PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kilalanin: Transgender Officer, Hepe ng QCPD Women's Desk

Rene on true identity: "Wag kayong matakot ilabas yan."
by Bernie V. Franco
Published Jun 9, 2023
rene balmaceda
Meet Police Major Rene Balmaceda, tinaguriang “first openly transgender ng Philippine National Police.”
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)

Bilang Pride Month ngayon, kilalanin natin ang isang transgender woman o trans woman na alagad ng batas na naatasan para sa pangangalaga ng mga kababaihan at kabataan sa Quezon City Police District (QCPD).

Meet Police Major Rene Balmaceda, chief of Women and Children Concern Section ng QCPD.

Sa mga lumabas na artikulo, si Rene ay tinaguriang “first openly transgender ng Philippine National Police.”

Read:

Sabi ni Rene, malaki ang bentahe ng kanyang pagiging trans woman sa itinalagang posisyon.

“Ang bentahe sa isang katulad ko ay mabilis akong lapitan, mas komportable silang ilahad ang kanilang mga complaints sa akin,” sabi ng transgender cop sa ulat ni ABS-CBN News Jose Carretero.

Pero bago pa man i-assign si Rene sa kanyang current position, malawig na ang kanyang karanasan sa police operations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni QCPD Chief at Brigadier General Nicolas Torre III, “Dati ang trabaho niyan sa anti-drugs namin ay [kunwari] pusher-buyer, so sino ba naman ang mag-akalang pulis pala ang kanilang ka-transaksiyon? E, ito nga, e, gay nga, e. Naging very effective siya.

"So ngayon naman, binigyan ko naman siya ng ibang trabaho, chief ng ating WCPD [women and children protection desk].

“Ngayon naman, sa enforcement din matapang na tao at matino naman ang kanyang performance. Nakikita ko maganda,” ani Torre.

Giit ng QCPD chief, hindi isyu ang kasarian para magsilbing pulis.

“Ang ating tinitingnan ang professionalism nila, ang kanilang work ethics, na hindi naman basta-basta.

“Hindi nakakaapekto ang sexual orientation atsaka ang sexual choices sa kanilang trabaho, at saka syempre, hindi siya nakaka-violate ng batas.”

GROWING UP AS AN LGBTQIA MEMBER

Sa murang edad pa lamang ni Rene ay alam niyang may iba sa kanya.

“Hindi na ako lumalabas ng bahay, hindi na ako gala. Instead na gumala ako, maglinis ako sa bahay, magwalis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung mga laba-labahin na maliliit akong gumagawa.

“Tsaka nakikialam na rin ako sa mga gamit na pambabae ng mga gamit ng mga kapatid kong babae,” kuwento niya.

Nasa akademya pa lang ay nagpakatotoo na si Rene sa kanyang mga kaklase at mga guro pagdating sa kanyang kasarian.

Hindi naging madali para kay Rene ang pag-aaral dahil mahirap ang sinuong na training.

Pero sa huli ay nagtagumpay siya.

Sabi niya, “Masaya dahil unang-una, nagkatrabaho ako [nang] stable.

“Pangalawa, masayang-masaya din ang parents ko kasi may anak na silang graduate ng academy.”

Sa ngayon ay 20 years nang nasa serbisyo si Rene at balak niyang magsilbing inspirasyon sa mga tulad niya.

Aniya sa mga LGBTQIA members na nais magpulis, “Sa mga nag-aalangan na ilabas ang kanilang kasarian o nararamdaman, wag kayong matakot ilabas yan dahil yan ang susi para mapagtagumpayan ninyo ang inyong ambisyon sa buhay.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Police Major Rene Balmaceda, tinaguriang “first openly transgender ng Philippine National Police.”
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results