Last year, ang mga produkto ng University of the Philippines Diliman (UPD) ang naging topnotchers sa mayorya ng 2022 licensure examinations sa iba’t ibang larangan.
Ayon sa artikulo na inilathala noong June 7, 2023 sa website ng unibersidad, ang mga achievers na ito ay naging mga bagong bukal ng inspirasyon para sa UP.
Nagsagawa ang UPD Information Office (UPDIO) ng online interview sa mga topnotchers para alamin ang kanilang reaksyon sa naging tagumpay, ang impact nito sa kanilang paghahanap ng trabaho at kung ano na ang kanilang kasalukuyang estado sa industriya o sektor na kanilang kinabibilangan.
Ang ilan sa kanila ay naitampok na rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at hinangaan ng milyong subscribers ng website.
Read also: Tina Dimas, may bagsak na grades, 9 years sa college, Top 6 sa board exam
MARZO MECO BAGAYAUA ALFONSO
Topnotcher si Marzo sa September 2022 Librarian Licensure Examination, at may rating na 88.20 percent rating. Isa rin siya sa mga summa cum laude noong 2022.
Nalaman niyang topnotcher siya sa board exam mula sa isa niyang dating propesor sa UPD School of Library and Information Studies (SLIS).

Read also: 12 anyos, youngest graduate with five degrees sa isang U.S. college
Ani Marzo, “It was truly heartening, the experience of getting flooded with congratulations and discovering that I was the topnotcher.”
Nagtatrabaho siya ngayon sa Scholarship Office of the Rizal Provincial Government (RPG), at pinamamahalaan ang RPG scholarship programs.
Siya rin ang nangangasiwa sa Iskolar ni Gob Examination, ng scholarship grants para sa indigenous peoples, at ayuda para sa mga working students.
Ayon kay Marzo, nakatulong sa kanyang paghahanap ng trabaho ang pagiging topnotcher.
Gayunpaman, naobserbahan niyang maraming tao ang hindi pamilyar sa kanyang mga pamamaraan.
“I dreamed of being part of a public library here, but I noticed that most towns either lack it or have underdeveloped ones,” aniya.
Read also: Joan Ramirez who passed teacher’s board exam: “Proud po ako na isang kasambahay.”
ALEYA CARMELA ESQUIVEL ARCA
Consistent academic achiever si Aleya at recipient ng dean’s medallion para sa kanyang diploma in urban and regional planning degree mula sa UPD School of Urban and Regional Planning noong 2019.
Nagtapos siya bilang magna cum laude with a BS (community development) degree noong 2015, sa UPD rin.
Noong July 2022, si Aleya ang nakakuha ng top spot sa Environmental Planner Licensure Examination, at may rating na 84.40 percent.
Read also: Julian Martir to doubters of his admissions, scholarships: “Totoo po talaga.”

Read also: Meet King Bergonio, chemist and Top 5 agriculturist; an achiever and a survivor
Nagbukas iyon ng maraming oportunidad sa kanya, kabilang ang kasalukuyang trabaho sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Pagbabahagi niya, “Studying for the board exam allowed me to really digest the scope of environmental planning, and while reviewing.
"I was reflecting on how I can apply these concepts and processes in my work at the Department.”
Nagtatrabaho siya ngayon bilang assistant program manager sa DILG–Bureau of Local Government Supervision.
Tinutulungan niya ang mga local government units na magkaroon ng malalim na pagpapahalaga sa local development planning para matulungan ang mga ito na magampanan ang kanilang tungkulin nang mas maayos, at patuloy na mabigyan ng kapangyarihan na maging aktibong tagapamahala ng kapaligiran.
Kasalukuyan ding tinatapos ni Aleya ang thesis para sa kanyang Master of Arts (urban and regional planning) degree.
Read also: Carmina Caparaz, summa cum laude and topnotcher, reveals struggles with imposter syndrome
JOHN MARTIN RIVERA CIRIO
Mula nang maging topnotcher sa August and September 2022 Mining Engineer Licensure Examination na may rating na 89.40 percent, nagtrabaho na si John bilang planning engineer for research and development ng Philsaga Mining Corporation.
Kabilang sa kanyang espesyalisasyon ang optimization ng mga proseso, gaya ng level planning and research and development.
Nagtapos si John bilang magna cum laude noong 2020.
Siya rin ang valedictorian ng BS mining engineering graduates ng Department of Mining, Metallurgical, and Materials Engineering (DMMME) ng UPD College of Engineering (COE).
Read also: Oxford student speaks in 11 languages, including “perfect” Tagalog

Read also: Principal in Surigao passes bar exam; chooses to prioritize serving school
Natatandaan pa ni John na excited siyang natulog bandang alas dos ng madaling araw noong September 19, 2022, ang araw na ilalabas ang resulta ng kanilang board exam.
Nakatulog siya sandali, ngunit nagising din agad dahil sa sunud-sunod na tunog ng notifications sa kanyang smartphone—mga mensaheng nagsasabing topnotcher siya.
Aniya, “It took me a couple of seconds to realize that it was real. I shouted with joy.
“My mom who was cleaning in the backyard, immediately ran to where I was. She thought I had an accident.
“I told her the news with pride and excitement and she, too, could not believe it.”
Dahil sa kanyang pagiging topnotcher, nakuha niya ang atensyon ng mga potensyal na employers.
Pero ayon kay John ay isa lang iyon sa mga factors na kinonsidera ng kanyang employer nang i-hire siya.
“I think that there is a small bearing. The companies still look for other important aspects such as experience, training, skills, etc.”
Read also: Grade 4 student from Muntinlupa, gold awardee sa international math contest