PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Roberto Suarez II, 55, passes bar exam after 20 years, 6 takes

"Ibibigay din pala talaga sa tamang panahon."
by Bernie V. Franco
Published Apr 28, 2023
Roberto Suarez II then and now
Never say never. Roberto Suarez II, now 55, is one of the new lawyers who passed the 2022 bar exam. (Left photo) Roberto's graduation photo taken in 2002.
PHOTO/S: Kath Suarez

Inabot man ng 20 years at anim na subok, sa wakas ay pumasa sa 2022 Bar Exam ang 55 anyos na si Roberto Suarez II, na taga-Bulacan.

Noong April 14, 2023, inilabas ang 2022 bar exam results, kung saan 3,992 ang pasado mula sa 9,183 na kumuha.

Noong 2002, sa edad na 34 ay nagtapos si Roberto ng law degree mula sa Philippine Law School sa Pasay, ulat ng The Summit Express.

Sumubok siya sa bar exams noong 2003, 2004, at 2006, subalit hindi pinalad na makapasa.

Nagdesisyon si Roberto na huminto muna sa pagkuha ng bar exam.

Makalipas ang 11 years, muli siyang sumubok at kumuha ng bar exam noong 2017 at 2019.

Hindi pa rin pinalad si Roberto.

Read:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON THE SIXTH TRY

Sa TikTok, ibinahagi ng kanyang anak na si Kath na pinagsasabay noon ni Roberto ang kanyang pagre-review at pagtatrabaho.

Sabi ni Kath, 31, sa kanyang caption (published as is), “While studying for the November 2022 bar exam, he was also working full-time as a CDO (Court Decongestant Officer) at MTC (Municipal Trial Court) Sta. Maria, Bulacan.”

Si Kath ay second-year Nursing student, at isinasabay ang pagiging financial advisor.

Ibinahagi rin ni Kath kung bakit inabot ng higit isang dekada bago muling ipinagpatuloy ng kanyang ama ang pag-take ng bar exam.

Caption ni Kath (published as is): “20 years in the making. Between those years, we hit rock bottom kaya ang layo ng agwat ng take niya. 2006 yung last, then 2017 na ang next. 11 years."

“Who would have thought na ibibigay din pala talaga sa tamang panahon? After 20 years, after ng 6th try?”

roberto Suarez II grad pic and after pics

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aktibo rin si Roberto sa pagsisilbi sa simbahan bilang bahagi ng lectors and commentators.

Kaya kinailangan niyang pagsabay-sabayin ang mga ito kasama ang pagre-review noon.

Sabi ni Kath, isinantabi ng kanyang ama ang obligasyon nito sa simbahan upang makapag-review para sa kanyang ika-apat at ikalimang take, pero hindi pa rin ito sinuwerte.

Sa ika-anim na subok niya sa bar, ipinagpatuloy niya ang pagsisilbi sa simbahan, at isinabay ito sa kanyang pagre-review.

Sa wakas, nakamit rin ni Roberto ang matamis na tagumpay.

Lumabas ang resulta ng bar noong April 14, dalawang araw bago ipagdiwang ni Roberto ang kanyang ika-55 birthday.

Kahit na dalawang dekada ang nakalipas at inabot ng anim na takes, hindi tumigil si Roberto sa pagpupursige tungo sa kanyang pangarap.

Aniya, hangga’t hindi siya nakakapasa sa bar para maging ganap na abogado, pakiramdam niya ay meron siyang “unfinished business”

"Keep your passion burning to fulfill your dreams. There are only 2 things that can prevent you from becoming a lawyer: 1.) Stop taking the bar exam, [and] 2.) Death,” aniya sa interview ng The Summit Express.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi pa niya, "What we think is what we become. Kapag hindi mo pinursue ang pangarap mo, yun na ang magiging final destination mo."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Never say never. Roberto Suarez II, now 55, is one of the new lawyers who passed the 2022 bar exam. (Left photo) Roberto's graduation photo taken in 2002.
PHOTO/S: Kath Suarez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results