Isang beneficiary ng Pantawid sa Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Paoay, Ilocos Norte ang Top 1 sa April 2023 Civil Engineering Licensure Examination.
Ibinalita ito ng dswd.gov.ph last April 29.
Nakakuha si Alexis Castillo Alegado ng rating na score of 92.10 percent.
Top 1 din at may kaparehong rating si Garret Wilkenson Ching Sia ng De La Salle University-Manila.
Nagtapos si Alexis sa Mariano Marcos State University sa Batac, Ilocos Norte bilang cum laude.
Read also: 65-year-old Nancy Regis among bar-exam passers

Kabilang ang 22 anyos na si Alexis sa 32 mula sa 77 na nagtapos sa College of Engineering ng MMSU na nakapasa sa Civil Engineering Licensure Exams na isinagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) from April 23 to 24.
Ang 4Ps program ng DSWD ay conditional cash grants mula sa national government na ipinagkakaloob sa “poorest of the poor”—partikular sa mga edad 0 hanggang 18—para mapaganda ang kalagayan ng kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon.
Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na ang tagumpay ni Alexis ay isang patunay na ang 4PS program ng DSWD ay epektibong investment sa human capital.
Ayon kay Lopez, “Patunay po ang tagumpay ni Engr. Alexis Alegado na ang ating 4Ps ay napakahalaga sa bawat pamilyang Pilipino para mapagtapos sa kolehiyo ang kanilang mga anak na siyang makakatulong para sa pag-angat mula sa kahirapan.”
Read also: Angel Kate Caritan’s 'halos walang tulog' board-exam journey

Sa panayam ng Bombo Radyo Laoag last April 30, sinabi ni Alexis na inalis niyang lahat ang kanyang social media accounts bago ang announcement ng resulta ng board exam.
Gayun na lang umano ang kanyang gulat nang malaman niyang siya ang Top 1.
Aniya, “Gusto lang po talaga is pumasa. Bonus na lang po kung magta-top.”
Sinabi rin niyang bata pa lang siya nung nagsimulang mangarap maging engineer.
Aniya, “Kasi po engineer yung kapitbahay namin. Na-amaze po ako sa mga ginagawa niya.”
Batay sa inisyal ng ulat mula sa DSWD Field Office 1, benepisyaryo rin si Alexis ng Expanded Student’s Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA) program.
Isang magsasaka ang kanyang ama, at labandera naman ang ina.
Read also: Topnotcher shares strategies to ace Licensure Examination for Teachers

Dahil dito, awtomatiko siyang nag-qualify para sa Tertiary Education Subsidy (TES) sa ilalim ng Republic Act 10931 o ang the Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Ang mga benepisyaryo sa ilalim ng ESGP-PA ay mga “poor but deserving students” na kabilang sa mga pamilyang nasa talaan ng 4Ps program ng DSWD.
Maaari silang mag-enroll sa mga piling State Universities and Colleges (SUCs) para sa Commission on Higher Education’s (CHED) priority programs at iba pang kurso na ino-offer na kabilang sa government key growth areas.
Kabilang sa mga benepisyong natatanggap ng ESGP-PA grantees ay book allowance, school supplies, transportation, and miscellaneous personal expenses.
Read also: Inventor-aeronautical engineer Mark Kennedy Bantugon recounts times his faith in God was tested

May allowance din para sa documented rental o pagbili ng personal computer o laptop at iba pang education-related expenses.
Maging ang upa sa tutuluyan na kuwarto o boarding house ng estudyante ay sagot ng programa.
May additional subsidy naman kung ang estudyante ay Persons with Disabilities (PWDs).
Sagot din ng programa ang gastos ng estudyante sa unang pagkuha ng licensure examination.
