PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carmina Caparaz Faces Imposter Syndrome

“Sobra-sobra pong self-doubt.”
by KC Cordero
Published May 19, 2023
Photos of Carmina Caparaz
Nang mag-enroll sa nursing, takot si Carmina Caparaz sa dugo, takot mag-aral ng sobrang daming sakit, at takot mag-handle ng patients. “Ngayon na isa na akong registered nurse, naisip ko na ang dami ko pa lang na-overcome na fears kasi pinili kong gawin yung mga yun kahit takot ako.”

Childhood dream ni Carmina Angeli San Diego Caparaz ang maging nurse.

Isa sa mga dahilan sa likod ng kanyang pangarap ay ang kanyang ina, na na-stroke noong 2013 at inalagaan niya.

Bata pa siya noon, at naging katuwang niya ang nakatatandang gkapatid.

Nagtapos si Carmina ng Bachelor of Science in Nursing sa Our Lady of Fatima University–Valenzuela City Campus noong August 8, 2022, bilang summa cum laude.

Top 6 naman siya, with a rating of 89 percent, sa November 2022 Philippine Nurse Licensure Examination.

Read also: Oxford student speaks in 11 languages, including “perfect” Tagalog

Photo of Carmina Caparaz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkuwento si Carmina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last April 14, 2023, tungkol sa kanyang naging journey.

Pagbabahagi niya, “Simula po pagkabata, lagi kong sinasabi na, ‘I want to be a nurse when I grow up.’ Siguro dahil na rin po ang tita ko ay isa ring nurse abroad.

“Naalala ko rin po na noong na-stroke si Mama taong 2013 ay talagang isa ako sa mga nag-alaga sa kanya.

“Naging malinaw rin po sa akin that time na hilig ko talaga ang kumonekta sa tao, mag-serve po, gano’n.”

Read also: Tricycle driver and vendor's son gets PHP104-M scholarship offers from US and UK schools

NAWALAN NG GANANG MAG-ARAL

Unang naging challenge sa buhay-college ni Carmina ang pagpanaw ng kanyang isang tito na super close sa kanya.

“Ilang days pa lang po since mag-start ang first year, first semester nang nangyari yun.

"I was trying to focus po agad sa classes kasi kabado talaga ako, and I know na hindi po ako nakapag-grieve nang maayos nung nawala siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malungkot niyang sambit, “May mga wishes siya na hindi ko napagbigyan, na hanggang ngayon ay dinadala ko.”

Read also: Principal in Surigao passes bar exam; chooses to prioritize serving school

Sa mga unang buwan mula nang pumanaw ang kanyang tito, “Nawalan ako ng ganang mag-aral. Sobrang pagka-cram yung ginawa ko. Hindi ako nag-aaral.”

Nakabalik lang siya sa tamang direksiyon nang magkaroon ng interes sa K-pop group na iKON.

Photo of Carmina Caparaz

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkaroon din siya ng mga kaibigan na hindi siya iniwan at laging nakasuporta sa kanya.

“Sobrang laking tulong ng mga professors and mentors, especially si Sir Brylle Capili who really made me realize na para kami sa isa’t isa ng nursing.

“Special mention din sa aking parents, and sa benefactors ko na iginapang talaga ang nursing school para sa akin.”

Read also: Grade 4 student from Muntinlupa, gold awardee sa international math contest

INATAKE NG IMPOSTER SYNDROME

Nang mag-review na para sa board exam, inatake si Carmina ng malalang “imposter syndrome," isang condition na kadalasang nararamdaman ng "high-achieving people," na hindi nakakaramdam ng saya sa kabila ng kanilang "accomplishments," ayon sa Harvard Business Review.

Pakiramdam ng mga taong mayroon nito ay "fraud" sila at nagpapanggap lang. Lagi rin silang duda sa kanilang mga kakayahan.

Read also: 4Ps "National Exemplary Child" Shemiah Pineda now an engineer

Dala-dala raw ni Carmina ang ganitong condition kahit noong matapos na ang exam at naghihintay na lang siya ng resulta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Kahit po kasi sabihin ng iba na sure passed na ako and inaasahan na nila akong magta-top, wala po akong pinaniwalaan sa kanila.

“I still feel stupid and incompetent.”

Iniisip din niyang ang mga naging scores niya noong review ay hindi sapat para masigurado man lang na papasa siya.

“Sobra-sobra pong self-doubt.”

Read also: 4Ps "National Exemplary Child" Shemiah Pineda now an engineer

Para ma-overcome ang kanyang condition, lagi niyang inaalala ang essay na ibinahagi sa kanya ng research mentor and professor na si Doc MJ Diño tungkol sa “importance of stupidity.”

Ayon aniya sa bahagi ng essay: “The more comfortable we become with being stupid, the deeper we will wade into the unknown and the more likely we are to make big discoveries.”

Nagtiwala umano siya sa process, at maluwalhati siyang nakatawid sa kanyang struggles.

Read also: Cum laude-board passer gets apology from girl who ghosted him

PANGARAP MAGING TOPNOTCHER

Aminado si Carmina na nahirapan siya sa board exam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung tipong alam mo yung concept pero ang hirap gamitin nung concept to answer the question.

“Minsan torn din sa dalawang sagot.

“But I guess sobrang blessed ko kasi na-practice din po ako sa school and sa Top Rank Review Academy na magsagot ng questions.

"Kaya feeling ko naman, hanggang sa last [500th] question, I did my best po, hahaha!”

Read also: Alexis Alegado, 4Ps beneficiary, Top 1 sa Civil Engineering Licensure Exam

Inamin din niyang nangarap siyang maging topnotcher, “Ang dasal ko po talaga noon ay: ‘Mag-top at makapasa sa board exam.’

“Pero alam ko po sa sarili ko na medyo suntok sa buwan ang mag-top. Ang dami pong takers, ang daming matatalino, iba-ibang stories yung maririnig mo.

“Kaya po I also told myself during the preparation na hindi kabawasan kung hindi po ako magiging topnotcher. Pa-extra na ni Lord yun if makakasama sa Top 10.

“Kasi po ayoko namang dumating sa point na hindi ako magiging masaya na nakapasa ako just because I wanted more.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pa aniyang interesting story ay napanaginipan niya na magta-top siya two months before the board exam.

“My best friend also told me na napanaginipan niya raw na Top 6 ako.

"She messaged our group chat days before the results were out na: ‘Napanaginipan ko yung isa sa inyo Top 6, pero hindi ko sasabihin kung sino.’

“Another friend dreamt of it po, na magta-top ako. Hindi ko alam kung ano ang meron sa mga ito, pero sobrang nakaka-amaze! Hahaha!”

Read also: Roberto Suarez II, 55, finally passes bar exam after 20 years, 6 takes

UNEXPECTED BLESSING

Nang lumabas ang resulta, agad nabasa ng isang tita ni Carmina na nasa list of passers siya.

“Nakakatawa po kasi akala ko kapag nasa list of passers na yung name mo, ibig sabihin wala ka dun sa list of topnotchers.”

Agad siyang nagpasalamat sa Diyos dahil pasado siya.

“Hindi ko na naisip malungkot na ‘wala ako sa top’ kasi in my heart, I am blessed. Ayun lang po ang tumakbo sa isip ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero pagbukas niya ng kanyang cellphone, inulan siya ng "Congratulations!”

Reaction daw ni Carmina, “Bigla na lang pong kumabog yung dibdib ko when I saw my professor’s message through the chat head saying, ‘Wow, Top 6!’

"Hindi pa siya ma-absorb ng utak ko until nakita ko na po yung post ng PRC na nasa topnotchers nga ang pangalan ko.”

Read also: Round 2! Isa pang anak ng dating TNT sa Japan, pumasa rin sa bar exam

Photo of Carmina Caparaz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inialay daw ni Carmina ang kanyang tagumpay sa kanyang parents.

“Nakita ko po yung sacrifices nila para sa aming dalawang magkapatid at sobrang sarap po sa pakiramdam na malaman na I made them proud.

"Sobrang worth it po lahat ng ginawa nila para sa amin. My ate and I became professionals because of them po.

“I also offer this to my benefactors po who believed in me since day one po until now.

"Of course, sa Our Lady of Fatima University din po and sa aking mga professors.

"Higit sa lahat po, sa Diyos po na walang sawang pinakinggan lahat ng panalangin ko.”

Plano niyang magtrabaho sa isang ospital ngayong taon.

Ang payo niya sa mga kabataang gustong magtagumpay, “If you can’t beat fear, do it scared.”

Looking back, ang dami raw niyang takot nung time na iniisip pa lang niyang mag-enroll sa nursing.

“Takot ako sa dugo, takot akong mabigyan ng grade base sa nursing skills ko, takot akong mag-aral ng sobrang daming sakit, takot akong mag-handle ng patients.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon na isa na akong registered nurse, naisip ko na ang dami ko pa lang na-overcome na fears kasi pinili kong gawin yung mga yun kahit takot ako.”

Hanggang ngayon aniya ay marami pa siyang kinatatakutan. “Pero sabi nga rin, you’ll never know unless you try. Bukod dun, hindi lahat ng tao, magiging magaling agad sa unang subok. What matters is natututo tayo and nag-i-improve as time goes by.

“Nursing also helped me become a better version of myself, so I hope our nursing students will enjoy the ride and let their better versions unfold.”

Read also: 65-year-old Nancy Regis among bar-exam passers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nang mag-enroll sa nursing, takot si Carmina Caparaz sa dugo, takot mag-aral ng sobrang daming sakit, at takot mag-handle ng patients. “Ngayon na isa na akong registered nurse, naisip ko na ang dami ko pa lang na-overcome na fears kasi pinili kong gawin yung mga yun kahit takot ako.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results