya tuwing nag-aaral sa gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bunso siya sa siyam na magkakapatid, at kabilang sa mahirap na pamilya.

Isang karpintero ang kanyang ama habang tindera sa bangketa ang kanyang ina.

Aniya, “Both of them are struggling to put something in our table to eat.”

Lalo pang humirap ang kanilang sitwasyon nang binawian ng buhay ang kanyang ama noong siya ay sampung taong gulang pa lamang.

Judge James Fernandez family picture

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Judge James Fernandez ang pinakabunso sa siyam na magkakapatid. Karpintero ang ama at tindera ang ina.

JUDGE JAMES FERNANDEZ: AS A WORKING STUDENT

Dito niya naisipang magtinda ng ice candy na gawa ng kanilang kapitbahay.

Sa bawat isandaang piraso na kanyang naibebenta, binibigyan siya ng PHP10.00 komisyon.

Ang perang kinikita ang siyang ipinambibili ng mga gamit sa eskuwela at pambaon na rin sa araw-araw.

Sa kabila ng kanyang hirap, nakatapos si Fernandez bilang First Honorable Mention sa Bontoc Central School noong elementarya.

Nagtapos naman siya bilang class valedictorian sa Kalinga-Apayao State College Laboratory High School, kahit pa kadalasan ay naglalakad siya nang napakalayo patungo at pabalik ng eskwela.

Dahil sa kanyang husay, nagkaroon sana ng pagkakataon si Judge Fernandez mag-enroll sa kursong BS Accountancy sa Saint Louis University Baguio bilang academic scholar.

Pero dahil kaakibat ng free tuition ay ang pagbabayad ng halagang PHP1,500 na miscellaneous fees, napilitan siyang hindi ituloy ang enrollment at bumalik na lamang sa Kalinga Province.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dito niya ipinagpatuloy ang pag-aaral at nag-enroll sa Kalinga-Apayao State College (now Kalinga State University), kung saan siya kumuha ng Accountancy habang nagtatrabaho bilang Student Assistant sa Library.

Sa batch nila, siya ang bukod-tanging nakapasa sa board exam para maging CPA (certified public accountant).

Pagkatapos nito, ipinagpatuloy ni Judge Fernandez ang pag-aaral ng Law sa University of the Cordilleras, at kalaunan ay lumipat ito sa University of Baguio. Tinapos niya ang kurso sa tulong ng kanyang trabaho sa Accounting office ng Baguio LGU (local government unit).

Pagkatapos nito, ipinagpatuloy ni Judge Fernandez ang pag-aaral ng Law sa University of the Cordilleras, at kalaunan ay lumipat ito sa University of Baguio.

Kuwento niya, “I studied at night and worked during daytime and weekends. This has been very tough on my part. But I never quit.”

Judge James Fernandez and mother

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Judge James Fernandez at ang butihing ina

JUDGE JAMES FERNANDEZ: AS A LAWYER

Taong 2014 nang ganap siyang maging abogado at masuwerteng nakapagtrabaho sa Public Attorney’s Office. Two years later, na-assign siya sa 7th MCTC Asingan-San Manuel.

“Working with PAO is not easy. Serving voluminous clients on a day to day basis is quite exhausting and handling their cases is really challenging. However, I am thankful and learned a lot in the process.

“I believe that my more than 6 years of experience in PAO has honed and equipped me with necessary skills needed for me to embark my new career in the judiciary.

JUDGE JAMES FERNANDEZ's TRIBUTE TO HIS MOM

Bahagi ng post ni Judge Fernandez noong March 21 (published as is): “My mother was a very industrious woman!”

Matapos matanggap ang magandang balita tungkol sa kanyang appointment, kaagad siyang nag-post ng tribute/mensahe sa yumaong ina, na kanyang inspirasyon at motivation sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalakip ang mga larawan kasama ang ina, ang caption ni Judge Fernandez:

Mama,

Kung nandito ka lang, alam ko ikaw na ang pinakamasaya sa lahat.

I hope I made you proud up there!!!

I miss you ma.

I love you.

JAF

Kuwento pa ni Judge Fernandez sa PEP.ph, ang kanyang ina ang susi sa lahat ng tinatamasa niya ngayon.

“She imparted to me the will to go on no matter how tough life gets.”

Ito marahil ang dahilan kaya’t hindi niya naisipan kailanman na sumuko.

“It has been my self-imposed policy to always look for self-improvement. In everything we do, we should always give our best shot. I always welcome possibilities with arms wide open.

“There may be failures along the way but I find joy in the few and small successes I have accomplished which keep me motivated.”

Judge James Fernandez with mother

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inspirasyon at motivation ni Judge Fernandez ang kanyang ina

Nagbunga ang lahat ng kanyang pagsisikap sa edad na 40.

Bukod sa sipag, mataas din ang kanyang pangarap.

Aminado rito si Judge Fernandez pero hindi siya nagdalawang-isip na gawin ang lahat upang maabot ito, kahit gaano pa kadaming hirap at balakid ang kinaharap niya.

“I am really an ambitious one.”

Mensahe niya sa mga taong nai-inspire sa kanyang kuwento, “Don’t just be satisfied to where you are now. Keep on aiming bigger things.

“Get out from your comfort zone to always look for new opportunities to improve yourself.

“Have faith in yourself. And of course, I always ask for the providence of our God Almighty.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lumaki man sa kahirapan, malayo ang narating ni Judge James Fernandez, na aminadong mataas ang pangarap at masikap kaya malayo ang narating sa buhay.
PHOTO/S: James Fernandez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results