“Math-tinik!”
Ganito inilarawan ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang Grade 4 student na si Lawrence Barlaan na nagwagi ng gold award sa ginanap na 4th International Math Open for Young Achievers (IMOYA) noong March 24 to 27, 2023 sa Singapore.
Nag-aaral si Lawrence sa Muntinlupa Elementary School (MES) sa Barangay Poblacion.
Isa rin siyang scholar ng city government ng Muntinlupa.
Read also: 4Ps "National Exemplary Child" Shemiah Pineda now an engineer

Read also: Meet Sebastian Eviota, first full-blooded Pinoy na member ng Pontifical Swiss Guard
Last April 12 ay bumisita si Lawrence sa tanggapan ni Biazon at ipinakita ang gold award na kanyang napanalunan.
Sa official Facebook account ng alkalde makikita ang post tungkol sa naging meeting niya with the parents of Lawrence kasama ang principal ng MES.
Sinabi rin niyang si Lawrence at ang pito pa nitong kasama ang tinanghal na 2nd runner up sa team competition sa katatapos lang na 4th IMOYA sa Singapore.
“Gusto niyang maging accountant paglaki niya kaya saktong-saktong nakahiligan niya ang mathematics.”
Pinayuhan niya ito na pagbutihin pa ang pag-aaral, at sinabing pride siya ng lungsod ng Muntinlupa.
Read also: Alexis Alegado, 4Ps beneficiary, Top 1 sa Civil Engineering Licensure Exam

Read also: 65-year-old Nancy Regis among bar-exam passers
Batay sa IMOYA website, ang onsite competition ay nilahukan ng Pilipinas, Vietnam, Hong Kong, Macao, at Indonesia.
Sumabak ang mga kalahok sa iba’t ibang kategorya, gaya ng Algebra, Geometry, Number Theory, at Combinatorics.
Ang Hong Kong-Macao ang tinanghal na overall champion sa onsite contest, pangalawa ang Pilipinas, at ikatlo ang Indonesia.
Read also: Angel Kate Caritan’s 'halos walang tulog' board-exam journey
