Last June 7, 2023 ay inilathala ng website ng University of the Philippines Diliman (UPD) ang naging panayam ng UPD Information Office (UPDIO) sa mga produkto ng unibersidad na naging Top 1 sa mayorya ng 2022 licensure examinations sa iba’t ibang larangan.
Ayon sa artikulo, ang mga achievers na ito ay naging mga bagong bukal ng inspirasyon para sa UP.
Ibinahagi nila ang kanilang naging journey, ang kanilang reaksyon sa naging tagumpay, ang impact nito sa kanilang paghahanap ng trabaho at kung ano na ang kanilang kasalukuyang estado sa industriya o sektor na kanilang kinabibilangan.
Read also: UP graduates na Top 1 sa board exams, kumusta na ngayon?
HAROLD ANDRE TEODORO PUIG
Sa 2,644 na kumuha ng October 2022 Electronics Engineer Licensure Examination, 785 lang ang nakapasa. Isa si Harold sa mga ito. Top 1 siya at may rating na 91.10 percent.
Nagtapos din siya bilang summa cum laude.
Ang kanyang hilig sa numero ay nagsimula sa kanyang lola na tinuruan siyang maglaro ng baraha at mahjong noong bata pa siya.

Kuwento ni Harold sa kanyang pagiging topnotcher, “I felt so blessed because it was totally unexpected.
“I was just praying that I will pass the exam, but the Lord is infinitely more generous.”
Nagtatrabaho siya ngayon bilang technology vision development officer sa isang malaking information technology solutions company sa Pilipinas.
Aniya nang matanong kung nakatulong ang kanyang pagiging topnotcher sa kanyang kasalukuyang posisyon, “I think that the top ranking in the licensure exam may have helped, but I believe that those who offered jobs to me gave more importance to my academic background and skills.”
Read also: PWD in Grade 10 in Negros Occidental wins editorial cartooning category
LUNA CAJILIG SALANIO
Nasa Masagana community ng Angat, Bulacan si Luna nang malaman niya na siya ang topnotcher sa September 2022 Social Worker (SW) Licensure Examination, at may rating na 88.80 percent.
Ang Masagana ang community kung saan nagsanay si Luna bilang community organizer, na isa sa mga final requirements para maka-graduate siya sa kanyang kurso.
Aniya, nasa nasabing komunidad siya para kumustahin at makihalubilong muli sa mga miyembro ng pamayanan.

“Upang mawala rin sa aking isip ang kaba at pangamba sa nalalapit na paglabas ng resulta ng exam.
“Dahil probinsya ang Masagana, maaga rin akong natulog. Naalimpungatan lamang ako sa gitna ng aking mahimbing na pagkakatulog dahil na rin sa ingay ng mga notification.”
Nakatanggap siya ng mga pagbati sa kanyang mobile phone mula sa mga kamag-anak at kaibigan nang lumabas na ang resulta.
Kuwento ni Luna, “Hindi ko maipaliwanag ang saya, kagalakan, kasabikan na aking naramdaman sa gabing iyon.
“Ang tanging sigurado lamang ako ay natanggal na ang isang malaking tinik sa aking dibdib sa mga panahong iyon at nasasabik na akong makapaglingkod pa nang mas maayos at mas malalim para sa ating mga kababayan bilang isang manggagawang panlipunan.”
Read also: Tina Dimas, may bagsak na grades, 9 years sa college, Top 6 sa board exam
Isa si Luna sa 19 examinees mula sa UPD College of Social Work and Community Development (CSWCD) na lahat ay pawang nakapasa sa September 2022 SW Licensure Examination.
Dahil sa kanilang tagumpay, nakabilang ang CSWCD sa top-performing schools.
Aniya, nagbukas ng maraming oportunidad ang kanyang pagiging topnotcher dahil maraming kumpanya ang nag-alok sa kanya ng trabaho.
Nalaman din niya na siya ang first transwoman na na-achieve ang ganitong tagumpay.
Nagtatrabaho ngayon si Lina bilang nag-iisang HIV (human immunodeficiency virus) social worker mula sa Sustained Health Initiatives of the Philippines, Inc. para sa four treatment hubs of SAIL (Save and Improve Lives) Clinic sa National Capital Region at sa Region 4A.
Bago siya nag-graduate, ginawaran si Luna at ang kanyang co-alumnus na si Alain Mateo F. Meneses ng CSWCD Department of Social Work ng pagkilala bilang Best Research Paper for 2019 sa undergraduate level.
Naging topnotcher naman si Alain sa February 2022 SW exam.
Read also: Joan Ramirez who passed teacher’s board exam: “Proud po ako na isang kasambahay.”
TIFFANY ASHLEY FALSIS UY
Si Tiffany ang topnotcher sa November 2022 Geologist Licensure Examination, at may rating na 83.70 percent.
Kabado siya sa kanyang naging performance sa board exam, kaya naman ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang malamang siya ang naging topnotcher.
Ani Tiffany, nang makita niya ang pangalan sa unahan ng listahan, naramdaman niyang ang lahat ng kanyang pinagdaanan at pagsisikap ay nagbunga na rin sa wakas.

Pagbabahagi niya, “The sleepless nights, the never-ending worry that I would not be able to study everything I needed to, it all paid off.”
Kung nakatulong sa kanyang paghahanap ng trabaho ang kanyang pagiging topnotcher, ani Tiffany, “There is no real easy way to get anywhere without working hard, and building connections is a slow process.
“It will not matter unless you give your best and stay motivated to achieve what you want in life.”
Kasalukuyan siyang research assistant sa Earth Materials Sciences Laboratory ng UPD National Institute of Geological Sciences (NIGS). Ang trabaho niya ay may kaugnayan sa environmental geology and geochemistry.
Plano rin niyang ipagpatuloy ang kanyang graduate studies sa NIGS.
Read also: Meet King Bergonio, chemist and Top 5 agriculturist; an achiever and a survivor
LANCE NATHAN YAP LIM
Madalas sabihin na ang UPD ay tahanan para sa mga masisipag na estudyante sa ating bansa. Kung pagbabatayan ang naging performance ng UPD College of Architecture graduate na si Lance sa February 2022 Master Plumber Licensure Examination, sasang-ayon tayo sa obserbasyong iyon.
Nagtapos si Lance ng Bachelor of Science in Architecture bilang magna cum laude noong 2019.
Miyembro rin siya ng member Phi Kappa Phi Honor Society.

Read also: Carmina Caparaz, summa cum laude and topnotcher, reveals struggles with imposter syndrome
Topnotcher siya sa master plumber examinations, at may rating na 84.90 percent. Siya ang nag-iisang UPD examinee na nakapasok sa Top 10.
Isang buwan pa lang ang nakalilipas noon matapos niyang maging Top 2 sa January 2022 Architect Licensure Examination. Sabay ang ginawa niyang pagre-review para sa dalawang board exams.
Kuwento niya, bukod sa sobrang natuwa siya ay nasorpresa rin siya sa kanyang tagumpay dahil ang kasabayan niya sa pag-aaral ay mga estudyanteng mas mahusay kaysa kanya.
“So, a big part of me expected to just get a passing grade.”
Sa kasalukuyan ay arkitekto si Lance sa isang design firm sa Makati City. Aniya ay masuwerte siyang naging bahagi ng isang highly competent team na may mga complex projects.
Nakatulong aniya ang pagiging topnotcher sa kanyang resume.
Gayunpaman, pasubali niya, “It ultimately cannot describe the full competence of a professional architect. There is much more to being an architect than performing well in the board exam.”
Read also: Application para sa August 20 civil service exam, itinakda sa May 22-June 21