Gumagawa ngayon ng pangalan ang math wizard na si Brian Jansen Vallejo, 13, ng Sarrat, Ilocos Norte matapos masungkit ang Golden Cup Award sa iba’t ibang international math competitions na inorganisa ng Math Olympiads Training League Inc. (MOTLI).
Ang MOTLI ay isang non-stock, non-profit organization ng mga mathematics professionals na ang layunin ay mas mahasa pa ang potensyal ng mga batang Pinoy na mahuhusay sa mathematics.
Si Brian ay Grade VII student ng Sarrat National High School, at nasa ilalim ng Thales Special Program for Mathematics.
Read also: Car buyer in GenSan bashed for his getup na “parang bumili lang sa tindahan.”

Read also: Babae, nag-request sa graphic designer na alisin ang 'trash lady' sa picture, ano’ng naging resulta?
Noong 2022, siya ang kauna-unahang nagwagi ng gintong medalya sa heat round ng Thailand International Math Olympiad (TIMO), at ng Big Bei Bay Math Olympiad (BBB).
Ngayong 2023, nagwagi rin siya sa Philippine International Math Olympiad (PhIMO), at sa Hong Kong International Mathematical Olympiad (HKMIO).
Bata pa lang si Brian ay kinakitaan na agad siya ng husay sa numero.
Read also: Sikreto ni Alexander Bandiola Jr. kaya naging Top 1 sa 2023 CPA board exam

Read also: Plantita, may kakaibang gardening hack para "buhayin" ang tuyong halaman
Sa panayam ng Philippine News Agency noong June 16, 2023 kay Michael Malvar, isa sa head coach ng SNHS Math Olympians, sinabi niyang masaya siya na maganda ang nagiging resulta ng ginagawa nilang pagsasanay sa kanilang mga estudyante.
Aniya, “This is the first time that we have a student who is a golden cup awardee in the TIMO, BBB, PhIMO, and HKIMO.”
Read also: Taxi driver in Tondo becomes successful businessman in Brunei
Bukod kay Brian, may pito pang “matheletes” na nagbigay ng karangalan sa SNHS—sina Allen Iver D. Barroga, Natalie Margaret Balisacan, Zyrene Angelica Dulluog, Mar Lean Malvar, Arianne Rasalan, Ma. Cassandra Duque, at Jushiem Barroga,
Nakapagdala sila sa SNHS ng limang gold medals, isang silver, isang bronze at isang merit award sa ginanap na HKIMO noong May 28, 2023.
Dahil dito, pumuwesto sa ika-15 ang Sarrat National High School sa hanay ng 495 public and private schools mula sa buong Pilipinas na lumahok sa naturang kumpetisyon.
Read also: Binatang taga-Laguna, wagi ng PHP55M sa lotto; ipagagamot ang maysakit na parents

Read also: Mascot naospital matapos sapakin ni ex-UFC champ Conor McGregor
Ang HKIMO ay isang annual international competition na humihikayat na maging interesado ang mga kabataan sa mathematics.
Pinalalaganap din nito ang pagpapaunlad ng primary and secondary education, at ang pagpapalitan ng kulturang pang-edukasyon sa mga bansa at rehiyon.
Kabilang sa mga bansang lumahok ang Hong Kong, China, Indonesia, Singapore, Malaysia, Thailand, Ukraine, Philippines, Kyrgyzstan, Iran, Taiwan, Vietnam, Myanmar at Cambodia.
Matatanggap ng mga nagwagi ang kanilang awards sa gaganaping seremonya sa Notre Dame of Greater Manila sa Caloocan City sa July 16, 2023.
Read also: Milyong piraso ng sentimo circa 1980s, natagpuan sa basement ng lumang bahay